Freddie Webb on son Hubert: "Sometimes he's the happiest person on earth but he can also be the most sorrowful person."

IMAGE 0


"You know, the answer always happens in God's time. Tandaan natin 'yan. You cannot rush God. Sometimes, God gives you a cross to carry. Maybe you might not be able to carry it. But God will always tell you kung kelan mangyayari, yung tamang panahon," says actor and former senator Freddie Webb.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang dating senador na si Freddie Webb kagabi, January 24, sa Yaku Japanese restaurant sa loob ng Podium Mall sa Ortigas, Pasig City.

Ang restaurant ay pag-aari ng anak ni Freddie na si Jason Webb, isang dating PBA player at TV host.

Ang isa pang anak ni Freddie na si Hubert Webb ay nakalaya na mula sa mahigit labinlimang taong pagkakakulong matapos i-dismiss ng Supreme Court ang Vizconde murder case kunsaan si Hubert ang pangunahing suspek. (CLICK HERE to read related story.)

Tinanong ng PEP si Freddie kung may plano ba si Hubert na mag-abroad para kahit paano ay maging normal ulit ang kanyang pamumuhay at hindi na maalala ang mapait na karanasan.

"Hindi pa namin napapag-usapan," sagot ng dating senador.

"Mahirap sabihin kung ano ang plano niya, kung mag-a-abroad ba siya o maiiwan dito. It's his decision.

"Hinahayaan ko muna siyang makiramdam. Makiramdam muna siya."

May napansin ba silang pagbabago kay Hubert sa atitude nito mula nang mapasok at lumabas ito sa kulungan?

"Sa katawan, siyempre, he's now bigger compared to before. Pero yung sa attitude, halos wala, e. Malambing pa rin siya.

"'Tamo kanina, pagkatapos kong kumain, nanonood ako ng TV, biglang may humalik sa akin. Yun pala siya, magpapaalam siya. Sabi niya, 'Bye Dad, alis na ako, ha?'

"Pero sa napansin ko lang, he's more appreciative of nature. Madalas siyang nagpapasalamat sa Panginoon.

"Bago siya kumain, never niyang nakakalimutaang magdasal. Pag nasa loob kami, siya palagi ang leader sa pagdarasal.

"Siguro pag ganun din po, pag nawala yung 15 years of your time, you become appreciative of the smallest things. Pinakamaliit na bagay lang, masaya ka na.

"Pero ang dali rin niyang maging malungkot, ha. Sabi ko nga, yung sitwasyon ni Hubert, sometimes he's the happiest person on earth but he can also be the most sorrowful person.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pag naging malungkot na 'yan, malaki na ang problema namin," saad ni Freddie.

LIFE IN PRISON. Karamihan sa mga bilanggo ay nakukursunadahan ng kapwa nila bilanggo. Pero ayon kay Freddie, sa kaso ni Hubert ay hindi raw ito nakursunadahan at napaaway. Marunong daw kasing makisama at friendly sa lahat ang kanyang anak.

"Kung minsan nga, yung gamot, pag umo-order 'yan, sabi ko, 'Ba't ang dami-dami?' Sabi ko, 'Ano ba, meron ka na bang drugstore diyan?'

"Yun pala, lahat binibigyan niya ng gamot. Kung sino ang may gusto, pinapa-order pala niya.

"Ganun siyang makisama. Kaya siguro hindi siya nakursunadahan sa loob.

"At alam n'yo rin ba siguro kung bakit? That's one of my prayers, e, na sana for him to always keep his cool.

"Kasi alam n'yo naman sa loob, patayan. May kanya-kanyang camp diyan. Minsan ka lang maano, baka pagtalikod mo, banatan ka.

"Yun ang problema dun, pag nagkaroon ng away, hindi kami makakapunta."

LOSING HOPE. Kahit kailan ba ay hindi sila nawalan ng pag-asa na makakalaya rin si Hubert?

"Actually, humina. Hindi mo maiaalis kasi sa tagal," pag-amin ni Freddie.

"Araw-araw, pag naglalakad ako, tumitingala ako sa langit, kinakausap ko ang Diyos, e. Sinasabi ko, 'God, kelan ba matatapos 'etong kalbaryong ito?

"Every time, I never failed to ask Him that.

"Alam ninyo, nung Tuesday ang desisyon, Sunday nandun kami [sa Bilibid], kinausap ko ang Diyos. Sabi ko ulit, 'God, babalik pa ba kami sa isang Linggo?'

"Every Sunday kasi ang dalaw namin kay Hubert. Walang palya yun sa loob ng 15 years and four months na nakakulong siya.

"Pero yun nga, hindi na kami bumalik ng sumunod na Linggo kasi laya na siya.

"You know, the answer always happens in God's time. Tandaan natin 'yan. You cannot rush God.

"Sometimes, God gives you a cross to carry. Maybe you might not be able to carry it. But God will always tell you kung kelan mangyayari, yung tamang panahon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero alam ninyo ang kagandahan lang diyan, sabi nga sa akin ni Hubert... Kasi nung galit na galit ako kina Jessica [Alfaro, tumayong state witness laban kina Hubert], sabi niya sa akin, 'Pabayaan mo na lang sila. Tingnan mo, kung nasa labas ako, yung aking classmate, inatake, patay. Yung isa tumatawid sa kalsada, patay. Yung isa paralitiko. Pero eto, tayo buhay. Ang daming binigay na biyaya ni God sa pamilya natin.' Ganoon siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN