Alex Gonzaga on being Babaeng Hampaslupa: "Mahirap mai-compare sa isang Ms. Maricel Soriano."

IMAGE 0


Alex Gonzaga is nervous about portraying Babaeng Hampaslupa, her biggest role to date. The upcoming dramaserye of TV5 is not a remake of Maricel Soriano's 1988 film Babaing Hampaslupa.


Kung dati ay isa lang sa support cast sa ABS-CBN si Alex Gonzaga, ngayon ay isa na siya sa mga pinaka-importanteng artista ng TV5.

Pagkatapos siyang isabak sa hosting, sa pamamagitan ng Juicy, at comedy sa BFGF, Lokomoko U, and Happy Together—ngayon ay handa na siya para sa isang serye, Babaeng Hampaslupa, na ilulunsad sa February 7, pagkatapos ng Willing Willie.

Mabigat na pressure daw ito sa kanya dahil mahuhusay na aktres ang kasama sa cast—gaya nina Ms. Susan Roces at Alice Dixson.

"Actually, hindi ko ma-explain yung feeling kasi dati, pinapanood ko lang sila. Ngayon, kasama ko na sa eksena. Dati pinapanood ko lang mga movies ni Ms. Alice, 'tapos si Ms. Susan, tinitingnan ko lang picture niya sa East Wood 'tapos yung Walk of Fame niya," bungad ni Alex.

Dugtong niya, "Ang nakakaloka, ang first scene ever pa na tinake namin ni Ms. Alice ay tatapunan ko siya ng putik sa mukha? She's so professional at sobrang bait na tintutulungan niya talaga ako sa mga eksena. Sinasabihan niya ako ng 'Go! You can do it!'"

NO COMPARISON, PLEASE. Inihahanda na rin daw niya ang sarili sa mga feedback ng tao tungkol sa kanyang character.

Inisip ng karamihan na remake ito ng 1988 film ni Maricel Sociano na Babaing Hampaslupa. Pero ayon sa text message na ipinadala ng Publicity department ng TV5, "Totally different po...Hawig lang sa title pero pati sa spelling magkaiba naman." Kaya, kung puwede raw mag-request si Alex, huwag na lang sanang magkumpara.

Aniya, "Ako kasi, sanay na ako sa mga comparison, lalo na sa Ate ko. Pero ngayon, kinakabahan ako kasi Ms. Maricel Soriano 'yan. Personally, di kami magkakilala, di ko alam kung napapanood ba niya ako. Parang ang hirap i-reach yung expectations ng tao, so, sana ano na lang...iba naman talaga yung kuwento, so makikita nila na ibang-iba naman talaga. So sana, 'wag nang mai-compare. Mahirap mai-compare sa isang Ms. Maricel Soriano."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Grabe raw ang preparations na ginawa niya para sa kanyang role. "Nag-prepare talaga ako, lagi akong nagwo-workshop. Tinatawagan lagi kami ng Mommy ko, nagtutulungan kami na maayos namin ito kasi napakalaking proyekto nito," ayon sa dalaga.

Sa pagpapatuloy niya, "Grabe ang workshops namin, imagine six to seven hours! Lahat ng sama ng loob mo, kailangan mong ilabas, bukas na bukas ka nun. After the workshops, sasabihin lang sa iyo, 'O, ok na.'"

At may mga pagkakataon daw na masasapawan siya sa eksena ng mga betaranang artista na kasama niya sa nasabing soap opera kahit siya ang bida rito.

"Tanggap ko kasi, kung masapawan man ako, dahil given naman yun...dahil magagaling talaga silang mga artista. Kaya ako nga, pinagbubuti ko talaga yung acting at bawat eksena na ginagawa ko," ang sabi ni Alex.

NOT READY FOR A BOYFRIEND. Samantala, dumako naman tayo sa love life ni Alex. Marami ang nagulat noong umiyak ito during her birthday celebration sa Juicy. May bulung-bulungan na may kinalaman daw ito sa balitang breakup nila ni Kean Cipriano.

Klinaro niyang walang kinalaman ito sa vocalist ng Callalily, "Feeling ko kasi pag birthday mo, parang special ka, pa-attention ka 'tapos kagagaling ko lang sa workshops nun. Imagine mo, bukas na bukas ang emotions ko. 'Tapos parang inaasar pa ako nila Mr. Fu kasi last day na ng BFGF. Siyempre, mami-miss ko silang lahat kasi sobrang naging close kami ng mga kasama ko. Nag-message pa sa akin si Direk Joyce [Bernal], e. Mahal na mahal sa akin yung tao na yun. Siya yung nakikita ko na ang dami niyang pangarap for us, for me, 'saka ang laki ng tiwala niya sa akin."

Pinabulaanan din ni Alex na nagkaroon sila ng espesyal na relasyon ni Kean. Ang balita kasi, naging sila dati at ngayon ay iniiwasan daw siya ng lalaki dahil may iba nang pinopormahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang sabad ni Alex, "Walang ganun...I think si Kean, ganun siya sa lahat, so mahirap mag-assume. Kaming dalawa, nag-usap na kami na magkaibigan lang talaga kami. Ako, di pa ako puwedeng mag-boyfriend. Siya naman, katatapos lang niya sa naging relationship niya.

"Ako kasi ever since, ang dami kong naririnig na pinopormahan ni Kean, so di ko talaga alam kung may pinopormahan nga siya. Ako nga mismo, di ko alam kung pinopormahan niya ako o hindi."

Muli, binigyang-diin ng young actress na hindi pa siya pinapayagan ng mga magulang niya na magkaroon ng boyfriend sa ngayon. Okay lang naman sa kanya dahil aminado siyang hindi pa handa.

"Feeling ko kasi bata pa ako, 'saka kinausap ako ng magulang ko na hindi pa nga raw talaga ako ready for a relationship. Ako naman, personally, I feel ang dami ko pang mami-meet, marami pa akong makikilala, marami pa akong puwedeng magawa sa buhay ko, kaya di ko pa iniiisip yun. Dati kasi, pag pinipigilan ka, parang gustung-gusto mong gawin. Pero wala talagang ibinigay sa akin si Lord na tama lang naman kasi di pa naman talaga ako ready.

"Si Ate naman, pinayagan nilang mag-boyfriend nung puwede na, siguro naiisip ng parents ko na hindi ko pa talaga kaya at alam kong tama sila," pagtatapos ni Alex.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN