Guji Lorenzana on Kaye Abad: "She is the marrying type."

IMAGE 0


"She's more of family person, hindi siya maarte, hindi siya gumigimik. I like that about her. She is a nice person," Guji Lorenzana fondly describes Kaye Abad.


Kaila sa kaalaman ng karamihan, isa si Guji Lorenzana sa mga sumubok sa sikat at prestihiyosong American Idol sa ikatlong season nito.

Ngunit hindi ito pinalad noong panahong iyon. Kuwento niya, "I auditioned for American Idol... Sabi sa akin ni Simon [Cowell] I have the potential to make it. I have the voice. I just didn't have yung sinasabi niyang 'it' factor."

Si Simon Cowell ang isa sa mga judge sa past seasons ng American Idol.

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Guji sa presscon ng VOIZes in the RAIN Concert na ginanap noong January 27 sa Bellore Restaurant sa Quezon City.

Kasama niya sa nasabing concert ang iba pang miyembro ng VOIZboys na sina Nico Antonio, Jay-R Siaboc, at Tom Rodriguez. Kasama rin dito ang isa sa mga sikat na boy group noong '70s na Rainmakers. Ang mga miyembro nito ay sina Joel Macanaya, Mon Villanueva, Joseph Lansang, at si Jojo Gorospe.

Ito ay gaganapin sa February 18, 8:30 p.m. sa Music Museum.

MUSIC BROUGHT HIM HOME. Sa panayam ng PEP kay Guji, sinabi nito na musika ang dahilan kung bakit siya bumalik sa Pilipinas five years ago. Ito ay matapos niyang makausap si Simon Cowell that convinced him to try the local music scene.

Pinanganak at lumaki sa States sa Guji. Bumalik na lang siya dito sa Pilipinas noong siya ay 23 years old.

"I decided to try music here so... I made an album in the States, I brought it here to the Philippines and then nag-start na yung career ko. The thing was, mahirap mag-music dito, e. Sabi, 'Mag- showbiz ka or something.' So that's when I decided to join Star Magic. I did theater and then I did Star Magic," kwento niya.

Ano ba ang nakita niyang kaibahan ng music scene dito at sa abroad?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"[Penetrating] the music industry in the States is difficult. I mean, it is only now that Filipinos are making it in pop music, like Charice made it. Maraming Filipinos na ano, even Bruno Mars, Filipino din siya, eh. They are making it in the industry but it is very competitive.

"Dito sa Pilipinas naman, piracy is such a big issue. More labels are banking on artists who are on TV already, e. That's why nag-showbiz ako. Para makilala ako," paliwanag ni Guji.

LOVES ACTING. Naging maayos naman ang naging resulta ng desisyon ni Guji na pasukin ang show business.

"I feel lucky... kasi when I joined showbiz... nag-soap ako [Precious Heart Romances] with Kaye Abad, tapos pinasok ako dun sa ASAP. I've been actually very, very lucky," nakangiting kwento niya.

Ayon kay Guji, isa din sa masasabing passion niya ay ang pag-arte.

"When I was a kid, I was already doing theater. I lived in New York for a while doing musical theater. Then I [auditioned for] American Idol," pagbabalik-tanaw niya.

Nakasama rin siya sa West Side Story with Christian Bautista at Karylle noong 2008. Kasama naman niya si Robert Seña sa Tales of the Manuvu na ipinalabas sa Cutural Center of the Philippines (CCP) noong 2009. Gumanap din siya bilang "Warner" sa Legally Blonde: The Musical kasama sina Nikki Gil at Nyoy Bolante last year, 2010.

"I was supposed to be part of Rent but I became busy," kwento niya.

Tumigil si Guji sandali na tila nag-isip at sinabing, "I love doing TV... like now I'm in Imortal. Then sana kami ulit ni Kaye for Precious Hearts. I'm waiting for that this year. I enjoy acting I guess, because galing din ako sa theater. "

SINGING GROUP. Bukod sa pag-arte sa teatro at sa harap ng camera, meron pang isang bagay na enjoy gawin si Guji. Ito ay ang pagiging parte ng isang singing group, ang VOIZboys.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinuwento niya kung paano nagsimula ang VOIZboys:

"It was actually the vision of Mr. M (Johnny Manahan, Star Magic's big boss). Mr M saw na may potential kami as a group. I know, boy bands medyo died out in the past few years. But I don't consider us a boy band. We are a music group.

"With our age and knowledge—we all have a background in music—I think it is more of a showcase of our talents. Kaya ayun, Mr. M decided to put us together."

Pinaliwanag ni Guji kung bakit ayaw niyang matawag silang boy band: "There is a negative tag sa boy band kasi they don't have talents... puro packaging lang. We have talent and it's only an extension of what we do... we have our own projects ... I still have theater, I still have my band."

Masayang-masaya si Guji dahil bukod sa pagiging parte ng VOIZboys ay marami pa siyang projects.

COMPOSING SONGS. Isa din sa mga talents ni Guji ay ang pag-compose ng mga kanta.

"Yung mga compositions ko ginamit sa indie films ni Sid Lucero and Christian Moreno as the theme song. It is in Tagalog which was very difficult for me to do. One of the songs I composed was used in Precious Hearts. Right now, I am writing for upcoming artists," sabi niya.

May dalawang albums si Guji na karamihan sa mga kanta ay kanyang isinulat.

Ito ang self-titled album niya na Guji Lorenzana under Ivory Records, at Without Your Love under LuKas Music.

ON KAYE ABAD. Pagdating naman sa love life, diretsahang sinagot ni Guji ang PEP nang hingan siya ng update sa panliligaw nito kay Kaye Abad.

"My love life is okay. I'm still pursuing Kaye Abad. [It's] different kasi in the Philippines, e. The courtship is long. I don't know how she calls it but we are really good friends right now. She knows I like her. I am still pursuing her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We go out on dates. I spent Christmas with her. I don't have my family here... So, ayun, she's more like an extension of my family," sabi ni Guji.

Ayon pa sa binata, he started courting Kaye noong magkatambal pa sila sa afternoon series na Precious Heart Romances: Bud Brothers.

Ngunit ano ba ang nagustuhan niya kay Kaye?

"Kasi... ano... cliché... kung sasabihin kong simple lang siya. But that's what it is. She's a very simple girl. Sinasabi nga ng mga friends ko sa showbiz na, 'If there's a girl in showbiz who has qualities for [a] long-term [relationship], there are only a few and Kaye Abad is one of them.'

"She's more of family person, hindi siya maarte, hindi siya gumigimik. I like that about her. She is a nice person," ang naging paglalarawan ni Guji kay Kaye.

Kung saka-sakali ba na maging sila, maituturing ba niya si Kaye na "the one?"

"I think for anyone... if you have a boyfriend or girlfriend, he/she should be the one [you would like to marry]. Definitely if it goes there, she's the marrying type."

Ngunit dinagdag niya, "But [not everything is set in stone]... Kasi kung hindi magwo-work out, I'll have to move on."

Natapos ang panayam ng PEP sa isang linyang binitawan ni Guji na tila sumasang-ayon sa una niyang sinabi: "If ever I'll date and it's not Kaye, it would be someone non-showbiz."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN