Martin Escudero says staying single after breakup with Jennica Garcia is a "choice"

IMAGE 0


"Nakikipag-date ako, pero walang exclusive... Pero siyempre, hinahanap mo pa rin ang care ng babae. Pero hindi umabot sa relasyon. Hanggang dating lang," says Martin Escudero.


Ang dating Mart Escudero ay makikilala na ngayon bilang Martin Escudero.

"Sa tingin ko, yung Martin, pina-feng shui na noon ng manager ko [Popoy Caritativo]. Dahil lang naman sa StarStruck kaya naging Mart.

"Umalis ako sa GMA, kalimutan muna natin yung StarStruck. Ibalik muna natin sa Martin, yun ang original talaga," sabi ni Martin sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Si Martin ay produkto ng reality-based artista search ng GMA-7 na StarStruck 4, kung saan sila ni Kris Bernal ang itinanghal na Ultimate Loveteam.

Kasabay ng pagpapalit ng pangalan ni Martin ay ang paglipat niya sa TV5. Ang una niyang proyekto rito ay ang kauna-unahang primetime series ng Kapatid network, Babaeng Hampaslupa.

Sa presscon ng nasabing teleserye nakausap ng PEP si Martin.

"Siyempre, bagong network, bagong taon, bakit hindi natin subukang bagong pangalan din naman? Ibinalik lang naman, parang i-refresh natin," aniya pa.

THE MOVE. Ano ang dahilan ng pag-alis niya sa GMA-7 at paglipat sa TV5?

"Ang totoo kasi niyan, sa Artist Center lang kami nagpa-retract. Hindi talaga kami dapat aalis sa GMA.

"Nagkataon na nagkaroon ng magandang offer ang 5, so nakita namin na kunin na rin namin ang pagkakataon.

"Sayang din. Magandang project," paliwanag ng young actor.

Walang bang offer sa kanya ang Kapuso network?

"Noong panahong 2010, medyo nag-lie low ako sa GMA. So, wala silang project na naibibigay sa akin.

"Gumawa rin naman ako ng indie noong time na yun. Pero after ng Gumapang Ka Sa Lusak, hindi na ako nabigyan.

"So, gumawa kami sa labas para tuloy pa rin. Siguro sa Artist Center din," banggit ni Mart sa talent arm ng Kapuso network.

LOVE TEAM WITH JENNICA. Nakilala si Martin sa love team nila ng ex-girlfriend niyang si Jennica Garcia sa bakuran ng GMA-7. Pero nang mag-break sila ay nabuwag din ang tambalan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa palagay ba ni Martin ay nakaapekto ito sa nangyari sa kanyang career?

"Hindi ko masabi kasi dalawang taon na rin ang lumipas. Sa tingin ko naman, walang koneksiyon ang relasyon sa kung ano ang meron sa akin sa Artist Center," sagot niya.

WORKING WITH HIS EX-GF'S BOYFRIEND. Sa Babaeng Hampaslupa, "kaagaw" ni Martin sa pag-ibig para kay Alex Gonzaga si Alwyn Uytingco—ang boyfriend ngayon ng ex-girlfriend ni Martin na si Jennica.

Ano ang pakiramdam ni Martin na kasama niya ngayon sa isang project ang present boyfriend ng former girlfriend niya?

"Ang sa akin naman, matagal na kaming magkaibigan... Naiintindihan ko si Jennica. Naiintindihan ko si Awlyn.

"Ako, masaya ako para sa kanila. At least, maayos sila. Kuntento naman ako sa kung ano ang meron ako.

"Sa akin, wala...walang magiging problema. Masaya pa nga ako na siya [Alwyn] ang magiging katrabaho ko.

"At least yung mga panahon na matagal na rin kaming hindi nagkakasama, nagkakausap ni Alwyn, ito na yung chance.

"Magkaibigan naman kami ni Alwyn. Thirteen pa lang ako, magkaibigan na kami sa ABS. So, ang tagal ng panahon na hindi kami nagkasama. At least ngayon, makakabawi."

Napag-uusapan ba nila ni Alwyn si Jennica?

"Tungkol kay Jennica, hindi," sabi ni Martin.

"Understood na kasi yun. Kaming mga lalaki, alam na namin yun. Hindi na kailangang pag-usapan ang mga bagay na ganoon.

"Kung maayos naman, tapos na yun, dalawang taon na ang lumipas."

Paano kung dumalaw sa taping nila si Jennica?

"Masaya...magkikita kami," nakangiti niyang sabi.

Dagdag niya, "Maayos naman ang paghihiwalay namin. Nagkasama na rin kami sa trabaho bago ako umalis, so walang problema."

SINGLE... FOR NOW. Kung si Jennica ay may bago nang pag-ibig, si Martin daw ay walang girlfriend ngayon.

"Wala akong love life, pero masaya pa rin ako," sabi niya.

"Yung trabaho, nabibigyan ko ng maraming time. Yung sarili ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa tingin ko, ngayon, mas walang bawal. Single ako."

Ayon kay Martin, simula raw nang mag-break sila ni Jennica, hindi pa siya nagkaroon ng bagong girlfriend.

"Nakikipag-date ako, pero walang exclusive... Pero siyempre, hinahanap mo pa rin ang care ng babae. Pero hindi umabot sa relasyon. Hanggang dating lang."

Hindi pa ba siya nakakapag-move on sa breakup nila ni Jennica?

"A, hindi, by choice lang. Nasa sa akin na lang talaga yun," paglilinaw niya.

"Mapili talaga ako pagdating sa babae. Hindi lang hitsura ang tinitingnan ko... Ugali, pakikisama sa tao. Hindi naman basta maganda.

"Matagal ang proseso ng panliligaw ko. Hindi naman ako nagmamadali nang nagmamadali. Gusto ko na kinikilala ko pa rin ang tao. "


ALEX GONZAGA. Natutuwa naman si Martin sa bago niyang leading lady na si Alex Gonzaga.

"Sobrang energetic. Sa tingin ko, hindi ko na kailangan ng pampagising sa set. Talagang matatawa ka sa kanya.

"Hindi siya nawawalan ng mga jokes at saka professional. Marami akong naririnig na magagandang bagay sa kanya."

Posible ba siyang ma-attract kay Alex?

"Oo naman," mabilis niyang sagot.

"Lahat naman siguro magugustuhan si Alex. Kita mo naman kung anong klaseng tao siya. Walang pangit na nakikita sa kanya. Sobrang kalog, down-to-earth.

"Sa tingin ko, hindi lang ako, marami pang iba na magkakagusto kay Alex."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN