Danica Flores Magpantay, Supermodel of the World 2010 winner, says mom was a big influence on her decision to become a model

IMAGE 0


Her advice to aspiring Filipina models? Danica Flores Magpantay says, "Una, get proper training, tapos alamin ninyo yung mga kailangang requirements kasi modeling is a job. Kailangan masaya ka habang ginagawa mo yung trabaho mo. Kasi pag masaya ka, aalagaan mo talaga yung magiging trabaho mo."


Seventeen years old, 5' 8-3/4" tall with vital statistics 31-22.5-34.

Meet Danica Flores Magpantay, ang kauna-unahang Pinay na nagwagi ng titulong Supermodel of the World.

Almost a week after her historic win, nasa cloud nine pa rin si Danica.

In an exclusive interview with StarTalk TX, ibinahagi ng dalaga ang kanyang mga plano kasunod ng kanyang tagumpay.

"Prize ko actually, modeling contract worth $250,000.

"Masayang-masaya ako sa ginagawa ko, minahal ko yung trabaho, yung ginagawa ko. They said pag maganda yung personality mo, madali kang makatrabaho, magagawa mo ang trabaho mo."

Estudyante ng Fine Arts sa University of the Philippines si Danica nang sumabak sa local Supermodel search. Iiwan ba niya ang kanyang pag-aaral upang i-pursue ang modeling career sa Amerika?

"Ever since I won, kahit sa Philippines I stopped na po... hindi stopped, on hold siya kasi I wanna focus on my modeling."

Sa Amerika na raw niya ipagpapatuloy ang kanyang pag-aaral and at the same time, ay seseryosohin ang kanyang pagiging isang modelo.

Fine Arts pa rin daw ang balak niyang tapusing kurso, since hindi naman raw nalalayo ito sa modeling na para kay Danica is also an art form.

Unknown to many people, kasabay mag-compete ni Danica sa Supemodel of the World contest ang kapatid niyang si Danielle.

Wala bang namamagitang sibling rivalry between them?

"Wala po talaga kasi po masayang-masaya kami sa achievement naming dalawa. So masaya po kami para sa isa't- isa.

"Masaya, kasi close po kami, para na nga po kaming mag-best friend. Masaya na kasama mo yung kapatid mo kasi mas dumali yung competition, kasi nga parang may best friend ka na kasama tapos nagtutulungan kayo," paliwanag ni Danica.

Malaki ang naging impluwensiya kay Danica ng inang si Lala Flores, a professional make-up artist who represented the Philippines in the same contest 20 years ago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi niya po kami agad pinush mag-model. Pero since bata pa kami, nakikita ko si mommy parang... nagmo-model nga po siya tapos nagagandahan nga po ako. Siguro subconsciously, iyon po yung mga bagay kung bakit na-trigger yung interes ko sa modeling."

Ano ang payo ni Danica sa mga aspiring Filipina models?

"Una, get proper training, tapos alamin ninyo yung mga kailangang requirements kasi modeling is a job.

"Kailangan masaya ka habang ginagawa mo yung trabaho mo. Kasi pag masaya ka, aalagaan mo talaga yung magiging trabaho mo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN