Tim Yap and TJ Manotoc "fight" on Twitter over Angel Locsin-Phil Younghusband "date"

IMAGE 0


Azkals player Phil Younghusband's Valentine's invitation to actress Angel Locsin on Twitter became the talk of the town. It also started a small misunderstanding between newscaster TJ Manotoc (left) and eventologist-TV host Tim Yap (right). The two exchanged tweets on whether the date between Phil and Angel already pushed through.


Naging usap-usapan ang pagyaya through Twitter ng Team Azkals player na si Phil Younghusband na maka-date ang aktres na si Angel Locsin sa Valentine's Day.

Sinagot naman ito ng aktres na may trabaho siya sa Araw ng mga Puso. Pero puwede pa naman daw sa ibang araw. (CLICK HERE to read related story.)

Ang naturang "date invitation" sa Twitter between Phil and Angel ang naging dahilan para magkaroon ng intriga sa pagitan ng eventologist-TV host na si Tim Yap at ng newscaster na si TJ Manotoc.

Ayon kasi sa tweet ni Tim noong Sabado, February 12, matutuloy na raw ang date nina Phil at Angel at magta-target shooting sila.

"Just learned that Phil Younghusband will be going out on a date with Angel Locsin tomorrow. They're gonna go target shooting. Hanep!" (posted by Tim at 7:47 AM Feb 12th via Twitter for iPad)

Kinontra naman ni TJ ang tweet ni Tim at sinabing hindi raw ito totoo, sabi ni Phil sa kanya.

"sorry folks, I just checked w @PhilYHusband and as per him the shooting range date ain't true. hold ur horses!" (posted by TJ at 8:49 AM Feb 12th via Osfoora for iPhone)

At dito na nga nagsimula ang palitan ng tweets nila na pinatulan din ng ibang followers nila.

Pero noong February 13 ay na-sorry din si TJ kay Tim through Twitter.

"Hey tweeps, I spoke to @iamtimyap and have apologized already, this is to apologize online as well. He is not wrong. He heard it from james. Meanwhile Phil denied it to me. So what can we do? Nothing :) let them have their peace as so they wish. Sometimes celebs admit to a few & deny to many. You can tell who is "few" & who is "many" in this situation :) thanks for understanding tim! My apologies again, you don't deserve the stupid hate being thrown your way for this."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TIM CLEARS THE ISSUE. Marami ang naintriga sa palitan ng tweets ng dalawang celebrities sa Twitter kaya nagpaliwanag na si Tim tungkol dito kagabi, February 14, sa showbiz talk show na Tweetbiz, kung saan isa siya sa main hosts along with Lolit Solis.

Kuwento ni Tim, "A little backgrounder, noong isang gabi, Sabado [February 12], I threw a party for the Azkals. So, magkakasama kaming lahat.

"Dumating si James [Younghusband, Phil's brother]. Tinanong ko, 'Where's Phil?' Sabi niya, 'Oh, he's still busy on Twitter because he's asking Angel on Twitter and actually they'll gonna go out tomorrow.' Meaning, noong Linggo [February 13].

"Sabi ko, 'Wow, are they gonna go out on a date?' Sabi niya, 'Yes, they are going out on a date. They are gonna go target shooting.'

"So, twineet ko kaagad na magkakaroon sila ng target shooting. The next day naman, na-excite siguro si TJ Manotoc sa balitang ito at ang nangyari sa kanya, 'I asked Phil, it's not true.' Twineet ni TJ Manotoc."

Hindi raw nagustuhan ni Tim ang ginawang pagkontra ni TJ sa kanya.

"Alam mo, TJ, there are certain things that people will tell me. I've been friends with them before they were Azkals. There are certain things that people don't tell reporters, ganun yun, e.

"Wala akong sinasabi kung sino ang tama, kung sino ang mali. Yung sinabi ko yung sinabi sa akin," sabi niya.

Paano naman niya iha-handle ang isyu na ang credibility naman niya ang nagsa-suffer?

"Kung wala akong credibility, bakit 200,000 plus ang followers ko sa Twitter. Yun lang yun," sagot ni Tim.

Sa huli ay may mensahe pa si Tim kay TJ.

"Anyway, ang message ko, noong nag-usap kami ni TJ... Alam mo, I accept your apology, but I'm still pissed at you.

"Hindi ako plastic na tao. Hindi ako masaya sa ginawa mo. Puwede mo naman akong tawagan. Bakit kailangang ipa-Twitter mo pa ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Apology accepted, I respect you. But I'm still pissed at you."

MORE EXPLANATIONS FROM TIM. Pagkatapos ng Tweetbiz ay nagkaroon ng pagkatataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na ma-interview si Tim para sa dagdag na paliwanag, lalo na sa kanyang huling binitiwang mga salita.

Ano ba talaga ang gusto niyang sabihin kay TJ?

"Alam mo, we ended our talk very amicably. Sabi ko nga sa tweet ko, a gentleman's handshake.

"We were honest with each other. He is honest with his apology and very sincere with his apology. Hindi naman niya mini-mean na i-discredit yung tweet ko. So, I accept that.

"Pero sinabi ko pa rin na medyo masama pa rin ang loob ko. Pero alam mo, lahat naman ng mga tao marunong magpatawad. Wala naman siyang intensiyon. So, para sa akin, okay," sabi ni Tim.

Ang mas ikinasama raw ng loob ni Tim ay ang mga taong nagpadala ng hate tweets at nagsasabi ng negative about him dahil nga sa issue.

"Ang naano lang ako... Di ba, marami—mapa-PEP man, mapa-Twitter man—ang mga tao mahilig lang talagang manggatong, maraming mahilig magsabi ng nega. E, tanggap ko na yun. Ganun naman talaga.

"Pero tao lang din naman ako. Minsan nakakasakit na rin sila ng feelings, di ba?

"Pero kung tatanungin mo, okay na kami ni TJ," saad niya.

Gusto lang sabihin ni Tim na kaibigan niya ang Azkals, lalo na ang magkapatid na sina Phil at James na kaibigan na niya bago pa pumasok ang mga ito sa team.

Aniya, "Alam mo, matagal ko nang kaibigan ang Azkals bago pa sila sumikat. At ngayon, we're working on some business deals together. So, I work closely with them."

Sa mga tao raw, parang natural na yung pagsasabi sa isang kaibigan pero hindi mo aaminin sa iba.

"Siyempre naman. E, kung totoo ba, sa tingin mo aaminin nila agad? Eto na nga yung source na nagbibigay sa inyo ng katotohanan, tapos dina-doubt n'yo pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung ayaw n'yong maniwala, e, di huwag. Wala naman akong pinipilit na maniwala sa akin, e," sabi ng Tweetbiz at Party Pilipinas host.

Ang ayaw lang daw ni Tim ay ang masabihan na nakikisawsaw lang siya sa popularity ng Azkals ngayon.

"Ang ayoko lang yung sasabihing, 'Yan si Tim, nakikisawsaw na naman.' Bilang journalist, bilang media person, kung ano ang pinag-uusapan ng tao, 'yan ang tini-tweet ko because that's part of my role in media. Hindi ako nakikisawsaw," saad niya.

Na-appreciate naman daw ni Tim ang pagso-sorry ni TJ sa kanya.

"Hindi niya kasi alam na it would snowball into some kind of scenario against me. Hindi naman siguro niya mini-mean na makasakit at makaagrabyado ng tao."

Worried ba siya na magiging big issue na naman ito?

"Hindi ako nagwo-worry kasi I stand by my tweets. Hindi ako nagwo-worry dahil wala akong kasinungalingang inilalabas, wala akong iniimbento, wala akong sinisiraan. At ako pa ang unang magso-sorry kung ako man ang may mali na ginawa ko na rin before," sabi ni Tim.

Ang tinutukoy ni Tim ay ang ginawa niyang paumanhin sa tweet niya tungkol sa lotto winner. (CLICK HERE to read related story.)

ANGEL'S TWEET. In fairness kay Tim, sa tweet ni Angel Locsin kahapon, February 14, tila isang kumpirmasyon nga na totoong may usapan silang dalawa ni Phil na magta-target shooting dapat noong February 13. Pero nalaman nga nila na sarado ang shooting range ng Linggo kaya hindi na sila tumuloy.

May paalala pa si Angel sa mga Twitter users na maging mabait kina Tim at TJ.

Sabi ni Angel, "Just to clear things, we didn't go target shooting. We thought about it but we found out saturday afternoon that the range closes on sundays☺ be nice to @iamtimyap & @tjmanotoc :) hehe, happy happy! :)"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN