Piolo Pascual will allow son Iñigo to enter showbiz after high school

IMAGE 0


"Napakahirap ng sitwasyon na 'yan because yung bata, of course, nakikita mo talaga sa kanya na he's very eager to join and to pursue his passion... He wants to get into acting. Marami siyang ina-attend-an na mga workshops. Then, he plays the guitar, he plays piano. He sings... Doon ako natatalo," says Piolo Pascual abou son Iñigo.


Ang alumni ng Sto. Tomas University na sina Charlene Gonzalez-Muhlach at Piolo Pascual ang napiling maging modelo ng Quattromondial momument ng pinakamatandang unibersidad sa Pilipinas.

Sa "Straight From The Heart" segment ng The Buzz noong Linggo, January 30, ay si Piolo ang naging guest ni Charlene.

Tinanong ni Charlene ang kapwa niya Tomasino kung anong naramdaman niya nang siya ang maging modelo ng isang istatwa sa momumento ng UST.

"Actually, maiyak-iyak ako noong ina-unveil ang monument. At the same time, napaka-surreal lang ng pakiramdam. Bronze statue na kamukha mo.

"Anong pakiramdam? Hindi pa rin siya nagsi-sink in. Feeling ko, kahit kailan, hindi siya magsi-sink in," sagot ng sikat na aktor.

"It's really a blessing. Hindi ako naka-graduate and yet they chose me to be part of the four models with you.

"And pinakamalaking blessing ko that night is that they will let me graduate. Of course, given the right requirements and credentials. So, I'm really, really happy about that.

"Even my mom was there. So, I'm very happy nakasama ko rin ang mom ko. At ang sabi niya, 'Anak, sa tinagal-tagal mo sa industriya, ito ang masasabi kong biggest achievement mo.'"

NOAH. Last week na ngayon ng primetime series ni Piolo sa ABS-CBN na Noah.

"Yes, we are on our last week. Monday hanggang Friday. Grabe, ang hirap ng mga eksena!

"I'm really proud, nakatapos na naman tayo ng isang programa. Nakasama ko ang magagaling na bata at mga beteranong artista.

"Most importantly. I'm just really happy na tinangkilik ang palabas nating Noah sa primetime."

Pagkatapos ng Noah, Piolo will be busy with his Valentine concert on February 14. Guests niya rito sina Sitti, Yeng Constantino, at ang Ryan Cayabyan Singers."

PIOLO'S SON. Muli namang binalikan ni Charlene at tinanong si Piolo tungkol sa anak nito na si Iñigo at sa naging duet nilang mag-ama sa birthday celebration ni Piolo sa ASAP. Marami raw kasi ang nagkagusto sa duet nila at may mga fans na rin ang anak ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya ang tanong ay talaga bang insistent si Iñigo to join showbiz?

Ayon kay Piolo, "Napakahirap ng sitwasyon na 'yan because yung bata, of course, nakikita mo talaga sa kanya na he's very eager to join and to pursue his passion.

"Not just... I think hindi education. Sa kanya, sa music. He wants to get into acting. Marami siyang ina-attend-an na mga workshops.

"Then, he plays the guitar, he plays piano. He sings. So, he's very much musically-inclined.

"Doon ako natatakot. Kaya sabi ko sa kanya, 'Anak, just make sure na prioritize mo muna ang pag-aaral mo. You can go to go-see, VTR, but make sure na we can keep your grades high.'"

At what age naman kaya papayagan ni Piolo na mag-showbiz ang anak, na ngayon ay 13 years old na?

"Makatapos muna siguro siya ng high school," sagot ng aktor.

"Yung college, madali na yun. Ayoko naman siyang pigilin kung yun talaga ang gusto niya."

MIRACLE BABY. During the interview, may inabot si Charlene kay Piolo na isang bagay na galing daw sa ina ng aktor, si Mrs. Amelia Pascual. Ang bagay raw na ito ay may significance sa buhay ni Piolo.

Sinabi ni Charlene na isang "miracle baby" si Piolo.

"Totoo 'yan, totoo 'yan," sabi ng aktor.

"Hindi ako huminga for a couple of weeks. E, noong iraraspa na siya, biglang nagkaroon ng heartbeat.

"Tapos ayun, hindi siya puwedeng gawin ng doctor. Ipinanganak ako with two front teeth. "

Ten months daw si Piolo sa sinapupunan ng kanyang ina bago siya isinilang.

"Kasi, tumagal din ako sa tiyan ng nanay ko. Kasi nga, hindi ako humihinga, so they thought patay na ako," banggit niya.

Ang bagay na ibinigay ng nanay ni Piolo sa kanya ay champoy. Ayon kay Piolo, doon daw kasi siya ipinaglihi ng ina.

Bukod sa champoy, meron ding card na iniabot si Charlene kay Piolo na galing din sa kanyang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tila nailang pang basahin on air ni Piolo ang nilalaman ng card noong una, pero naging emosyunal siya habang binabasa ito.

Ito ang nilalaman ng sulat:

"To My Dearest PJ,

"At first, when people come up to me to say that I'm very lucky that I have a son like you, I plainly smile and say thank you. Not giving it a second thought for having you as my bunso was never really extraordinary.

"I've always been proud of you. My six children, actually.

"It only occurred to me several days ago when I saw a replica of you built in UST, your alma mater, honoring you as one of their achievers.

"Anak, at that time, you made me so proud and privileged as your mother. I thought I may have done something really good in this lifetime to have a son like you.

"Keep up the good work, anak. And just continue to shine and consider your own happiness. Give your self more time to enjoy things that make you joyful.

"I love you and I'll always be grateful to be Piolo's mom."

Ayon kay Piolo, hindi raw siya ready sa mga inhinanda ng The Buzz sa kanya. Nagbiro pa itong uuwi na lang daw siya.

Then Charlene asked kung ano naman ang mensahe niya sa kanyang ina.

"I'm just... Hindi naman ako mabubuhay sa mundong ito kung wala ang nanay ko. You know, I wouldn't be who I am, what I am today if not for my mom.

"For the way she brought us up, taking care of me kahit na mag-isa lang siya, when my dad left.

"Never na nag-complain ang nanay ko sa amin. Never niyang ipinakitang nahihirapan siya.

"But she took care of us and, I think, yun ang pinakamalaking blessing sa buhay ko. Kahit hindi kumpleto ang pamilya namin, never na pinaramdam ng nanay ko na may kulang sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And having my mom as my mother, I guess, that's the greatest ever gift na ibinigay sa akin ng Diyos because hindi ako magiging ganito if not for my mom. And I'm really thankful for having a mom na napakabait," saad ni Piolo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN