Bing Loyzaga peeved by pregnancy rumor about daughter Alyssa Gibbs

IMAGE 0


"Tirahin ninyo ako, huwag ang anak ko. Hindi ako nagiging artista, nagiging nanay ako. So, I didn't like it," says Bing Loyzaga about the rumor that her daughter Alyssa is pregnant.


Ang guesting ni Bing Loyzaga sa isang episode ng drama anthology ng TV5 na Untold Stores Mula Sa Face To Face ang naging daan para makasama siya sa napakalaking cast ng kauna-unahang primetime soap ng Kapatid network—Babaeng Hampaslupa.

Kuwento ni Bing sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Babaeng Hampaslupa kagabi, January 27, nag-inquire daw ang Kapatid network kung ano ang status niya sa ABS CBN.

Sa Kapamilya network kasi huling gumawa ng soaps si Bing—ang Rubi at Agua Bendita—pero hindi muna siya tumanggap ng shows pagkatapos ipalabas ang mga ito.

"In all fairness, lahat ng tamang pagpapaalam, ginawa ko naman," sabi ng character actress.

Gusto niya bang subukan ang pakikipagtrabaho sa TV5?

"Hindi naman sa gusto kong subukan, I'm open to everybody.

"Freelance naman ako, hindi naman ako nakatali sa kahit na kanino. Nagkataon lang na maraming taon akong trinabaho sa ABS from way back.

"Kumbaga, I'm open to anybody, lalo na kung maganda yung project. Why not?" paliwanag ni Bing.

Gaano katindi ang pagiging kontrabida niya sa Babaeng Hampaslupa?

"Parang slight solo flight ako dito!" natatawa niyang sabi. "Ako na yung sukdulang kontrabida dito.

"Pero two-face ako dito. Kasi, mahal ko dito si Charles, which is played by Jay Manalo.

"Gagawin ko ang lahat para makuha siya. Para maging pamilya ako ng Wong, which is ginawa ko naman."

Tanggap daw ni Bing na na-typecast na siya sa kontrabida roles.

"Aminin naman natin, etong mukha bang ito, mukha bang mabait?" tawa niya ulit.

"Pero in fairness naman, may mga roles naman ako na mabait ako. At salamat naman sa mga nagtangkilik no'ng mga projects ko na mabait ang role ko.

"Pero nakaka-miss din naman maging bruha. Mas mahirap maging mabait kung ganito ang face!"

Paano ba siya nagiging "bruha" sa tunay na buhay?

"In real life, hindi ako bruha. Komedyante ako, e," sagot ni Bing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba puwedeng pagsamahin ang pagkokontrabida na may halong comedy?

"Huwag, baka sabihin nila bipolar na ako... Mas enjoy yung hindi mo nagagawa sa tunay na buhay, magagawa mo sa trabaho para exciting.

"Finally, dumating uli yung offer na kontrabida, why not? Na-miss ko rin," sabi niya.

BING'S DAUGHTERS. Kumusta naman ang dalawang anak nila ng asawang si Janno Gibbs, sina Alyssa at Gabrielle?

"Ay, my kids are very well! Happy naman sila.

"Happy naman sila na... Natutuwa sila dahil since I'm playing Chinese [in Babaeng Hampaslupa], na talagang Chinese na Chinese talaga kami dito.

"Natutuwa sila dahil nagri-research ako. 'Halika, mag-shopping tayo dahil kailangan kong bumili ng red na ganito, red na ganyan!'

"'Aba, talagang nag-aabala ka, Mom!' Nae-excite sila sa akin," masayang kuwento ni Bing.

RUMORED PREGNANCY. Last year, nabalitang buntis ang panganay na anak ni Bing na si Alyssa. Hindi itinago ni Bing ang pagkainis niya sa isyung ito.

"You know, it's funny. Some people think they know my life, they know my kids' life.

"Alyssa is very well. She's 21, she's single. There's no truth... Apparently, may mga tao lang na akala nila nakatira sa bahay ko..

"Kung may galit sila sa akin, sa akin na lang or kay Janno. Huwag lang sa mga anak ko," pakiusap niya.

May nakagalit ba siya o si Janno kaya natsismis na buntis si Alyssa?

"Apparently, yung nangyaring incident na yun, it was very... How can I put it? Bastos, e!" sabi ni Bing.

"Bastos in the sense na, meron akong inauguration. Inauguration lang naman ni PNoy [President Noynoy Aquino].

"So, nagmamadali kaming lahat dahil late na kami. And pinipilit kang ini-interview. So, sabi ko, 'Teka muna!'

"Pero they cut things up and they say it in their own words, that's what came out. Dahil siguro I said I have better things to do than give an interview while walking towards the [Quirino] Grandstand.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ano 'yan e, there's a right time and a right place for everything, and not everything in life you can get, di ba? So, huwag pilitin yung hindi puwede.

"Puwede naman mamayang konti, di ba? E, may inauguration tayo.

"Yun na nga, that's water under the bridge. Alyssa is doing well.

"To those people or that person, God bless him!" pahabol ni Bing.

Sabi pa niya, hindi lang siya nagpaunlak sa interview noong sandaling nagmamadali sila patungong inauguration ni PNoy, in-assume na raw na buntis nga ang kanyang anak.

"Ganda, 'no? Parang nakatira sa house ko para mag-assume!" bulalas ni niya habang nag-iiling.

ANGRY AT THE RUMOR. Nasaktan ba siya o napikon sa isyu?

"Galit ako!" diretso niyang sabi.

"Tirahin ninyo ako, huwag ang anak ko. Hindi ako nagiging artista, nagiging nanay ako. So, I didn't like it."

Nasaktan daw si Bing para sa anak dahil hindi ito artistang gaya nila ni Janno, na okey lang masangkot sa mga intriga at tsismis.

"Hindi naman siya showbiz. No'ng bata siya, nag-showbiz siya, pero hindi siya full-fledged.

"She just graduated college from Ateneo, A.B. Psychology. Tapos gano'n yung ilalabas nila. It's so unfair for my daughter.

"But, yun na nga, luckily, my daughter is more mature than those people. So, she knows how to handle this," saad ni Bing.

Ano ang naging reaksiyon ni Alyssa noong lumabas ang tsismis na buntis daw siya?

"In the beginning, nabuwisit siya. Pero sabi niya, 'Let's move on na lang, Mama.' Kasi ako yung galit."

Ano ang naging reaksiyon ni Janno no'ng mga panahong iyon?

"Si Janno, nagbigay ng statement no'ng time na yun. Ako, I felt for my daughter lang.

"Babae ang sa akin. And not for anything, she's 21, she is of legal age, she's a graduate.

"So, kung meron man siyang choice na magkaroon ng boyfriend, wala na silang pakialam doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero wala, e. Meron talagang mga taong hindi makuntento kung hindi manira. I will pray for them, I will continue pray for them."

Hindi itinanggi ni Bing na merong boyfriend si Alyssa no'ng panahong iyon.

"What's wrong with that? 2011 na, hello! Stone Age ba tayo? Dyusko, ano ba?" nailing muli na sabi ni Bing.

Nagtanong ba si Alyssa sa kanila ni Janno kung bakit may gano'ng lumabas na isyu?

"Oo, nagtanong siya," sagot ni Bing.

"Siyempre, magtatanong siya. Bakit? Anong nagawa niya? Which, sabi ko sa kanya na 'I really don't know.'

"I have to apologize to Alyssa. Nadadamay siya ng trabaho [namin], which is so unfair.

"Water under the bridge, that's why it's a new year. I wish those people blessings from God, and I wish it never happens to them."

Hindi ba naapektuhan nang husto si Alyssa?

"Kasi, we know the truth. Basta hawak mo ang katotohanan, hindi ka maaapektuhan talaga, e.

"You'll be bothered for a while. Pero you'll go on because you hold the truth.

"Sila na walang masyadong pinanghahawakang katotohanan ay good luck na lang!"

Naging mas matibay raw ang samahan nila dahil sa isyung lumabas.

"A, yeah, definitely, definitely!" bulalas niya.

"And in all fairness, I will admit, I asked legal help as to what I should do if it became bigger. I would have taken legal action.

"Pero yun nga, our world is small. So, really, do I wanted it smaller, di ba? 'Saka sana masaya sa ginawa nila."

Hindi lang daw sa diyaryo lumabas ang intriga tungkol kay Alyssa kundi inilabas din ito sa telebisyon. Alam din daw nila kung saan galing ang lumabas na isyu sa kanyang anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN