Eula Valdes says she has nothing to do with the inclusion of boyfriend Rocky Salumbides in the restaging of ZsaZsa Zaturnnah Ze Musikal

IMAGE 0


"Even before ko pa siya na-meet, pinapahanap na siya, e. Siguro dahil Pinoy ang itsura, ganyan... Wala akong kinalaman sa pagkakapasok niya [sa ZsaZsa Zaturnnah], I swear. Kasi hindi naman ako ang magde-decide kung ano... Nag-o-audition lahat. Kahit ako, nag-audition ako, e. So, wala akong powers na magpasok ng kahit na sino," declares Eula Valdes when asked if she has something to do with her boyfriend Rocky Salumbides's role as Dodo


Sa ika-pitong run ng ZsaZsa Zaturnnah Ze Musikal sa Cultural Center of the Philippines (CCP) theater company na Tanghalang Pilipino, kasama na ng bida ng musical na si Eula Valdes ang boyfriend niyang si Rocky Salumbides.

Si Rocky ang gaganp bilang Dodong, ang object of affection ng character ni Eula na si ZsaZsa Zaturnnah at ni Ada, na ginagampanan naman ng stage actor na si Tuxqs Rutaquio.

Ang ZsaZsa Zaturnnah Ze Musikal...Vack With A Vengeance ay base sa graphic novel ng writer-illustrator na si Carlo Vergara na Ang Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran ni ZsaZsa Zaturnnah.

Tungkol ito sa isang beauty parlor owner sa isang maliit na bayan na nakapulot ng mahiwagang bato na nagpapabago sa kanya para maging isang babaeng superhero, si ZsaZsa Zaturnnah.

Noong Metro Manila Film Festival (MMFF) 2006 ay nagkaroon ito ng movie version na ginanapan nina Rustom Padilla bilang Ada, Zsa Zsa Padilla bilang ZsaZsa Zaturnnah, Alfred Vargas bilang Dodong, at Chokoleit bilang Didi.

Sa muling pagbabalik-entablado ng comics turned musical sa Tanghalang Aurelio Tolentino na magsisimula na sa February 18 hanggang March 13, may mga bagong mukhang ipinakilala. Kasama na nga rito ang 30-year-old model boyfriend ni Eula.

Pero kahit na first time ni Rocky sa ZsaZsa Zaturnnah Ze Musikal, hindi naman daw ito ang unang pagkakataon na nakasama sa isang stage play ang dating PBB Double Up housemate.

Ani Eula, nagkasama na sila noon ni Rocky sa play na ginawa niya noong nakaraang taon na A Streetcar Named Desire.

"Meron kasing role na yung young man," natatawa munang hinto ni Eula bago nagpatuloy, "hahalikan ako. E, sumasama siya. So, sabi ni Direk Floy [Quintos], 'Ba't hindi na lang siya [Rocky] yung halikan mo, para walang problema?'"

Okey naman daw ang naging performance ni Rocky sa stage play na 'yon. Pero para sa 7th run ng ZsaZsa Zaturnnah, mabilis na nilinaw ng aktres na wala siyang kinalaman sa pagkakapasok ni Rocky rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman. Kasi even before ko pa siya na-meet, pinapahanap na siya, e. Siguro dahil Pinoy ang itsura, ganyan...

"Wala akong kinalaman sa pagkakapasok niya [sa ZsaZsa Zaturnnah], I swear.

"Kasi hindi naman ako ang magde-decide kung ano... Nag-o-audition lahat. Kahit ako, nag-audition ako, e.

"So, wala akong powers na magpasok ng kahit na sino. Nasa sa kanila yun," tukoy pa ni Eula sa Tanghalang Pilipino.

"Prerogative nila yun kung tatanggapin nila or hindi. Siguro naman, hindi naman sila kukuha ng hindi able o hindi makakaya. Dahil sila rin yung mapapahiya."

TWO YEARS AND GOING. More than two years na ang relasyon nina Eula at Rocky. Tinanong tuloy ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung may patutunguhan na ba ang relasyon nila, tulad ng kasal.

"Hindi kami nagpaplano," sagot agad ni Eula. "Happy kami na... sana growing stronger. Pero, wala kaming problema sa ngayon. Magkasundo kami, sobra. Sabi ko nga sa kanya, siya yung male version ko."

Maski na simpleng Valentine's Day date ay hindi nga raw pinaplano nina Eula at Rocky.

"Kasi pag nagpaplano, minsan may trabaho... Sa ngayon, mas priority namin yung mga schedules, other commitments.

"Basta nandito lang kami to support each other. Yung walang...hindi ako nagli-limit na... hindi ako yung tipo na, 'O, hindi mo ito puwedeng gawin. Hindi ka puwedeng maghubad.'

"I mean, may sarili kang pagkatao, malaki ka na, matanda ka na. Kaya mo nang magdesisyon. So, wala. Wala kaming plano-plano."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN