UST Alumni Piolo Pascual and Charlene Gonzalez posed as models for Quattromondial monument

IMAGE 0


"I have a lot of special moments here with my friends on campus, sa library, sa classroom, at saka noong naging basketball player ako sa College of Science and first time kaming nanalo bilang champions, and of course graduation," says UST alumna Charlene Gonzalez when asked about her fondest memory as a Thomasian. Charlene was chosen as one of the four human figures for the 10-meter-high monument called Quattromondial, which symbolizes the 400 years of UST exce


Naging pangunahing panauhin sina Piolo Pascual at Charlene Gonzalez sa unveiling ng Quattromondial ng University of Santo Tomas kagabi, Enero 27, sa loob ng kampus sa Espana, Manila.

Ang dalawang celebrity ay kinuha upang maging parte ng apat na kinuhang modelo para sa 10-meter-high na monumentong ginawa ng iskultor na si Ramon Orlina.

Tuwang-tuwa at excited pareho sina Piolo at Charlene habang unti-unting tinataas ang takip ng "Quattromodial."

"First time kong makita and I really waited for it. Sobra-sobrang touched," sabi ni Piolo.

Ayon kay Orlina, si Piolo ang kumakatawan sa mga lalaking estudyante ng unibersidad. Siya rin ang may hawak ng simbolo ng "excellence" ng UST.

Paliwanag pa niya, "I need somebody who has a good physique. What is important for me is someone who has a good physique, especially for the one who is representing the male students of UST."

Sa kabilang banda, si Charlene naman ay nagpapasalamat sa pagpili sa kanya bilang kinatawan ng mga babaeng estudyante, at sumisimbolo ng "erudition" ng pamantasan.

"I guess words can't describe 'yong happiness ko ngayon 'yong excitement ko, I'm just really, really grateful. Nalaman ko ito last year, tumawag sa akin si Sir Ramon. Of course, instantly, hindi ako makapaniwala na, 'Talaga?' And I said right away," sabi ni Charlene, na nakatapos ng B.S. Psychology noong early '90s.

Ang dalawa pang modelo ay binubuo ng Dominican priest na si Rev. Fr. Rolando dela Rosa, para sa simbolo ng "spirituality;" at ang babaeng anak ni Orlina na si Monina Orlina, para sa simbolo ng "tradition."

Ang unveiling ng Quattromondial ay isa lamang sa mga naging highlight ng ika-400 anibersaryo ng UST ngayong taon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN