Anne Curtis denies replacing Marian Rivera in latest endorsement; feels disgusted by rumor linking sister Jasmine to Luis Manzano

IMAGE 0


"Kami ni Marian, we're okay. There has never been an issue. I don't think anyone should make an issue out of it," says Anne Curtis about being the new face of a brand that Marian Rivera also endorses.


Muling magkasama sa pelikulang Who's That Girl? ang mag-best friend na sina Anne Curtis at Luis Manzano.

Produced by Viva Films with SM Development Corporation (SMDC), isang romantic comedy ang movie sa direksyon ni Wenn Deramas.

Sa inauguration ng SMDC Grand Showroom, at launching na rin kay Anne bilang bagong mukha ng SMDC, na ginanap sa SMDC Complex, Pasay City, kagabi, January 27, panay ang biro ni Anne sa reunion nila ni Luis sa pelikula.

Ang Cute ng Ina Mo!, na ipinalabas noon pang 2007, ang huling pelikulang nagkasama sina Anne at Luis.

"Actually, hindi gaano kasaya... Hindi, joke lang!" biro ni Anne sa harap ng nag-i-interview sa kanyang press people mula sa iba't ibang media group.

"Of course, kulitan. If you guys saw the trailer."

Mukha ngang kakaibang Anne ang mapapanood sa Who's That Girl?. Iba't ibang nakakatawang eksena kasi ang ipinakita ni Anne sa pelikula, bilang babaeng obsessed sa character ni Luis.

Nagtawanan nga ang mga bisita at press na nasa inauguration at launching nang ipakita ang trailer ng pelikula at mapanood ang eksenang dinilaan ng character ni Anne ang ninakaw na baso ni Luis na ininuman nito.

"Direk Wenn Deramas really brings out the other side of me!" natatawa pang sabi ng aktres.

WHY NOT LUIS? Mahigit sampung taon na ring magkaibigan sina Anne at Luis, at madalas na natatanong nga sa kanila kung bakit hindi sila naging magkasintahan.

Tinanong tuloy si Anne kung bakit sa palagay niya ay single pa rin si Luis. At siya nga raw ba ang talagang hinihintay ng binata nina Governor Vilma Santos-Recto at Edu Manzano?

"No naman. I think Manzano [pet name niya kay Luis] kasi is at the point in his life where sooner or later he's gonna be ready to settle down. So, I think now, he's just kinda enjoying himself," sagot ni Anne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin daw apektado ang mga past at present relationship niya sa pagiging mag-best friend nila ni Luis.

"No. Manzano will always be my best friend. And everyone is aware of that, and anyone that comes into my life or I have a relationship with, they know of my friendship with Manzano and they respect that."

MANZANO RUMORS. Hindi naman nagustuhan ni Anne ang tsismis na may nakakita raw na naghahalikan ang younger sister niyang si Jasmine at si Luis.

"First of all, that's disgusting! Incest! Basically, that's incest!

"Because Jasmine is 16 and Manzano is matanda na! So, you know... [that's] far from happening.

"And especially, since kuya niya... 'Kuya Manzano' tawag niya. So... 'kaloka ang mga tao!" nasabi na lang ni Anne.

Totoo rin bang ibinili siya ni Luis ng isang very expensive watch?

"Hindi. Wala nga siyang gift sa akin, e!" sagot agad ni Anne na ikinatawa ng mga nag-i-interview sa kanya.

May nagtanong tuloy kung kuripot ba si Luis.

May pag-aatubili pa muna bago sumagot si Anne, "Yes."

Tawanan muli ang mga nag-i-interview, sabay bawi ni Anne.

"No. Kami ni Manzano, we always have a deal kung ano ang ibibigay namin sa isa't isa. And this year, hindi pa kami nagbibigayan, kasi hindi pa kami...wala pa kaming agreement kung ano ang ibibigay namin sa isa't isa."

GETTING GEORGINA INTO SHOWBIZ. Isa pang kaibigan niya ang kasalukuyang kinatutuwaan ngayon sa showbiz at nag-e-enjoy rin sa pagpasok nito sa mundo ni Anneā€”ang modelong si Georgina Wilson.

Si Anne nga ba ang nakaimpluwensiya kay Georgina na pumasok sa showbiz?

"Well, maybe it's in her blood as well. You never know, but when she was asked to do Showtime, she was very nervous about the 'sample-sample.'"

Nairaos naman ni Georgina [CLICK HERE to watch video clip] ang unang "Sample" nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Very cute! So sinabi ko naman, 'You know, you have people there to help you out. Advisers, writers, and... they'll help you out,'" patuloy pa ni Anne.

Bukod sa pagiging magkaibigan, ang isa pang pagkakapareho nina Anne at Georgina ay pareho silang naging girlfriends ng young actor na si Richard Gutierrez.

ERWAN DOING SHOWTIME SOON? May pag-asa rin bang mag-Showtime na rin ang boyfriend niyang si Erwan Heussaff? (CLICK HERE and HERE to watch videos of Erwan.)

"I don't know... I don't think so..." may alinlangan namang sagot ni Anne.

Hangga't maaari nga ay ayaw ni Anne na maging showbiz ang kasalukuyang karelasyon niya na si Erwan, ang nakatatandang kapatid ng Survivor Philippines Celebrity Showdown runner-up na si Solenn Heussaff.

Kahit simpleng pagkumusta lang sa relasyon nila ngayon ay maikli lang ang sagot ni Anne at hindi na nag-e-elaborate pa.

"Masaya kami. Very happy. And I think that's obvious naman," ani Anne.

Ayaw raw niyang mag-showbiz si Erwan at mukhang wala ring balak si Erwan na mag-showbiz.

"No. I don't think so," sabi pa ni Anne. "Of course, sometimes you can't avoid questions [from the press]. But at the end of the day, it's still private."

Na kay Erwan na nga ba ang hinihanap niya sa isang lalaki?

"Me kasi, I don't like anymore to have expectations of someone. So I take it day by day, and I just want to be happy, and so far we are both happy."

Dahil masaya nga sila sa isa't isa at tila pangmatagalan na sila ni Erwan, paano kung bigla siyang alukin ni Erwan ng kasal?

"At this point in my career... I'm not thinking about it right now because every day I'm working. But of course, if it's the right time, then why not, di ba? But I don't think anytime soon yet," sagot ni Anne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

REPLACING MARIAN? Sa pagiging bagong mukha ng SMDC naman ni Anne, may nang-intriga agad na pinalitan na raw niya si Marian Rivera bilang endorser ng SMDC.

"Hindi ko siya pinalitan, in all fairness. I was just added to the SMDC family.

"Kami ni Marian, we're okay. There has never been an issue. I don't think anyone should make an issue out of it."

Hindi rin naman maiiwasang gawan ng issue ng ilang naroon na press ang pagiging bagong endorser ni Anne. Masyado kasing engrande ang pagpapakilala sa kanya ng SMDC.

Dumating si Anne sa event na nakasakay sa isang mamahaling luxury car. Pinagkaguluhan ng Hollywood-style paparazzi habang bumababa sa sasakyan at naglalakad sa red carpet. Pagkatapos ay hinarana papuntang stage ng ilang kalalakihang singers. At nang sinundo ni Christian Bautista patungo sa stage ay kinantahan pa rin siya with matching full-orchestra pa.

Pero aminado si Anne may pressure sa kanya bilang bagong endorser ng SM Residences.

"Of course, there is pressure. People try and make an issue out of it. But there really is no issue. I have big shoes to fill, obviously, because she still is one of the number one endorsers of the Philippines. And she's the one who set the standards for the SM Residences. I hope I am able to meet the expectations of others as well.

"I think all of us that are in the industry, anything that comes our way, we all just consider it a blessing to us. Because, you know, things aren't just handed to us. We all worked for it, each and every one of us, all of us in the industry.

"So, I really think it's just the people who aren't in the industry that probably make an issue out of it, where, in fact, there isn't."

CLICK HERE to watch Anne's interview.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN