Daniel Matsunaga on kissing video: "Everything was just fake... There was no kissing scene."

IMAGE 0


Daniel Matsunaga explains that the YouTube video is a teaser for a product he is endorsing. "In the video, I just pretended that I dropped something, then I saw the legs of the girl. That was the situation, actually," he says.


Panay ang paghingi ng paumanhin ni Daniel Matsunaga kaninang tanghali, January 27, sa presscon ng Veet, isang hair-removing product.

Sa naturang presscon kasi ginawa ni Daniel ang announcement na ang kumalat na kissing video niya sa isang elevator ay gimik lang para sa bago niyang endorsement.

Ginanap ang presscon sa Annabel's Restaurant sa Quezon City. Present dito si Daniel, ang mga opisyal ng Veet, at ang ilang miyembro ng press.

"I apologize, if there are problems. Pero, this is, I hope, understand of everybody, that this is just endorsement for Veet. This is just a teaser. Everything was just fake, you know? There was no kissing scene. So in the end, it was just the purpose of letting everybody know about it," paglilinaw ng Brazilian-Japanese model-actor.

Layunin daw kasi talaga ng bago niyang endorsement na magbigay ng teaser para sa nalalapit nitong promo. Gayunpaman, humingi pa rin ng paumanhin si Daniel sa mga naloko ng isyu.

"That was not my purpose, of course, that was just the teaser of Veet. Part of the promo. And, well, it was just one-day shooting, really like simple, wala nang kissing scenes. And, well, just professional, just professional job," saad niya.

Noong Lunes, January 24, unang pinag-usapan ang video na lumabas sa YouTube at iba pang video-sharing sites. Hindi raw agad makapagbigay ng paglilinaw si Daniel na gimik lang ang video dahil sinisikreto muna ang bago niyang endorsement.

"Pero ngayon, puwede [nang pag-usapan]. So everybody knows already. Alam na lahat that this just a teaser, and I had no intention to hurt everybody," sabi niya.

Noong ginagawa raw ang campaign ay alam na ni Daniel na ikakalat nga ang video sa Internet. Ngunit nagulat pa rin siya sa reaksyon ng mga nakapanood nito.

Paliwanag niya, "Well, it was Monday, I woke up, and people already calling me, like what's going on, what did you do? I did not even know that it came out.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And I was like, 'What did I do?' Like, 'Oh, did you see the video? Check Facebook, Twitter.' Wow, it came out. Maraming text na galing sa kaibigan ko.

"Yeah, I got caught by surprise that there were a lot of bad comments in the videos, pero I just try to avoid it, of course, and then, everything was nice in the end."

HEART KNOWS IT. Pagpapatuloy ng Kapuso actor, alam na raw ng kasintahan niyang si Heart Evangelista at ang mga magulang niya na may kakalat ngang video, kaya naman hindi sila nabahala.

"Actually before I had this, I asked for her permission, of course. And then she say, 'No, it's fine.' She knew it, her parents knew it also. 'Cause, you know, I want them to also confirm so it won't be too much pressure on me. So everybody knew it already, and it was just a professional job, actually," saad niya.

Para kay Daniel, importante raw sa relasyon ang pagiging open sa isa't isa.

"And since the beginning, of course, she always support me. In everything I do, every job I have, we always talk. Very important," dagdag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN