Regine Velasquez (Part I): In her new TV series, she portrays a woman pretending to be a gay man

IMAGE 0


"I thought it's going to be easy, since feeling ko naman bakla ako but apparently, still I'm not," Regine Velasquez says about playing the roles of Tonya and Tonette in I Love You Pare.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portl) ang Asia's Songbird na si Miss Regine Velasquez sa taping ng bago niyang show para sa GMA 7, ang I Heart You Pare, sa Boiler Room Bar sa Marikina nitong Huwebes, January 27.

Ang una naming itinanong kay Regine ay kung mahirap ba na for the first time ay gaganap siya bilang isang babaeng nagkukunwaring bakla.

"I thought it's going to be easy, since feeling ko naman bakla ako but apparently, still I'm not," ang natatawa nitong sinabi.

Sino ang peg niya for the role?

"Tinuturuan kasi ako ni Direk, e, so parang siya," sabi ni Regine na ang tinutukoy ay ang director nilang si Direk Andoy Ranay.

Ano ang challenge sa role niya?

"It's very challenging for me coz first of all, I have to create the main character, Tonia, the girl, before I can do Tonette, [who pretends to be gay].

SWITCHING ROLES. "Kasi once in a while, siyempre nawawala siya sa sarili niya, bumabalik yung Tonia. So more or less, nung alam ko na yung Tonya, it was a little bit easier for me to switch.

"But at the beginning it's hard, hindi pa ako masyadong clear dun sa character nung Tonia but siyempre nung nag-meeting-meeting, nagte-taping, pinagdidiskusyunan yung character, so ayun, I got used to it. It's easier now to just switch to the girl character."

Sa Diva dati, pinapangit siya, dito ginawa siyang bakla. Hindi ba siya nag-request sa GMA na bigyan siya ng serious at matinong role?

"Hindi! Yung next ko halimaw na ako! Papunta na dun, e. Gusto nila yung hindi ako matino masyado," pagbibiro ng Songbird.

"Pag mas... character-driven yung role, it's better for me because minsan mas mahirap gumanap nung malapit sa character mo, e. Kasi parang nadadala mo sa bahay.

"Like with Diva, pag wala na yung make-up, I'm back to myself," aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So it's the same thing here, although once in a while bakla pa rin ako, pero naaano ko naman siya."

WORKING WITH DINGDONG. Matagal na yung huling project nila ni Dingdong Dantes sa pelikulang Pangarap Ko Ang Ibigin Ka. Dito sa I Heart You Pare, may naging adjustment ba sila?

"Wala! And you know you'll be surprised, I dunno if you've seen the trailer pero ang ganda ng chemistry namin, nakakakilig siya actually. So hopefully, people will see the chemistry and will enjoy the show. It's very funny!"

Describe Dingdong bilang leading man niya ngayon...

"He's ano, sobrang serious siya sa role niya. I mean talagang kinakarir niya."

Nahihiya raw si Dingdong na batukan si Regine sa mga eksena nila?

"Oo! Sabi ko dapat batuk-batukan mo ako kasi siyempre dapat mina-man-handle niya ako dahil ang thinking niya lalaki naman ako pero nahihiya siya," ang natatawang sabi ni Regine.

"Kawawa naman. I have to keep telling him na 'It's okay, it's fine kahit itulak-tulak mo ako, okay lang.'

"Kasi natatawa din siya tapos hindi niya ako mabatukan."

LIVING WITH OGIE. Kinamusta naman namin si Regine bilang Mrs. Ogie Alcasid.

"Masaya lang, masaya! Parang mas in-love pa ako kaysa dati, basta parang ganun."

Dahil assured at secured na siya as Mrs. Alcasid?

"I've never had that feeling na walang assurance. I've always been... ever since we lived together I've always been very secure of our relationship. I've never... hindi ako nagkaroon ng doubts.

"I just wasn't thinking about getting married because I thought it wasn't gonna happen. After we got married, parang tinuloy lang namin, tapos parang now we can already... yung wala na talagang... hindi na kami kailangang magtago, hindi na, wala na, kasi misis na ako, e."

Nakaplano pa rin ang honeymoon nila at malamang ay sa Paris sila pupunta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Somewhere! As soon as I finish this soap, then we'll do our best to [go on a honeymoon]."

Tiring ba ang role niya sa I Heart You Pare?

"It is, but not so much... well yes, emotionally... Pero mataas lagi ang energy [ko]... the way I walk, the way I talk, so medyo ang dami kong energy na bini-burn, but that's okay, it's always fun naman, e."

Totoo bang last soap na niya ito?

"I think so. For now, I just need to rest a little bit para naman I can spend time with my husband."

PREGNANCY PLANS. Kasama ba ang pagbubuntis niya sa plano niyang pagpapahinga?

"Sa pahinga sana, but you know, I kept saying na I don't wanna put pressure on both of us anymore. If God will bless us with a baby, then we'll be so happy.

"'Pag hindi naman, e ganun talaga, e. You know, coz we have to consider our age, tapos yung timing, [there's a] lot of things to consider so kung hindi man, we're both okay."

May plano ba siyang mag-lie low ng one year para mag-try na mabuntis?

"Ah meron naman pero like I said hayaan muna natin, ano naman yun, kasi marami namang nagta-try na hindi talaga. I don't wanna get disappointed, I wanna be realistic, di ba?"

Pati ba sa Party Pilipinas ay magpapahinga si Regine?

"A siguro hindi, kasi once a week lang naman yun, e.

"Depende siguro, kung mga nine months na ako siguro puwede..." ang pagbibirong sagot ng Songbird.

Kinumusta naman ng PEP kay Regine ang hindi pa rin natatapos na movie niya with Aga Muhlach.

"Hindi ko rin alam. Tuloy pa rin naman."

Kailan sila huling nag-shoot?

"Parang ten years ago! Ha! Ha! Ha!"

SCHEDULE PROBELMS. Natigil nuong isang taon ang shooting ng reunion movie ni Regine at Aga sa Viva Films na idinidirehe ni Joyce Bernal. Ito ang kanilang ikatlong pagtatambal pagkatapos ng Dahil May Isang Ikaw (1999) at Pangako Ikaw Lang (2001).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kailan pa kaya nila matatapos ang naturang movie?

"Hindi ko alam, basta ako, alam naman nila ang schedule ko, na iba-block ko sa kanila na 'O ganito, ganyan.' Dapat hindi na sila aabot dun sa may gagawin na ako. Siyempre lahat iyon naka-ano.

"So every time, hindi naman pumupuwede si Aga. May ginagawa din so inaabot na naman sila doon sa may ginagawa ako."

Iyon lang ba ang problema - schedules?

"E, hindi ko rin alam yung iba but as far as I'm concerned that's what I know and... sayang."

Gusto pa ba niyang ituloy? Ayon sa iba, tila nawala na ang excitement ng publiko sa project.

"I'm sure kayo din nawala na, I'm sure kahit yung ibang mga fans na gustong manood ayaw na rin, na parang corny na, parang yung ganun.

"I still am excited to work with Aga, but since ang tagal na nun, ang dami ko nang ginawa, nag-Diva na ako, nag-asawa na ako, tapos meron na naman akong ganito [teleserye]," sagot ni Regine.

"Ngayon, siyempre since ang mga ginagampanan kong mga roles yung mas character-driven, malaki tuloy yung comparison dun sa character nung girl na parang ang corny naman, parang ganun na, although hindi naman.

"Don't get me wrong, the character is still exciting to play, kaya lang since ang hirap na nung ibang characters na nagawa ko, parang medyo... 'Hindi pa ba tapos?'" aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN