Erich Gonzales denies dedmahan issue with Empress Schuck

IMAGE 0


There are a number of actors being linked with Erich Gonzales. There's Enchong Dee, Enrique Gil and Xian Lim. Who is courting her? "Wala po, wala pong nanliligaw sa akin ngayon," she says.


Puno ng kasiyahan si Erich Gonzales nang i-launch siya bilang pinakabagong celebrity endorser ng Careline cosmetics kahapon, January 22, sa Max's restaurant sa Quezon Avenue, Quezon City.

Wala naman daw siyang nararamdamang pressure kahit na nga ang sinundan niyang endorsers ay sina Toni Gonzaga at Sarah Geronimo.

"I feel honored po and thankful na after sina Ate Toni at Sarah e, ako na ang sumunod. Gagawin ko po lahat para maging mabuting endorser," sambit ni Erich.

Ayon pa sa magandang aktres, ang mga ganitong blessings daw ang mas nagpapatatag sa kanya at nagpapanatiling positibo sa kanyang pananaw sa kabila ng maraming intrigang ipinupukol sa kanya.

ChiuRiGoGoBaSchu ISSUES. Kaya naman buong tapang niyang hinarap ang mga maiintrigang tanong sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media pagkatapos ng formal presscon.

Unang intriga ay ang pagkakaroon daw nila ng away sa grupo nilang magkakaibigan, ang ChiuRiGoGoBaSchu, na kinabibilangan din nina Kim Chiu, Melissa Ricks, Beauty Gonzalez, Kitkat at Empress Schuck.

Totoo bang nagde-dedmahan daw sila ni Empress sa show nilang Shoutout?

"Kami ni Empress pinagtatawanan lang namin yung isyu kasi wala naman talagang intriga or anything between us. We're very okay, not only with Empress but within the rest of the group ng ChiuRiGoGoBaSchu.

"Pag may time po, lumalabas po kami. Ngayon lang hindi masyado kasi medyo busy lang talaga at hindi nagkakatugma yung mga schedules namin. But we're very much okay," paliwanag ni Erich.

Pero bakit siya ang mas madalas na nagkakaroon ng isyu sa mga kaibigan niya katulad ng dedmahan kay Empress at pagka-insecure niya raw kay Kim?

"Hindi ko po alam kasi wala naman pong katotohanan yun. Kasi magkakaibigan po kaming lahat. Wala naman pong nagbago sa amin kahit na busy kami. We still keep in touch like text or call. Yun po pag may free time talaga we go out kahit dinner lang," sagot in Erich.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anong sorpresa ang inihanda nila para sa nalalapit na debut ni Empress sa February 19?

"Basta nandun po kaming lahat sa 18th birthday ni Empress. Para kay Empress, I wish her all the best and all the luck in her life."

BOYS, BOYS, BOYS. Ilang mga artistang lalaki ang nali-link ngayon kay Erich. Nandiyan na nga ang ka-loveteam niyang si Enchong Dee, ang kasama niya sa Shoutout! na si Enrique Gil at ang isa sa dating leading men niya sa Katorse na si Xian Lim.

Sino ba talaga sa mga ito ang nanliligaw sa kanya?

"Wala po, wala pong nanliligaw sa akin ngayon," matipid na sagot ni Erich.

Si Erich din ang nagbanggit during the presscon na may ibang nagbibigay ng inspirasyon kay Enchong ngayon. Sino ba ito?

"Hindi ko po alam. E di ba po si Enchong naman ang nagsasabi na may nag-i-inspire sa kanya ngayon. Siya na lang po ang tanungin n'yo."

Hindi ba siya yun?

"Kami po ni Enchong magkaibigan lang po talaga kami."

E, si Enrique Gil, na balitang bagong manliligaw niya ngayon?

"Magkaibigan lang din po kami ni Enrique. Magkasama po kasi kami sa Shoutout kaya nagiging close na rin po kami. Marami naman po akong ka-close [dun sa show]."

Kumusta na sila ni Xian Lim, na balitang unang nanligaw sa kanya noon bago pa ang Katorse?

"Hindi na po kami nagkikita ni Xian ngayon. Pag nasa ABS siya, hi and hello lang, ganyan. Pero magkaibigan pa rin po kami," sagot ni Erich.

REVAMP. Isang malaking announcement ang ginawa sa Kapamilya youth-oriented show na Shoutout! noong Biyernes, January 21, kung saan sinabi ng ABS-CBN Senior Vice President for Entertainment TV na si Ms. Linggit Tan na binibigyan ng isang buwan ng ABS-CBN management ang mga kabataang kasama sa show para mag-step up at gawin ang kanilang best para mapaganda ang show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung walang makikitang improvement ang management sa loob ng isang buwan ay ika-cancel na ang Shoutout!

Nagsagawa rin ng revamp sa groupings ng show kung saan nagpalit-palit ng members bawat araw.

Ipinalabas din ni Ms. Joyce Liquicia, business unit head ng show, ang mga negative comments mula sa viewers na natanggap nila tungkol sa show at sa mga teenmates.

Bilang isa sa main hosts ng Shoutout! tinanong ng PEP si Erich kung pabor ba siya sa ginawa ng ABS-CBN na ipinalabas pa pati yung mga negative comments about the show?

"Well, yung mga constructive criticisms naman po siguro we won't take it negatively. Siguro naman po makakatulong din yun sa amin para mas mapaganda yung show, mas mapabuti.

"We promise you na next week po Shoutout! will be different and mas magiging exciting talaga siya. Yung show naman po na iyan parang there's always room for improvement, di ba?" sagot ni Erich.

Nalungkot din ba siya sa big announcement na ito?

"We were all surprised. Siyempre po, nung narinig namin yung mga comments, nalungkot din po. Kasi we felt na we're doing our best naman. Pero siyempre po, hindi naman maiiwasan yung mga comments na ganyan.

"But nirerespeto po namin yung mga sinasabi ng viewers kasi sila naman po yung nanonood sa amin. Yun po, mas pagbubutihin na lang namin this time."

Ano ang reaksyon niya sa tila pagkaka-demote ni Enrique Gil na dating main host, pero ngayon ay isinama na lang sa regular teenmates?

"The Shoutout! management, they decided nga na mas okay nga raw po na ganun. Si Enrique naman is okay with it. Wala naman siyang reklamo or anything. Mas mahahasa pa po yung skills nila, talents nila with the new groupings," sagot ni Erich.

FACING INTRIGUES. Paano hina-handle ni Erich ang mga intrigang dumarating sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako po hindi ko na lang po pinapansin kung may mga pangit na sinasabi sa akin. Tini-take ko na lang po lahat as a challenge. Kasi kahit naman ano po ang gawin mo may masasabi pa rin sila. Sanay na po ako. Kaya huwag na lang magpaapekto kasi alam ko naman yung totoo."

Nagagalit ba siya sa mga press na laging umiintriga sa kanya?

"Hindi naman po. Kasi po, di ba trabaho naman po n'yo yang ganyan? Wala po akong sama ng loob kahit kanino. Basta hindi na lang po ako nagpapaapekto. May ibang mga press din naman po na pumupuri at may mga magagandang nasasabi tungkol sa akin kaya yun na lang po ang ipinagpapasalamat ko," sabi ni Erich.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN