Alice Dixson on renewed interest about her past role as Jessica Alfaro: "Artista lang po ako, wala po akong kinalaman sa decision or anything about the case."

IMAGE 0


"So, right now, we're in the talking stage pa lang. Hindi pa ako gumagawa ng desisyon, and my husband is okay with that," says Alice Dixson about TV5's offer for her to stay longer in the Philippines.


Si Alice Dixson ang gumanap noon bilang Jessica Alfaro sa biopic nitong The Jessica Alfaro Story noong 1995.

Si Jessica Alfaro ang naging state witness sa Vizconde murder case, na nagkaroon ng panibagong kaganapan noong December 2010 dahil sa pagbaligtad ng Supreme Court ng naunang desisyon ng dalawang lower courts. Pinalaya ng Supreme Court si Hubert Webb at ang iba pang mga kasama nito pagkatapos ng labinlimang taong pagkakakulong.

Sa live guest appearance ni Alice sa Paparazzi kahapon, January 31, ay tinanong siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang masasabi niya sa pinakahuling kaganapan sa kaso ng Vizconde massacre case.

"Parang long time coming yung decision na yun. And ang masasabi ko, artista lang po ako, wala po akong kinalaman sa decision or anything about the case.

"Nasubaybayan ko na lang nung bago ako dumating. So whatever will be, will be, right?" saad niya sa PEP sa set ng Paparazzi sa TV5 studio sa Novaliches, Quezon City.

Ikinagulat ba niya ang nangyari sa kaso?

"A, maraming bagay na nangyayari na parang hindi na dapat ikagulat. Parang things just happen that way," sagot ni Alice.

May balitang isasapelikula ang kuwento ng buhay ni Hubert. If ever kunin siya para muling gumanap na Jessica Alfaro, papayag ba si Alice?

"I hope wala silang problema sa akin... I mean, sa akin was trabaho lang po 'yon. 'Yon ang pahayag ni Jessica at sinunod lang namin yung kanyang kuwento at saka life story.

"So if Hubert wants me to portray her, or the producers want me to portray her again, I have no problem with that."

Ang role ba bilang Jessica Alfaro ay worth it para balikan niya, if ever nasa Canada siyang muli at ialok sa kanya ang proyekto?

"Kung aalis ako at babalik ulit ako? A, I don't know, hindi ko alam.

"Parang wala sa isip ko 'yan and it would really depend, it would really depend. Hindi ko talaga alam."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DYESEBEL. Isa pa sa sikat na ginampanang role noon ni Alice sa pelikula ay ang Dyesebel. Humakot ng malaking pera sa takilya ang naturang pelikula ng Regal Films nang ipalabas ito noong taong 1990.

Napanood niya ba ang TV series na Dyesebel ni Marian Rivera noong 2008 at ano ang masasabi niya?

"No, hindi. Hindi ko napanood, e. But I know she's beautiful, so I'm sure whatever role she plays, she can carry it," ang sabi ni Alice, na matagal nang naka-base sa Canada kasama ang kanyang mister na si Ronnie Miranda.

STAY LONGER. Kaugnay ng pagbabalik niya, ini-reveal ni Alice na malamang na mamalagi siya rito sa Pilipinas ng mahaba-habang panahon.

"Well, the truth is... heto na—the truth is, TV5 has asked me to stay longer," sabi niya.

Sa pagbabalik-showbiz ni Alice, ang una niyang proyekto ay ang first-ever drama series ng TV5, ang Babaeng Hampaslupa, na ipalalabas na simula Lunes, February 7.

"So, right now, we're in the talking stage pa lang. Hindi pa ako gumagawa ng desisyon, and my husband is okay with that.

"So, kumbaga, nag-usap na kami, and paano ang relationship namin? It will be the same as in 2002; he'll come [here] every, you know, so many months, or I'll go back [sa Canada] so many months.

"Ganun, long distance ang love affair namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN