Iza Calzado to pose for men's magazine; will join Eat Bulaga! as new host

IMAGE 0


Balitang magpapaseki si Iza Calzado para sa Uno, isang men's magazine that is partly owned by her boyfriend, Atticus King. She says, "I kept telling him, 'You know if I'm gonna pose for a men's magazine, it has to be Uno.'"


Umiinit ang seryeng Beauty Queen ni Iza Calzado lalo na sa paglabas ng super-sexy na pictorial niya.

Ano kaya ang reaksyon dito ng boyfriend niyang si Atticus King?

"Nakita na niya yung billboard ko sa EDSA, nakita na niya yung two-piece [pictorial], Tapos [sabi niya], 'Wow, good work, babe, good job!'

"Kasi he sees how hard I work out," pahayag ni Iza sa taped interview sa kanya ng StarTalk TX na ipinalabas kahapon, Sabado, January 29.

Balitang magpapaseki na rin si Iza sa isang men's magazine na never pa niyang ginawa.

"He [Atticus] owns part of Uno [magazine], and I kept telling him that 'You know if I'm gonna pose for a men's magazine, it has to be Uno.'

"He even said, 'If you don't want to do Uno first, I'll understand,'" kuwento pa ni Iza.

At ang latest development sa showbiz career ni Iza ay ang pagiging bago niyang Dabarkads o isa sa mga hosts ng top-rating noontime show na Eat Bulaga!

"Hindi ko pa alam kung Feb or March. Ayan, basta yun nga, isang masayang balita, ako'y makakasama na ninyo tuwing 12 noon, pananghalian, ako'y magiging Dabarkads.

"And ipa-finalize lang namin kasi I might need to go on vacation first.

"Dati ko pang gustong maging Dabarkads. Tuloy na, masaya ako, kasi maiba naman!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN