Actress Roxanne Guinoo marries Filipino-Chinese businessman Elton Yap

IMAGE 0


Roxanne Guinoo and Elton Yap tied the knot last January 23 at the Santuario de San Antonio in Makati City. The couple already had a daughter before they got married.


Ikinasal na ang Kapamilya actress na si Roxanne Guinoo sa Filipino-Chinese businessman na si Angelo Elton Yap noong Linggo, January 23, sa Santuario de San Antonio Church, Makati City.



Kasama sa principal sponsors ng bagong kasal ang aktres na si Maricel Soriano, ang TV host at talent manager na si Boy Abunda, ang cosmetic surgeon na si Dra. Vicki Belo, at ang direktor na si Rahyan Carlos.



Sina Mariel Rodriguez, Regine Angeles, at Charlene Gonzalez naman ang ilan sa secondary sponsors.



Puting-puti ang gown na suot ni Roxanne, 24, na dinisenyo ni Pepsi Herrera. Naka-coat and tie naman si Elton, 21.



Ilan sa mga naging bisita sa kasal ay sina Toni Gonzaga, Angelica Panganiban, Ara Mina, Jomari Yllana, Kris Lawrence, at Tim Yap, na pinsan ni Elton.

Matatandaang inamin ni Roxanne na buntis siya sa kanilang unang anak nila ni Elton noong February 8, 2010, sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa The Buzz. Sinabi niya ring magpapakasal sila ni Elton matapos ang isang taon. (CLICK HERE to read related story.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN