Jay-R admits being a "stage boyfriend" to girlfriend Krista Kleiner

IMAGE 0


"I think I am a stage boyfriend. I mean, I just wanna give my two cents' [worth]. I've been in the business for quite a while now. Gusto ko lang 'yong tama lang din para sa kanya. Just based sa mga experience lang," says Jay-R about the support he gives to his girlfriend, beauty queen Krista Kleiner.


Sa presscon para sa repeat ng Soulmates concert ng RnB artists na sina Jay-R at Kyla, tinanong ng media kung magkakaroon ng special participation ang kani-kanilang mga karelasyon—si Bb. Pilipinas-Miss International na si Krista Kleiner para kay Jay-R at ang basketbolistang si Rich Alvarez para kay Kyla.

Posible raw na kumanta si Krista, ayon kay Jay-R, kung kakanta si Rich. Ngunit natawa namang sinabi ni Kyla, "Feeling ko hindi siya kakanta."

Sa media junket na inihanda para sa concert ng dalawa na ginanap kaninang tanghali, Enero 28, sa The Establishment, The Fort, Taguig, proud na sinabi ni Jay-R na unti-unti nang humuhusay ang kanyang girlfriend sa pagkanta.

Matatandaang sa talent portion ng Miss International pageant noong nakaraang taon, kinanta ni Krista ang kantang isinulat ni Jay-R, ang "Beauty Queen." Bago pa ito, nagpe-perform na rin noon si Krista sa dating lingguhang variety show ng GMA-7 na SOP.

"Every day siyang nagpa-practice. She's getting a lot better from singing. She's always doing dance rehearsals," sabi ni Jay-R.

Kaya naman sa pagtatapos ng reign ni Krista bilang Bb. Pilipinas-International, nais ni Jay-R na tulungan ang kasintahan na gumawa ng sariling music album.

"I really wanna make an album for her and start her music career," sabi ng singer. "We'll see what goes after that. You know, music opens a lot of doors for artists.

"Kaya nga Kyla and I stick to doing music talaga, e. That's the one thing that we love and to top it all, it opens up mga teleserye, mga shows.

"We'll see with Krista. Sana everyone likes her music."

Kumpiyansa si Jay-R na may ipapakita ang kanyang kasintahan sa larangan ng musika.

Sabi pa niya, "You know, tuloy pa rin ang performance level niya. So, pagdating ng mga kanta na gagawin namin, mga music videos, maganda talaga ang lalabas."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STAGE BOYFRIEND. Samantala, hindi naman itinanggi ni Jay-R na madalas niyang nabibigyan ng payo ang kanyang girlfriend tungkol sa mundo ng showbiz.

"I think I am a stage boyfriend," pag-amin ni Jay-R. "I mean, I just wanna give my two cents' [worth]. I've been in the business for quite a while now. Gusto ko lang 'yong tama lang din para sa kanya. Just based sa mga experience lang."

Gayunman, agad naman niyang nilinaw na hindi siya ang dahilan kung bakit unti-unting nakapasok si Krista sa local showbiz.

Ayon sa 29-year-old singer, "May career naman talaga siya sa showbiz, e. Regular naman na siya sa SOP before. I'm just here for extra support lang. I wouldn't say that I am the reason why she has a career, di ba?"

Dagdag pa ni Jay-R, ang mga sinasabi niya sa kanyang 21-year-old girlfriend ay pawang mga payo lamang.

"Siyempre, she's a very smart woman also and she knows what's good for herself. You know, I just give opinion all the time," sabi ni Jay-R.

Kung tatanungin si Jay-R, sa tingin niya ay mag-e-excel si Krista sa musika.

"Sa akin, sa tingin ko mas performance siya imbes na acting. Pero marunong din siya mag-acting. Pero I think 'yong performance level niya mas mataas."

"I WOULD LIKE TO THINK SIYA NA." Sa nakaraang panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Krista, ipinakita niya ang isang promise ring na bigay sa kanya ni Jay-R noong May last year. (CLICK HERE to read related article)

Ibig sabihin ba nito ay seryoso na siya sa pangmatagalan na relasyon kay Krista?

"I would like to think na siya na," sagot ni Jay-R.

Ngunit nilinaw ng RnB Prince na hindi pa ito senyales ng pagiging engaged nilang dalawa.

Paliwanag ng singer-composer, "You know, just like any other relationship, you have to look at it and and you have to build a relationship bago anything, making drastic decisions.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We just wanna have fun na muna and live life free and happy bago anything."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN