PEP EXCLUSIVE: Melai Cantiveros and Jason Francisco clarify issues on their relationship's intimacy level

IMAGE 0


Jason Francisco and Melai Cantiveros answer issues regarding his frequent sleep-overs at Melai's house. They are happy with the way their relationship is going and are taking things slow, they say.


Isa ang tambalang Melason, na binubuo nina Melai Cantiveros at Jason Francisco, sa mga sinusubaybayan ng mga masugid nilang mga fans.

Nagsimula ang onscreen at aktuwal na romantic relationship ng dalawa nang magkakilala sila at nagkasama bilang housemates sa "Bahay ni Kuya" sa Pinoy Big Brother (PBB) Double Up isang taon na ang nakaraan.

Sa February 8 ise-celebrate ng magkasintahan ang kanilang anibersaryo.

Sinadya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang dalawa sa shooting ng kanilang upcoming comedy movie na Pureza noong Sabado, January 29, sa Sampaloc, Manila

MORE MATURE. Inilarawan ni Melai ang mga magandang pagbabago sa kanilang relasyon ngayong mag-iisang taon na silang dalawa.

"Pagiging mature na namin, mature na namin sa isa't isa. Masaya rin ako kasi yung last na relationship ko, three years yun. Para kasing, "Uy! Humahabol... ,"pero hindi ko na ine-expect kung ano pang mangyayari sa amin. Hindi ko na ine-expect. Masaya na ako na magkasama kami," sabi ni Melai.

"Ayaw ko na kasi mag- worry na baka next month hindi na kami.The more na isipin mo 'yan, the more na mangyayari 'yan, so kuntento na lang ako na masaya kami sa isa't isa ngayon," seryosong sagot ng komedyante.

NO PDA. Marami man ang kinikilig sa totoong relasyon at onscreen team-up ng dalawa, naikuwento naman ni Melai at ni Jason na talagang nahihiya sila sa PDA (public display of affection).

"Hindi naman kami OA (over-acting) na...yung iba kasi OA minsan. 'Pag lagi mo kasing sinasabi [ang 'I love you'] parang wala na lang yun," paliwanag ni Jason.

Sumang-ayon si Melai at sinabing, "Bata pa naman kami, hindi pa kami magpapakasal. [Ayaw namin] yung parang OA na 'mahal na mahal kita.'"

Gaano sila kadalas na magsabihan ng 'I love you' kung ganoon?

"Once a week!," ang mabilis na tugon ni Melai na ikinatuwa ng mga taong nakikinig sa interview.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TAKING THINGS SLOW. Sa ibang interview kay Melai, nabanggit niyang dahil sa pagiging busy nilang dalawa, nakakapag-bond lang sila minsan kung mag-overnight si Jason sa kanilang bahay (CLICK HERE to read related story).

Nagkaroon ng mga negatibong komento ang ilan sa mga nakabasa nito kung kaya't diretshang tinanong ng PEP sa dalawa ang level of intimacy ng kanilang relasyon.

Ito ang naging sagot ni Jason, "Kasi minsan talaga, ilang beses na ako nakatulog sa bahay nila... kasi minsan mas malapit yung location [ng taping] sa kanila. Nakikisabay ako sa kanya sa sasakyan. Kaya dun na lang ako tumutuloy sa kanila, kasi mas mahirap kung babalik pa ako dito.

"Pero yung intimate wala pa naman. Talagang wala pa...Siguro pagka meron 'yan...pero hindi pa sa ngayon. Kasi para sa akin, dapat special ba.... Right place at [the] right time. Hindi lang basta...dapat pag-isipan kasi paano kung may mangyari..."

Ipinaliwanag nila na madalas ang location ng mga shoot nila ay sa Antipolo na mas malapit sa bahay ni Melai sa Binangonan, Rizal. Sa ngayon ay nakatira si Jason sa Quezon City.

Sa isang separate naman na panayam kay Melai, nagbigay ang dalaga ng komento sa mga tumitingin ng "negative" sa nasabing isyu.

"Hindi naman siguro nila tine-take na negative 'yon. Ewan ko sa kanila... kasi kung mag-boyfriend kayo, kelangan niyo talaga mag-spend ng time ng sarili niyo. Nagde-date kami sa mall pero may time din kami nagkikita-kita sa bahay," aniya.

Hindi makita ni Melai ang dahilan kung bakit kelangan tingnan nila ito nang masama.

"Minsan naman kasi sa taping, dun na siya natutulog para diretso na dun. Bakit tinitignan na negative? Buti sana kung hindi kayo mag-boyfriend?" katwiran niya.

Dagdag niya, "Kung magboyfriend kayo at ganun ang issue, choks [okay] lang, pero kung hindi kayo mag-boyfriend, napakalaking issue 'yan. Kung mag-best friend lang kayo at dun kayo titira sa...."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli nag-iwan siya ng mensahe sa mga kritiko niya:

"Okay naman yung comment niyo kasi sarili [niyong comment iyan]. Di ko naman mababawi kasi sarili niyo naman pag-iisip.

"At least nasagot ko na ang kanilang mga hinaing at hindi na sila mag-i-ingay pa nang over-over!" pabirong sambit ni Melai.

"Pero yung mga ganun [isyu] kasi, forever naman 'yan. Parang wala naman silang magawa sila sa buhay kaya ganun nang over-over," sabi ni Melai.

VALENTINE PLANS. Nalalapit na ang kanilang anniversary [February 8] at ang Araw ng mga Puso [February 14]. Ano nga ba ang kanilang plano para sa mga espesyal na araw na mga ito?

"'Pag free, biglaan...Kasi minsan kung planado hindi nangyayari," sabi ni Jason.

Sumang-ayon naman si Melai na hindi nila pinaplano ang kanilang mga dates. Madalas din silang magbigayan ng regalo kahit na walang okasyon.

"Sa amin kasi, ang gift ...kasi everytime na pumupunta kami sa mall, "Ay! bagay ito sa kanya!" binibili ko ito sa kanya. Siya din [Jason] pag maisip niya kahit na ano pang araw 'yan, binibili niya. Normal lang kasi ang gift sa amin. Gusto ko makita na suotin niya [yung mga regalo ko]. Gusto niya din makita na suotin ko.

Ano lang ba ang gusto ni Melai sa darating na Araw ng mga Puso at anniversary nila?

"Time lang," ang nakangiting sambit ng dalaga.

"Kung may time, e, di date. Kuing wala, okay lang kasi trabaho naman 'yon. Magkakaroon din naman ng time.

"Kasi last month, monthsary namin walang time, pero after nun nagkaroon ng time, dun na kami nag-date," kuwento ni Melai.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN