Katrina Paula says she and Raymond Dominguez are just friends: "Wala na nga kami noon pa, nagkataon lang na nagka-anak kami."

IMAGE 0


Katrina Paula explains her relationship with Raymond Dominguez, suspected leader of a carnapping syndicate: "Special friend. Basta friends kami, iyon. 'Tsaka masama bang magmahal ng kaibigan? Hindi kami magkasama sa bahay, hindi kami magkasama sa condo, iba ang unit ko, iba ang unit niya," she says.


Lumutang nitong Martes ang dating sexy star na si Katrina Paula upang linawin ang pagkakadawit niya sa mga kasong kinakaharap ni Raymond Dominguez.

Minsan nang ikinabit ang pangalan ni Katrina sa leader umano ng sindikatong sangkot sa carnapping.

Bagay na mariin na niyang itinanggi noong isang taon.

Kamakailan, kusang sumuko si Dominguez sa mga awtoridad makaraang madiing muli sa serye ng carnapping at pagpatay umano sa dalawang car dealers.

Kasama ang kanilang anak ni Dominguez, dinalaw ito ni Katrina sa Camp Crame.

"Iyon nga, hindi na ako makagalaw nang tama, parang iyon, hindi na natural yung pagkatao ko. Parang feeling ko parang ano pag may tumingin sa akin, 'Ah ito si ano! Ah, iyan yung ganyan.' Di ba?

"Sa iyo kaya sabihin, 'Ah, ikaw si ganyan, di ba?' Parang ang hirap e," pahayag ni Katrina sa taped interview ng StarTalk TX na ipinalabas noong Sabado, January 29.

Inamin ng kampo ni Katrina na sabit ito sa kasong anti-fencing kaugnay ng isinagawang raid sa condo ni Dominguez noong November 2010.

Pero ang paliwanag ng abugado ni Katrina na si Atty. Raymund Palad: "Ang allegation ng pulis doon, nag-live in sila, dahil doon, parang criminal liability based on relationship. Well, wala naman tayong criminal liability through relationship, e.

"Assuming na yung special friend mo may kaso, hindi nangangahulugan na yung babae, may kaso. They have to prove conspiracy at medyo mabigat 'yan.

"Kaya ang sinampa nila, kita mo, anti-fencing lang."

Pero ano nga ba ang turingan nina Katrina at Dominguez?

"Special friend. Basta friends kami, iyon. 'Tsaka masama bang magmahal ng kaibigan? Hindi kami magkasama sa bahay, hindi kami magkasama sa condo, iba ang unit ko, iba ang unit niya," sagot ni Katrina.

"Wala na nga kami noon pa, nagkataon lang na nagkaanak kami. Dinadalaw ko lang siya dahil siya yung tatay ng anak ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Last year, sa isang event na dinaluhan ni Katrina, may tanong ang Startalk TX, na kung totoong may karelasyon siyang sangkot umano sa carnapping, itinanggi iyon ng aktres.

In that interview kay Katrina noong November 13, 2010, sinabi niya: "Hindi ko siya ka-live in. Kilala ko yung tao, pero hanggang dun lang, hanggang dun lang ang pagkakakilala ko sa kanya.

"Hindi ko alam kung anong klaseng tao siya," aniya.

Kaya nang tanungin kamakailan ng StartTalk TX kung bakit niya ito idinenay dati ito: "Sabi niya, e," sabay turo ni Katrina sa kanyang abugado.

At ang paliwanag ni Atty. Palad: "Well, we had to do that kasi at that time you have to analyze yung thinking nung PNP, nung raiding team on what evidence yung hawak nila, [if it] will involve her sa carnapping. Nung nakita ko na yung mga documents na ini-attach, wala naman palang kuwenta sa carnapping."

Naninindigan naman si Katrina na walang katotohanan ang mga paratang kay Dominguez. Pero may alam ba ang dating sexy actress sa trabaho nito?

"Wala, wala. Wala siyang sinabi sa aking trabaho. Meron naman silang pangkabuhayan doon sa ano, sa Bulacan."

Samantala maging ang pagkakapaslang kay Baywalk beauty na si Rejoice Rivera ay ikinukunekta rin kay Dominguez, na positibong itinuro ng ina bilang nobyo ng anak niyang si Rejoice.

Ang depensa rito ni Katrina: "Hindi naman niya naging girflriend talaga yun, hindi. Ako alam ko hindi niya naging girlfriend yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN