Precious Lara Quigaman and Marco Alcaraz are not married, nor are they living in; they've set the wedding for 2012

IMAGE 0


Precious Lara Quigaman and Marco Alcaraz plan to ask Willie Revillame and Stella Marquez-Araneta to be ninong and ninang, respectively, at their wedding.


Walang pang kasalang nagaganap.

Ito ang klinaro ni Precious Lara Quigaman tungkol sa isyu na nagpakasal na raw sila ng fiancé niyang si Marco Alcaraz sa Canada.

"Lagi naman yan ang issue tuwing uuwi kami from Canada. Twice na yan. Every time na babalik kami, ang laging tanong sa amin, 'Kasal na kayo?'

"In-expect na namin yan, this time kasi yung parents ni Marco, nagpunta ng Canada, namanhikan kasi alam nila this year di uuwi ng Philippines si Mama at plano na talaga naming pakasal ni Marco sa 2012," ang sabi ni Lara sa presscon ng Mutya, bagong teleserye sa ABS-CBN, nuong January 27.

Pero wala pa silang definite plans. Naka-pokus ang atensyon nila ngayon sa nalalapit na kasal ng kapatid ni Lara.

"Tintutulungan ko yung kapatid ko na mag-prepare sa wedding niya so nandun talaga ang isip ko. Yung date na iniisip namin is May or October 2012 but definitely, here in the Philippines at hindi namin itatago yun," paliwanag ng former beauty queen sa press, kasama na ang PEP (Philippine Entertainment Portal).

NINONG WILLIE. Lumabas din ang pangalan ni Willie Revillame na kukunin daw na ninong sa kasal nila. Naging issue ang pambabasted raw ng beauty queen sa TV host kung kaya't nawala raw si Precious sa Wowowee as guest co-host.

"May nagtanong lang sa akin, 'Iimbitahan mo ba si Willie?' Sabi ko naman, 'O sige, bakit hindi? Kung gusto niya. Ninong Willie, pahiram ng yate.' Di naman siya nanligaw, nagparamdam lang," pabirong sabi ni Lara.

Usung-uso ang hiwalayan ngayon sa showbiz. Agad naming tinanong si Lara kung ano sa palagay niya ang sikreto kung bakit patuloy na tumatagal ang relasyon nila ng fiancé niya at mauuwi na nga ito sa kasalan.

"Magtu-two years pa lang kami pero parang kilalang-kilala na namin ang isa't-isa, wala kaming tinagong sikreto. Alam namin ang lahat, inopen namin ang lahat ng mga bagay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Saka nakikita ko kasi kay Marco yung Papa ko, siya yung tipo ng tao na napakapasensiyoso, napakamaintindihin. Pag nag-iinarte ako sa buhay, di niya ako pinapatulan, nandun lang siya. Kahit ako ang may kasalanan, siya ang nagso-sorry para maging bati na lang kami."

Pinakita rin sa amin ni Lara ang black diamond ring na bigay sa kanya ni Marco.

"Alam niya kasi ang favorite ko is black, tapos napanood ko yung Sex In The City ni Sarah Jessica Paker na binigyan siya ng black diamond. Sabi ko pag may nag-propose sa akin, black diamond ring [ang gusto ko] so yun ang pinagawa niya.

"Ibinigay niya sa akin ito nung nag-decide kami na magpakasal, tapos tinernuhan pa niya ng earrings."

NOT LIVING IN. Isa rin sa balitang di mamatay-matay ay nagli-live in daw si Marco at Lara. Bagay na agad namang klinaro ng beauty queen.

"May sarili akong bahay at may condo si Marco. Parang lahat naman ng mag-boyfriend or mag-girlfriend na artista, natsi-tsismis na ganyan.

"Lagi naman kaming magkasama ni Marco, tapos busy ako kaya di ko siya maiintindi and busy rin siya.

"Saka kahit gustuhin ko, hindi rin puwede kasi iiyak ang nanay ko."

BEAUTY PAGEANTS. As a beauty queen, hiningan namin ng reaksyon si Lara tungkol sa pagkahiwalay ng Miss Philippines-World title sa Bb. Pilipinas pageant.

"Nakakalungkot pero lahat naman ng bagay nagbabago. Before kasi, nasa Mutya ng Pilipinas ang Miss Philipppines-World. Nabili lang ni Madam Stella Araneta yung franchise. Ngayon naman, na bid-out na siya ni Ms. Cory Quirino."

Nabalita before na nagtampo si Ms. Stella Araneta kay Precious Lara dahil nagtayo ito ng sariling beauty pageant. Sa ngayon ay naayos na pala ang gulong ito at isa si Ms. Araneta sa binabalak ni Lara na kuning ninang sa kasal.

Meanwhile, excited si Lara to play the role of Cordelia in Mutya, bagong teleserye sa Kapamilya Network which will premiere on January 31.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako si Cordelia, isang simpleng mangingisda. Sumasakay ako sa bangka mag-isa at isang raw ay makikilala ko si Alfred Vargas na isang sirena. Magkakagustuhan kami at dito mabubuo si Mutya," kwento ni Lara.

Mutya will be played by newcomer Mutya Orquia.

"Si Mutya ay 4 years old pa lang pero napakabibo. Iba talaga ang karisma ng bata sa manonood," ani Lara.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN