Dolphy Jr. has forgiven his daughter's suspected rapist; returns to acting via Babaeng Hampaslupa

IMAGE 0


"Sa akin kasi, kung ang Diyos nga nakakapagpatawad, tayo pa kaya? Ibinigay ko na ang lahat sa Panginoon. Pinatawad ko na siya, ipinagdasal ko siya," says Dolphy Jr. about his daughter's suspected rapist.


Si Dolphy Jr. ay isa sa napakaraming anak ng Comedy King na si Dolphy.

Lumabas na si Dolphy Jr. sa ilang pelikula ng kanyang ama noon, pero natigil ito nang makulong siya.

Nakulong si Dolphy Jr. dahil sa kasong arson na isinampa sa kanya ng pamilya ni Vic del Rosario, ang big boss ng Viva Entertainment.

Nakalaya si Dolphy Jr. nang bigyan siya ng pardon ni dating Pangulong Joseph Estrada, na matalik na kaibigan ng Comedy King.

Dahil nananalantay sa dugo niya ang pagiging isang artista, heto't balik-showbiz si Dolphy Jr. via Babaeng Hampaslupa, ang kauna-unahang teleserye ng TV5 na magsisimula na sa February 7.

Sa presscon ng Babaeng Hampaslupa noong January 27, sinabi ni Dolphy Jr. na na-miss niya ang showbiz.

"Oo naman, na-miss ko ang show business, mahal ko ang pag-arte, mahal ko ang pelikula," sabi niya.

Paano siya napapayag na umarte ulit sa harap ng kamera?

"Actually, tumawag sa akin si Eric [Quizon, his half-brother], tinanong niya ako kung gusto ko raw bang gumawa ng serye. Sabi ko naman, siguro kung maganda yung role.

"Ipinaliwanag niya na maganda nga raw yung role ko. Ako si Manuel, bale ako yung tatay ni Alwyn [Uytingco] sa istorya, so tinanggap ko.

"Magagaling yung mga bata, magagaling silang mga artista at talagang makikita mo na mahal nila ang kanilang ginagawa.

"Sila Alice [Dixson] at Tita Susan [Roces], hindi ko pa sila nakakasama sa mga eksena, pero magagaling at respetado silang mga artista."

Hindi naman itnago ni Dolphy Jr. na nandun ang kaba nang una siyang masalang uli sa kamera.

"Medyo kabado kasi ang tagal kong hindi umarte. Matagal akong nawala, tapos ngayon binigyan ako uli ng pagkakataon ng Channel 5, ng kapatid kong si Eric, at si Direk Joyce Bernal.

"Sa ngayon, puro sa Smokey Mountain ang eksena namin. Mahirap dahil dun kami sa tambakan ng basura.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakaka-enjoy naman 'saka nakaka-excite itong Babaeng Hampaslupa kasi maganda, 'saka talagang pinaghandaan ang project na ito."

FORGIVENESS. Si Dolphy Jr. ang ama ng special child na nabalitang na-rape sa Laguna. (CLICK HERE to read related story.)

Ayon sa nagbabalik na aktor, pinatawad na niya ang pinaghihinalaang lumapastangan sa kanyang anak. Siya rin daw ang nagpakalma sa Comedy King na sumama nang husto ang loob sa nangyari sa apo.

"Okay naman yung bata. Sabi ko sa mga kapatid niya, huwag nilang pag-usapan ito kasi baka marinig niya, but okay naman siya.

"Alam ko galit si Daddy kasi pinatawag niya ako, nag-usap kami. Sabi ko nga, 'Dad, hayaan mo na, may batas naman tayo.'

"Nag-worry talaga siya sa akin kasi alam niyang napakasakit sa akin. Sinabi ko sa kanya na pinuntahan ko na 'kako yung gumawa nun, kinausap ko na yung tao.

"Sa akin kasi, kung ang Diyos nga nakakapagpatawad, tayo pa kaya? Ibinigay ko na ang lahat sa Panginoon. Pinatawad ko na siya, ipinagdasal ko siya.

"Nung nagpunta nga ako sa jail, ayaw ipakiusap sa akin nung una. Sabi ko, huwag silang mag-alala, kakausapin ko lang.

"Nung nakausap ko yung suspect, sinabi ko sa kanya na hintayin na lang niya kung ano ang magiging hatol ng hustisya sa kanya. Nakainom daw siya nung nagawa niya yun," lahad ni Dolphy Jr.

DOLPHY'S CONDITION. Kinumusta rin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Dolphy Jr. ang kalusugan ng ama.

"Okay naman si Erpat. Kanina nag-taping siya ng Pidol in Wonderland. Pero siyempre sa age niya ngayon, madali na siyang mapagod, mahapo, pero okay naman siya.

"Nagwo-worry talaga kami, pero lahat 'yan pinagpe-pray namin sa Panginoon na dagdagan pa ang buhay niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN