John Lloyd Cruz and Shaina Magdayao agree not to work together in a project

IMAGE 0


"Desisyon lang namin, personal. It's by choice yung hindi namin pagsasama sa isang project. Sa amin, hindi lang talaga appealing yung magkasama sa isang project. Ewan ko, kanya-kanya lang 'yan," says John Lloyd Cruz about his and Shaina Magdayao's decision not to work together.


Sa isang interview ay sinabi ni Shaina Magdayao na hangga't maaari ay ayaw niyang makatrabaho o makasama sa isang proyekto ang boyfriend niyang si John Lloyd Cruz. Paliwanag ng young actress, ayaw niyang mahaluan ng trabaho ang kanilang relasyon at baka lalo silang pukulin ng mga intriga na kalaunan ay maging mitsa pa ng away nila. (CLICK HERE to read related story.)

Sa panayam naman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay John Lloyd sa Likhang Sining Imortal Art Exhibit sa TriNoMa Mall noong Linggo, April 3, tinanong namin siya kung payag siyang makasama sa isang proyekto si Shaina, o pareho sila ng pananaw sa bagay na ito.

"Yun naman yung matagal na namin sinasabi and, up to now, hindi nagbabago yun. Hindi namin makita ang mga sarili namin na magkasama sa isang trabaho. Kumbaga, kung ano yung ginagawa namin, kahit nasa isang mundo kami ng showbiz, o nasa isang industriya, hindi naman kailangan na pati kami sumabay sa ganun.

"Desisyon lang namin, personal. It's by choice yung hindi namin pagsasama sa isang project. Sa amin, hindi lang talaga appealing yung magkasama sa isang project. Ewan ko, kanya-kanya lang 'yan," pahayag ng aktor.

Ito ba ay para ma-preserve nila ang kanilang relasyon, o para hindi sila intrigahin, na siyang karaniwang nangyayari pag nagsama sa isang project ang magkarelasyon?

"Puwede," sagot ni John Lloyd. "Pero hindi lang talaga appealing for us yung ganung idea. Hindi lang namin ma-embrace or ma-entertain yung idea ng magkatrabaho or magkasama kami."

Sa isa ring interview kay Shaina ay sinabi niya na bukas naman siyang makasama sa trabaho ang ex-boyfriend niyang si John Prats. (CLICK HERE to read related story.)

Ano naman ang reaksiyon dito ni John Lloyd?

"A, hindi ko pa natatanong sa kanya, hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol diyan. Tanungin ko muna siya kung totoo. Mahirap mag-comment sa isang bagay na hindi mo alam kung totoo nga. Kailangan ko munang i-confirm sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero kami naman kasi ni Shaina, pagdating naman sa trabaho ng bawat isa, labas kami dun. Desisyon pa rin namin individually," saad niya.

SARAH'S SUCCESS. Hiningan din namin ng reaksiyon si John Lloyd tungkol sa box-office success ng pelikula nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson, ang Catch Me... I'm In Love. May nagsasabi pa ngang baka malagpasan nito ang kinita ng mga pelikula nina John Lloyd at Sarah na A Very Special Love (2008) at You Changed My Life (2009).

Ayon sa aktor, magandang indikasyon ito na may bagong tambalan na aabangan ang masa.

"Masayang-masaya kami na Kapamilya nila sa ABS CBN and Star Cinema, kasi mayroon na naman tayong tandem na aabangan," sabi niya.

May nakaplano na bang pelikula sila ulit ni Sarah, lalo't nagsalita na rin naman ang Pop Princess na willing na siyang makatrabaho muli ang aktor?

"Pati ako nag-aabang din dun," sambit ni John Lloyd. "Kung hindi maayos, kung hindi na malinaw ang kapupuntahan ng istorya, okay lang sa akin kung panibagong pelikula na lang. Basta oras din kasi. I think for 2011, parang wala pa yatang nakaplano."

Nabalita rin na magkakaroon daw ng Part 2 ang My Amnesia Girl, ang pelikula ni John Lloyd kapareha si Toni Gonzaga last year.

"My Amnesia Boy naman. Mahirap kasi sundan yun," may halong birong sabi ng aktor.

Kinumusta din namin kay John Lloyd ang matagal nang naka-lineup na pelikula na pagsasamahan nila ng Kanto Boys—with Luis Manzano, Billy Crawford, and Vhong Navarro.

"Ang alam ko, the last time I talked to Tita Malou [Santos, Star Cinema president], tuloy siya," pagbabalita ni John Lloyd. "It's with Kanto Boys and Toni Gonzaga. Kaya lang, dahil nga sa sobrang tight ng sked ng bawat isa sa amin, ang hirap pang isingit."

IMORTAL. Samantala, sa April 29 na ang pagtatapos ng Imortal, ang teleserye ni John Lloyd kapareha si Angel Locsin. Ayon sa aktor, dapat daw ay huwag bumitiw ang mga manonood dahil mas marami raw kapanapanabik na mga eskena at rebelasyon ang mapapanood dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maraming dapat abangan. Palapit na nang palapit ang ending. Lahat ng revelations, the biggest revelations, mapapanod na, malalaman at matutuklasan na. And yung conflict ng characters, mase-settle na. Lalabas dito kung sino talaga ang pinakakalaban nila Matteo at Lia.

"Huling buwan na namin. Huwag kayong bumitiw, sana patuloy ninyong subaybayan ang Imortal gabi-gabi," saad niya.

Bukas, April 6, ay magkakaroon ng grand presscon at thanksgiving ang buong cast and staff ng Imortal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN