Alice Dixson admits sending feelers to TV5 for her comeback

IMAGE 0


"It's like riding a bike, di ba? Once you learn how to ride a bike, you'll always know how to ride a bike," says Alice Dixson about returning to acting.


Bahagyang naging emosyunal ang comebacking actress na si Alice Dixson habang pinapanood ang teaser ng kauna-unahang primetime series ng TV5, Babaeng Hampaslupa, kagabi, January 27.

"Kasi, ang ganda. It really feels good to be back," sambit niya nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sa grand launch ng Babaeng Hampaslupa sa City Best Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Anim na taon ding nawala sa sirkulasyon si Alice. Her last projects were Hanggang Kailan and Ang Iibigin ay Ikaw, both with GMA-7.

Sabi ni Alice, bukod sa Ang Iibigin ay Ikaw, ang Babaeng Hampaslupa ang maituturing niyang pinakapaborito niyang kuwento.

Kasama ni Alice sa Babaeng Hampaslupa ang movie queen na si Ms. Susan Roces at ang TV host-comedienne na si Alex Gonzaga in her first dramatic role.

BALIK-SHOWBIZ. Marami ang natutuwa sa pagbabalik ni Alice sa pag-arte. Pero bakit nga ba niya naisipang magbalik-showbiz?

"It was really the TV5, the offer," sagot ng aktres.

"Ang kuwento no'n kasi, tumawag sa akin ang mom ko, and she said, 'Anak, gusto ko sanang umuwi ng Pilipinas...' because she's in the States. Wala na kasi kaming kamag-anak dito, nasa abroad na kaming lahat.

"Then, I said, 'Mom, wala naman na akong trabaho sa Philippines, anong gagawin ko do'n? I mean, hindi naman kita puwedeng iwanan doon na nag-iisa.'

"So, sabi ko, pag-iisipan ko, maybe I can get a project.

"Tumawag ako sa 5, I sent out feelers... And then, agad tumawag si Perci [Intalan, TV5 creative and entertainment production head]. We sort of communicated and he said he had a TV sitcom project for me.

"Pero in the process of everything, hindi natuloy yung sitcom project na yun. Kumbaga, ito [Babaeng Hampaslupa] na yung dumating.

"Ayun na, pinauwi na ako ng 5. January 2 ang dating ko, sabak kaagad and all the materials in the VTR. That's what we've done in the past three weeks."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta ang unang sabak niya sa taping?

"Kinabahan ako!" natatawa niyang sabi.

"But Eric [Quizon] and Joyce [Bernal] made me feel right at home and I have very generous cast members.

"It's like riding a bike, di ba? Once you learn how to ride a bike, you'll always know how to ride a bike."

WHY TV5? Marami ang na-curious dahil sa sinabi ni Alice na nagparamdam siya sa TV5. Ang tanong: Nagpadala rin ba siya ng feelers sa ABS-CBN at GMA-7?

"I don't wanna answer that. Another question!" natatawa niyang sabi

Pero ani Alice, "There was other offer then. Pero this was the best project. Overall, this was the best.

"Because aside from working with Susan [Roces]... I've never worked with Susan before. Very first time.

"Ang daming first ng kuwento namin, e.

"First time kong makasama si Susan. First time na maging director ko si Eric sa isang drama, teleserye. So, I thought, this is a grand way to make a comeback."

What attracted her to TV5?

"Well, the only connection I had sa Pilipinas was through the Internet. So, naghanap ako ng mga what's going on, and I started reading that 5 was coming out with new shows, bagong management. So, naisip ko na this could be a good move for me," sagot ni Alice.

Ang kontrata bang pinirmahan niya sa TV5 ay para lang sa Babaeng Hampaslupa?

"Non-exclusive. For one season," sagot ni Alice.

"Pero last week, noong nag-contract signing ako, the bosses asked me if I will consider staying longer.

"Ngayon, pinag-uusapan namin. Pero wala pang final."

What about movies?

"Oo, I love doing movies. I'd love to do a movie.

"Nananawagan po ako sa mga producers ng pelikula!" biro niya.

CHANGES IN SHOWBIZ. Sa pagbabalik niya, may mga napansin ba siyang pagbabago sa showbiz in general?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Not really... Kasi, even sa first two weeks naman ng pagdating ko, medyo nanibago ako. Kahit itong klase ng gathering, medyo naninibago ako sa inyo.

"But, you know, just working on the set na maraming tao, and jumping back into what I'm doing, it's so much fun. I missed it talaga.

"Tapos, yung mga outside, the taping activities, yung promotion namin, seeing old friends... alam mo naman when friendship is built over a long time, right?

"Hindi ko sinasabing wala akong friends sa Canada, pero iba yung deep friendship na na-build ko rito among my peers.

"I consider, like the press, as part of my family rin. Through intriga noong bata pa ako, you know, pinaiyak n'yo ako, pinatawa n'yo ko, stuff like that.

"I know that this is really my life, na pinagdaanan ko," saad niya.

RUSTOM PADILLA. Tinanong din si Alice kung ano ang reaction niya na ang dati niyang leading man noon na si Rustom Padilla ay "babae" na ngayon—si BB Gandanghari?

"Alam mo, hindi ko pa siya nakikita in person," nakangiting sabi ni Alice.

What was her reaction then?

"My jaw dropped talaga. Nabigla ako!"

Mag-asawa na raw sina Rustom at Carmina Villarroel nang makatrabaho niya ang kapatid ni Robin Padilla sa The Jessica Alfaro Story (1999).

"Nagulat ako, nagulat akong talaga," sabi ni Alice. "Honestly, everybody was surprised, di ba?

"So, I haven't seen him pa... I really don't know. I'm sure, he's still the same Rustom."

LICENSED REALTOR. Sa Canada naka-base si Alice ngayon kasama ang kanyang mister na si Ronnie Miranda. Simple lang daw ang buhay niya roon bilang isang misis at realtor.

Kuwento ng 41-year-old actress, "When I left, 2006, kamamatay lang kasi ng dad ko. And I decided... since siya ang binabalik-balikan ko dito sa Pilipinas, since wala na siya, I decided to try another career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, nag-aral akong maging realtor sa Florida with my sister. Parang nag-team-up kami.

"Noong nakayanan ko nang mag-isa, I went back to Vancouver. And hanggang ngayon, yun pa rin ang business ko, licensed realtor po ako.

"Actually, I have two licenses, in Canada and in the States. I still do referral works and I still do residential and commercial real estate."

Kahit nandito si Alice sa Pilipinas, tuloy-tuloy pa rin daw ang pagiging realtor niya.

"I have a website. People who are moving, let's say, in a different country or in a different state in Canada, they can go to my website.

"And then, just type in the information that they are selling or they're buying and what city. And then, I'll look for the realtor in that area na lilipatan nila. Somebody that they can trust.

"Kasi, some... I don't wanna put bad names sa realtor sa States or Canada, pero siyempre, mas maganda yung kilala. Yung kilala mo."

IS THIS FOR GOOD? Sa puntong ito, hindi pa niya masasagot kung for good na ang pagbabalik niya sa pag-arte, o babalik siyang muli sa Canada pagkatapos ng serye.

"Hindi natin masasabi, right? We don't know what will gonna happen tomorrow, right? Pinaplano natin, pero we only know when it's there na.

"I really love to stay forever, pero nandoon [sa Canada] ang husband ko, e. And ayaw na niyang bumalik sa Pilipinas. He likes the lifestyle in Canada.

"Maybe one day, when he grows old and he wants to retire."

Ang mister ni Alice na si Ronnie Miranda ay isa sa mga pioneer ng CGI (computer-generated imager) technology sa Pilipinas.

Naiintindihan naman daw ng husband ni Alice ang pagbabalik-showbiz niya.

"My husband is a very generous person. Mabait ang husband ko," sabi ni Alice.

Noong 1999 ikinasal sina Alice at Ronnie, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakaroon ng anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa aktres, choice nilang mag-asawa 'yon.

"Yeah. Ang lifestyle kasi namin sa Canada, we hardly have enough time for ourselves and we love to travel. We travel a lot.

"So, it was our decision not to have kids right away. But then, after a while, matagal na, nasanay na kaming dalawa na kami lang.

"It was our personal choice not to have children. I mean, I'm not saying that I will never have children, ha. But from the time that we got married till now, hindi muna."

TIMELESS BEAUTY. Sa paglipas ng panahon ay hindi pa rin kumukupas ang kagandahan ni Alice. Kaya naman hindi kataka-takang bansagan siyang "Timeless Beauty."

"Tumanda naman ako, kayo naman!" nakangiti niyang sabi.

Ano nga ba ang sikreto niya?

"Simple lang po ang buhay ko sa Canada. No stress. I mean, I have a very healthy lifestyle there. I have a very loving husband. Wala kaming problema.

"People are saying nga, kaya ako nandito, kasi naghiwalay kami. Please lang!

"I mean, that was the 2002 item. Noong bumalik ako para gumawa ng TV show, yun pa rin ba?

"Gumawa naman kayo ng bagong intriga n'yo, hindi na 'yan bago!" natatawa niyang sabi.

Bilang mag-asawa, wala ba silang na-encounter na problema?

"Ang problem naming mag-asawa... and that, he'll kill me if I'm going to tell you this scoop...

"Noong bago kami... kasi we're both independent. We were two independent individuals kaya nagka-clash kami.

"Pero noong na-resolve ang isyu namin on our first year of marriage, okay na kami. And knock on wood, we'll stay together," sabi ni Alice.

Ayon pa sa aktres, walang limitasyon na ibinigay sa kanya ang mister niya kung ano ang dapat niyang gawin sa pag-arte, gaya ng kissing scenes o love scenes.

"Open-minded kasi siya. Hindi siya katulad ng ibang Filipino na, hindi naman sa conservative, but he's not controling," banggit ng nagbabalik na aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN