Ford Supermodel of the World Danica Flores Magpantay wants to work in New York

Apr 16, 2011
"Maraming salamat po sa lahat ng suporta ng lahat ng naniniwala sa akin. Ibigay natin lahat para kay God, kasi kung hindi ho talaga kay God, hindi posible lahat ng nangyari. Magdasal lang po tayo palagi," says Danica Flores Magpantay to her supporters.

Matapos manalo sa Ford Supermodel of the World competition, nais na raw ni Danica Flores Magpantay na magtrabaho sa New York.

Sa panayam sa kanya ng GMA News kahapon, January 24, sinabi ng 17-year-old supermodel na nais niyang sa New York na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Kumukuha si Danica ng B.S. Fine Arts sa University of the Philippines bago manalo sa international modeling competition.

Ipinahayag ni Danica sa GMA News ang tuwa niya sa kanyang pagkapanalo. Bukod kasi sa titulo, mag-uuwi si Danica ng $250,000, o humigit-kumulang P11 million, na cash prize.

"Nagulat po ako pero masayang-masaya po ako kasi nanalo nga po ako ng Ford Supermodel of the World. Part po nun ng kontrata is nanalo po ako ng $250,000. Hindi ko naman po inisip na magiging part na rin po ako ng Ford Modeling Agency sa New York," saad niya.

Tumaas din daw ang tiwala niya sa sarili dahil sa kanyang tagumpay.

Continue reading below ↓

"Mas naging confident po ako, kasi po parang, alam ko na hindi lang po ano, may maibibigay po yung mga Pilipina dito sa New York," sabi ni Danica.

Nagbigay rin siya ng mensahe sa lahat ng kanyang tagasuporta, at sa mga umiidolo sa kanya.

"Maraming salamat po sa lahat ng suporta ng lahat ng naniniwala sa akin. Ibigay natin lahat para kay God, kasi kung hindi ho talaga kay God, hindi posible lahat ng nangyari. Magdasal lang po tayo palagi," sabi ng Pinay supermodel.

Read Next
Read More Stories About
New York
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Maraming salamat po sa lahat ng suporta ng lahat ng naniniwala sa akin. Ibigay natin lahat para kay God, kasi kung hindi ho talaga kay God, hindi posible lahat ng nangyari. Magdasal lang po tayo palagi," says Danica Flores Magpantay to her supporters.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results