Derrick Monasterio thinks his Tween Hearts co-star Kylie Padilla is just gorgeous

IMAGE 0


At the beginning, Derrick Monasterio was shy around co-star Kylie Padilla. "Noong una lang po iyon!" he says. "Ngayon, nakikita na ni Kylie na makulit ako at makuwento ako. Kahit nga po siya, hindi na gano'n ka-shy kapag magkasama kami. Nag-o-open up na rin siya. Nagiging madaldal na rin po siya."


"Ang ganda-ganda po ni Kylie!"

Yan ang pahayag ng isa sa mga sikat na teen actors ng programang Reel Love Presents Tween Hearts na si Derrick Monasterio tungkol sa bago niyang ka-loveteam na si Kylie Padilla.

Nakapag-first taping na nga si Kylie para sa Tween Hearts noong nakaraang Saturday at nakilala na nga nito ang buong cast ng naturang programa. Tinulungan nga siya ni Derrick na makilala ang cast dahil sila pa lang daw ang magkakilala.

Nagkasama na si Derrick at Kylie sa acting workshop para sa telefantasya ng GMA-7 na Dwarfina, kung saan sila rin ang partners doon.

"Nag-a-adjust pa si Kylie sa samahan namin sa set. Siyempre, medyo mahiyain pa siya. Nakaka-relate ako kasi noong una, mahiyain din ako," ang kwento ng aktor sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Pero welcome naman agad si Kylie sa grupo namin. Inaabangan na siya ng buong grupo kung kelan siya papasok talaga. Noong dumating na nga siya sa set, natuwa ang lahat and we all welcomed her. Kita naman namin na masaya siya sa pagpasok sa Tween Hearts," aniya.

Hindi nga itinatanggi ni Derrick na natutulala siya sa ganda ni Kylie.

"Hindi lang naman po ako, pati ang ibang boys ng Tween Hearts ay gandang-ganda kay Kylie!" sabay tawa niya.

"Hindi mo naman mapipigilan na humanga kay Kylie kasi kitang-kita naman kung gaano siya kaganda. Tapos mabait pa siya. Kaya parang lahat na ng gusto mo sa girl ay nasa kanya."

Nawala na nga raw ang pagiging mahiyain ni Derrick kay Kylie unlike noong una na halos hindi raw siya makapagsalita sa harap ng dalagitang anak ni Robin Padilla.

"Noong una lang po iyon!" tawa pa niya ulit.

"Ngayon, nakikita na ni Kylie na makulit ako at makuwento ako. Kahit nga po siya, hindi na gano'n ka-shy kapag magkasama kami. Nag-o-open up na rin siya. Nagiging madaldal na rin po siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya hindi naman magtatagal na makakasundo niya lahat ng mga nasa Tween Hearts. Lalo na ang mga girls, kasi alam n'yo naman ang mga babae, marami silang pinagkukuwentuhan na hindi namin puwedeng malaman."

Wala pa naman daw balak si Derrick na manligaw kay Kylie. Gusto pa raw niyang kilalanin muna ito nang husto at maging magkaibigan sila.

"Huwag naman yung ligaw agad. I want to be friends with her muna. Tsaka gusto namin na magkasundo-sundo muna kaming lahat. Importante yung magandang bonding namin sa Tween Hearts at sa Dwarfina.

"Tsaka na 'yang ligaw-ligaw. Bilin nga ni Direk Gina [Alajar] sa amin, trabaho muna at pagbutihin namin para magtagal kami at mabigyan pa ng mas maraming trabaho," ngiti pa niya.

Si Kylie ang kapalit ni Louise delos Reyes na original partner ni Derrick. Tulad nga ni Louise, much older si Kylie kesa kay Derrick who is only 15 years old. Kylie will turn 18 on January 25.

"Hindi ko alam kung bakit natataon na older sa akin ang nagiging partner ko sa Tween Hearts. Pero okey lang kasi hindi naman halata, e. Matangkad kasi ako for my age.

"Wala naman po sa edad 'yan, e. Mature naman ang pag-iisip ko. Pero minsan, para akong bata sa set. Makulit pa rin ako at palabiro. Pero napagsasabihan naman ako. Kapag trabaho, trabaho tayo at walang laro," aniya.

Nami-miss ba niya ang original na ka-loveteam niyang si Louise na ngayon ay bida na sa afternoon drama series ng GMA-7 na Alakdana?

"Opo naman. Kasi kami ang mga unang nagkasama sa show. Kaya magkakilala na kami. Yung dapat na four weeks lang na Tween Hearts, ngayon aabot na kami hanggang April. Sayang nga at hindi na namin makakasama si Louise. Parang may kulang na sa barkada namin.

"Pero masaya kaming lahat for [her] kasi nabigyan na siya ng pagbibidahan na show. Isang malaking break 'yan para sa kanya. Yun nga lang ang naging kapalit ay ang iwanan niya kami para sa Alakdana," sagot ni Derrick.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagkikita-kita pa rin naman kami sa GMA-7 kapag may mga guestings kaya buo pa rin ang barkada. Lahat kami ay kinu-congratulate si Louise sa Alakdana. Huwag sana siyang magbago. Maging sweet pa rin siya tulad ng una kong pagkakakilala ko sa kanya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN