Jay Manalo enjoys working on his drama series, Babaeng Hampaslupa: "Totoo ang mga balita na masarap mag-trabaho sa TV5."

IMAGE 0


Jay Manalo has 10 children from various relationships. "Wala akong gustong mag-artista sa mga anak ko. Hindi ko sila ine-encourage na mag-artista. Ayokong pagdaanan nila ang pinagdaanan ko sa showbiz. Ayokong mabuhay sila sa mundo ng kaplastikan. Mabuhay sila sa mundo ng katotohanan," he says.


Kauna-unahang dramaserye ng TV5 ang Baeng Hampaslupa at kauna-unahang regular series din ito ni Jay Manalo sa Kapatid Network.

Having worked sa ibang istasyon, na-prove raw niya na ibang mag-trabaho sa Kapatid Network.

Ayon nga kay Jay, nang makausap namin siya sa press conference ng BH sa City Best noong Huwebes, "Ay masarap, totoo ang mga balita na masarap mag-trabaho sa TV5 at maluwag.

"I mean, yung kumportable, smooth ang galawan. Yung walang tension. Kapag nasa kabilang network e, medyo may tension," ang sabi niya sa media kabilang na ang PEP (Philippine Entertainment Portal).

It's also his first time to work with Alice Dixson who plays the role of his first wife in the series.

"Okay naman, yung unang eksena namin. Siyempre, nagkakapaan kami kung paano namin i-a-approach ang character namin. Pero actually, sa rehearsal lang nangyari yun. Sa totoong eksena, tuloy-tuloy, smooth na.

"Masarap katrabaho [si Alice]. Professional. At siyempre, maganda pa rin. Walang makakapagsabing pangit si Alice Dixson," nakangiting sabi ng aktor.

Nakaganap na si Jay ng Chinese role tulad sa Mano Po. Pero aniya, may challenge pa rin now that he is doing it in a drama series.

"Kapag binigyan ako ng isang character na sa tingin ko, nagawa ko na, hindi ko tsina-challenge yung role na binibigay sa akin, ang tsina-challenge ko, yung sarili ko. Paano ko gagawing iba sa mga nagawa ko na?"

Isa si Jay sa maituturing na mahusay na actor. Pero tila nagkaroon ng ibang imahe ito dahil sa mga sunod-sunod na intriga sa kanya in the past. Naging unprofessional daw siya, sakit ng ulo ng production, among others.

"Sa totoo lang, gusto lang nila akong sirain. Bakit nila ko gustong sirain? Bakit? Natatakot ba silang isabong ang talent nila sa akin?" aniya.

"May kanya-kanya naman kaming talent. May kanya-kanya naman kaming istilo. Inaamin ko naman na may mga times na naging unprofessional ako. Sasabihin naman kasi nila 8:00 ang call time. Mag-uumpisa ba sila ng eksaktong 8:00? Hindi naman, 'di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Minsan, napaka-inconsiderate nila, especially kapag hindi ka naman talent ng network. Basura ka...basura ka," sabi ni Jay.

So, walang katotohanan ang mga bintang regarding his work habits?

"Partially... Pero on what level, 'di ba? Kasi, gusto ko rin namang itanong sa kanila, ano po ba ang basehan nila ng pagiging unprofessional and professional?"

Matagal na ring isyu ang sinasabing nalulong daw siya sa pagka-casino.

"Naku, matagal nang isyu yan! Ang tanong, sino ba ang nagsasabi na nagka-casino ako? Kasi, kung sino ang nagsasabi, malamang, nagka-casino rin sila.

"Nagawa ko yun, noon... at saka, hindi ako nagka-casino. Karera po ng kabayo. Noon ko pa sinasabi 'yun, karera po ng kabayo. Pero, matagal na akong huminto. Eight years na. Ang inaano ko lang, bakit natutuwa silang tinitira ko? So? May nagawa akong mali sa buhay ko. Perpekto ba sila?"

Maraming anak si Jay sa iba't-ibang naka-relasyon niya. Ayon sa aktor, sampu raw lahat ang anak niya. When we asked kung lahat ng anak niya ay nadadalaw niya, ang mga anak daw niya ang dumadalaw sa kanya.

"Oo, sila ang dumadalaw sa akin. Kasi, unang-una sa lahat, yung respeto ko sa mga nanay nila. Siyempre, may mga asawa na ang nanay nila. May kanya-kanyang buhay na ang mga nanay nila, so, bakit ako pupunta, 'di ba?"

How is his relationship with his kids?

"Alam mo naman, lahat naman ng buhay ng tao may mga pinagdadaanan. Katulad sa mga anak ko, kung meron kaming pinagdadaanan na hindi napagkakaunawaan, e, parte ng buhay namin yun."

Ang panganay raw ni Jay na lalaki ay 18 years old na, the same age ng panganay niyang babae.

Kuwento pa niya, nag-commercial na raw ang anak niyang babae kasama ang kanyang mommy para sa isang facial product.

Pero, pinatigil daw niya ito sa paggawa ng commercial.

"Sinabi ko sa kanya, tigilan na niya. Mag-aral muna siya. Ako, nag-start din sa commercial. Wala akong gustong mag-artista sa mga anak ko. Hindi ko sila ine-encourage na mag-artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayokong pagdaanan nila ang pinagdaanan ko sa showbiz. Ayokong mabuhay sila sa mundo ng kaplastikan. Mabuhay sila sa mundo ng katotohanan."

Jay is now being managed by Annabelle Rama of Royale Era Entertainment. Gusto raw niya ang ugali ni Annabelle.

"Gusto ko ugali ni Tita. Diretso, walang plastik-plastikan. Gusto mo ng project na ito? Ayaw mo? Okay, hanap tayo ng iba. Yung ganoon... walang ligoy-ligoy, walang plastikan. Yun ang mga gusto kong tao. Yun ang mga gusto kong kausap.

"Kung may galit ka sa akin, okay fine, sabihin mo sa akin. Huwag tayong mag-usap. Huwag tayong magkita. That's it!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN