Krista Kleiner says it's too early for her and boyfriend Jay-R to get engaged

IMAGE 0


"We are so close. He is my best friend. He made my stay here in the Philippines easy. It's hard 'cause I'm away from my family and he made it easy for me. I really love him. He is an amazing guy, an amazing person,"says Krista Kleiner about boyfriend Jay-R.


Isang taon at pitong buwan nang magkasintahan si Bb. Pilipinas-International 2010 Krista Kleiner at R&B Prince Jay-R.

Masayang ikinuwento ni Krista sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press kahapon ng tanghali, January 26, ang tungkol sa pag-iibigan nilang dalawa ni Jay-R sa presscon ng My Beautiful Girls, ang Valentine concert ni Christian Bautista kunsaan isa sa mga guest si Krista.

Tulad ng dalawa pang beauty queens na guests ni Christian—sina Miss Universe 2010 4th runner-up Venus Raj at reigning Miss Resorts World Wendy Tabusalla—may dalawang performances si Krista, isang solo at isang duet kasama ni Christian.

Gaganapin ang My Beautiful Girls sa February 14, sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World.

VALENTINE PLANS. Sa presscon, nabanggit ni Krista na dadalo at manonood si Jay-R sa concert.

Ayon pa sa beauty queen, tinanggihan ni Jay-R ang isang show abroad dahil naipangako na ng R&B Prince na magkasama silang dalawa sa darating na Valentine's Day.

Bukod sa concert, ano pa ba ang plano nila para sa araw ng mga puso?

"Siguro dinner lang... pero kasi with us, parang everyday is like Valentine's Day. He is always sending me flowers, giving me roses, [we go out to] dinner so wala lang, it's just another special day," nakangiting sagot ni Krista.

ABSENCE MAKES THE HEART GROW FONDER. Ilang miyembro ng press ang kumausap kay Krista pagkatapos ng presscon.

Naikwento niya na malaki ang naitulong sa kanilang relasyon ang minsan-minsang pagkakalayo nila.

Aniya, "[As they say,] absence makes the heart grow fonder. In our case it really did."

"When I got back, we were together everyday. We don't want to be away from each other," sabi ni Krista.

Her advice on long-distance relationships?

"Put an effort... [Kami] talagang 24 hours Skype... sa banyo, kumakain, nagsho-shopping. Buti nga may iPhone 4 siya, he could bring it anywhere," natatawang kuwento niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa mga simpleng mga bagay na iyon nakikita ni Krista ang sincerity ni Jay-R sa kanilang relasyon.

"It really made me feel, 'Okay, he is serious.' Why would he put that much time and effort if he really didn't see a future in [our relationship]," sabi niya.

Ayon pa kay Krista, malaki ang naging tulong ni Jay-R sa kanyang pag-adjust dito sa Pilipinas.

"We are so close. He is my best friend. He made my stay here in the Philippines easy. It's hard 'cause I'm away from my family and he made it easy for me. I really love him. He is an amazing guy, an amazing person," aniya.

Nakangiti nitong dinagdag, "And I'm so happy that this Valentine's Day, I can say that my date is someone I really love."

Ngunit hindi ba siya natatakot na dumating yung panahon na magbago ang lahat sa kanilang relasyon?

"Actually we had a talk. Showbiz couples usually don't last. [We agreed that] 'Well, you know what, who are we kidding? Let's just give [this] a shot. If it doesn't work out, we stay as friends.'"

PROMISE RING. Dahil na rin sa mga naikuwento ni Krista biniro siya ng mga press nang mamataan ang isang singsing na kanyang suot-suot.

Sumagot naman ito agad-agad, "Wala pa, promise ring pa lang. 'Wag niyo sabihing engagement ring, ha, iba iyan."

Binigay ni Jay-R ang promise ring noong May last year.

Kinuwento ni Krista ang backstory tungkol sa nasabing promise ring:

"I was in Australia then I went to Malaysia. Jay-R bought a ticket for my mom and himself to go watch my show in Malaysia. He had written a song for me...

"[That night] he played the song, I listened to the lyrics and I was speechless talaga. Like I have never had a guy write a song for me before. He did the music... everything.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And then afterwards, he said, 'And I have one more thing.' And I'm like, 'Oh my God! what else can it be? He already wrote me a song!'

"He told me, 'I know it is still early but I just want to make a promise to you that even though you are far, I will be your man and I will stay faithful to you; and I will love you the best I can, near or far.'"

Na-touch ang mga press sa kuwento ni Krista at may isang nag-comment, "Nakakaiyak!"

Sinagot naman ito ni Krista, "Ako din." 'Tsaka binati si Jay-R sa harap ng mga cameras, "Happy Valentine's, Daddy! I love you!"

Si Jay-R daw mismo ang pumili at bumili ng singsing.

"He picked it [out] himself. I asked him, 'Are you sure my mom didn't help you? Kasi maganda e.'

"I don't know his taste in jewelry kasi, di ba, in his hip-hop days he had those bling-blings, yung mga ganyan. I was like, 'Oh my god, ano kaya pag pumili siya ng mga singsing?" natatawang sabi ni Krista.

NOT YET ENGAGED. Ngunit kahit na nagkakamabutihan na silang dalawa at maayos na maayos ang kanilang relasyon, wala pa daw sa plano niya ngayon ang ma-engage at eventually magpakasal.

"Sabi ko, 'I don't want to get engaged muna kasi baka hindi mo na ako ligawan every day. Baka maging tamad ka na!'" sabi ni Krista.

"I like being courted, ganyan. Wala lang, I'm only 21. I want to stretch out the kilig of the relationship. Kasi, I don't want to get married early. We are faithful to each other naman and we are not dating other people," dagdag niya.

Gusto muna ni Krista na magawa ang mga gusto para sa kanyang career bago ito magpakasal.

"[If] I feel that I have achieved enough in my career [that's when] I'm ready to settle down. Kasi when you get married, baka there are kids na agad and everything will change," paliwanag ng beauty queen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN