Regine Velasquez-Alcasid on being married to Ogie: "Ang saya-saya kasi parang mas in love pa ako!"

IMAGE 0


"Ako, happy ako na we decided to live together first. Kasi, parang yun yung adjustment. Lahat ng kailangan naming malaman sa isa't isa, nalaman namin... Actually mga three years 'yon, mga gano'n. After no'n, ang saya-saya lang. Parang honeymoon stage kami forever," says Regine Velasquez about her and husband Ogie Alcasid's decision to live together before getting married.


Regine Velasquez-Alcasid na ang ginagamit na opisyal na screen name ng Asia's Songbird ngayon.

Ikinasal si Regine sa singer-songwriter-comedian na si Ogie Alcasid noong December 22, 2010 sa Nasugbu, Batangas.

Ayon kay Regine, sarili niyang desisyon ang pagdadala ng apelyido ni Ogie sa kanyang pangalan.

"Ako naman ang nagsabi nun, e. Una sa lahat, siyempre proud ako. I want to carry his name.

"Hindi ko naman tinanggal yung Velasquez—I'm Regine Velasquez-Alcasid!" pagmamalaki ng Asia's Songbird sa presscon ng kanyang bagong romantic-comedy series sa GMA-7, ang I You Pare.

Ginanap ang presscon sa Boiler Room sa Riverbanks, Marikina City, kagabi, January 31.

Unang ginamit ng Asia's Songbird ang Regine Velasquez-Alcasid sa kanyang pagbabalik sa Sunday musical-variety show na Party Pilipinas two weeks ago.

Maging dito sa I You Pare ay ganoon na rin ang pagpapakilala sa kanya.

"Actually, hindi niya alam na sa soap din ganyan," banggit ni Regine sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media.

NO ADJUSTMENT NEEDED. Bagamat mahigit isang buwan pa lamang kasal sina Regine at Ogie, ayon sa singer-actress ay wala na silang naging adjustment. Ito ay dahil matagal na silang nagsasama bago pa sila ikasal.

Aniya, "Kasi as soon as we got engaged, just a few months, we lived together na, e. But we were already engaged...

"Kasi, we were really planning to get married. He really wanted to marry me. Kaya lang, nung time na 'yon, we were still waiting for something. So, finally dumating na 'yon, so we got married."

Ang tinutukoy ni Regine ay ang annulment ng kasal ni Ogie sa una nitong asawa na si Michelle Van Eimeren dito sa Pilipinas.

Patuloy ng Asia's Songbird, "Ako, happy ako na we decided to live together first. Kasi, parang yun yung adjustment. Lahat ng kailangan naming malaman sa isa't isa, nalaman namin....

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually mga three years 'yon, mga gano'n. After no'n, ang saya-saya lang. Parang honeymoon stage kami forever."

Wala nang gulatan?

"Wala na," sagot ni Regine. "Feeling ko lang, parang mas... Ang saya-saya kasi parang mas in love pa ako! Nakakatawa nga kami kasi parang walang masyadong nabago. Para kaming mag-boyfriend-girlfriend pa rin, pero mas malalim na do'n."

Mas gumuwapo si Ogie sa paningin niya?

"Forever naman siyang guwapo sa akin!" tawa ni Regine.

Hindi na sila nagkakaroon ng tampuhan?

"Normal naman 'yon," sambit ni Regine.

"Ang napansin ko, ever since we got married, he's more... kasi he's really sensitive naman, e. Pero parang mas conscious siya...

"Parang mas lagi niyang tinitingnan kung okay ako. Nata-touch naman ako."

HAPPY WIFE. Bukod sa nabawasan ang kanyang timbang ay kapansin-pansin ang maaliwalas na mukha ni Regine. Isang senyales na masaya ngayon ang Asia's Songbird.

"That's because I am really happy," nakangiti niyang sabi.

"Siyempre, kasi mas wala akong stress. Wala na akong iniisip. I just have to concentrate on what I'm doing now. I mean, di ba, ito na nga yung pinapangarap n'yo for us? Maski nga kayo pangarap n'yo 'to sa amin, e!

"A lot of people are very happy for us, siyempre lalo na ako. Lalo na kaming dalawa."

Pero sa kabila nito ay medyo nalulungkot si Regine ngayong nagtatrabaho na siyang muli.

"Kasi parang I still don't get to see him [Ogie] as much as I would want to. Kasi busy na ulit ako, e. Hindi kagaya nung after the wedding, talagang we were just together the whole time. We were so happy," saad niya.

Nagbago ba ang priorities niya mula nang ikasal siya?

"Siyempre ganun naman talaga... Although sa ngayon nga, hindi siya yung nagiging priority ko dahil may trabaho ako. Buti na lang very understanding ang asawa ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Regine, may usapan na sila ni Ogie na pareho silang magpapahinga pagkatapos ng kanilang mga naunang commitments.

"Bago pa kami nagpakasal, tinanong ko siya, 'Okay lang ba na I'm still contracted with three more shows? Tapos yung isa [I Heart You Pare] dadating na, na gagawin ko 'to before we get married. Pag mag-asawa na tayo, meron pa 'tong remnant.' Okay lang daw.

"At saka, every now and then, I talk to him. I tell him na... Sometimes I apologize kasi hindi ko siya naaalagaan. But he's very understanding. Minsan magda-drama lang 'yan, 'Oo nga kawawa naman ako.' Pero hindi siya ano talaga, he's okay."

Lalo na siguro pag may baby na sila?

"Sabi niya sa akin pag may baby na, mahihirapan talaga ako. So, sa ngayon na wala pang baby at puwede pa akong magtrabaho, at ina-allow naman ako ng asawa ko...

"Pero siyempre, nag-iingat din ako kasi ayoko din naman yung feeling niya na I'm taking him for granted. As much as I can, pag may time, may oras, I try to really make him lambing, I try to cook for him, I make him alaga. Plus, I talk to him. I tell him talaga na...nag-a-apologize ako sa mga oras na wala ako sa bahay.

"Kasi hindi naman puwedeng i-assume ko lang na porke't itong week na 'to okay siya, next week okay siya. Hindi ba, nagbabago naman ang moods natin, kahit lalake? I have to let him know na 'Naiintindihan ko naman, alam ko naman. So, pasensiya na, nagtatrabaho lang ako.'"

BABY TALK. Siyempre pa, marami na ang nag-aabang kung kailan magkaka-baby sina Regine at Ogie. Sa hiwalay na interview ay sinabi ni Ogie na kailangang magka-baby na sila next year, 2012, kahit na ano ang mangyari.

Ano ang masasabi ni Regine dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I don't want to put pressure on both of us... Pero kung hindi, okay din. Talagang gano'n.

"We're planning it. After this [I Heart You Pare], we're gonna rest. Hopefully makapag-honeymoon."

Nabanggit din ni Ogie na kahit dumaan sa siyensiya ang pagkakaroon nila ng baby ay gagawin nila.

"We're open to that. We have to be realistic," sabi naman ni Regine.

"Pero marami nang ginagawa 'yon, pero hindi naman nagiging successful, e. So, na kay God pa rin 'yon of He wants us to give us a child. It's a blessing."

Tuloy ba ang plano nilang mag-honeymoon sa Italy?

"Sana, sana... Pero parang meron na naman siyang ibang gustong gawin.

"Medyo sa aming dalawa, parang siya yung girl-hindi maka-decide kung saan niya gusto pumunta. Sabi ko sa kanya, 'Bahala ka!'" natatawang sabi ni Regine.

What if she gets pregnant before the honeymoon?

"Then we have to postpone the honeymoon," sagot niya.

May usapan ba sila ng GMA-7 management na hindi muna siya puwedeng mabuntis habang umeere ang I ♥ You Pare?

"Hindi, sila okay lang naman, e," sabi ni Regine.

"Pero me, personally, I don't want to kasi it will be stressful and I'm not that young. I'll have a hard time so I don't want to.

"Sila [production team] naman kasi, kaya naman nila yun, e. Nagagawa naman nila 'yon. Meron na nga ako akong kamukha diyan, e, puwede ko nang double 'yon, di ba? So, okay lang 'yon.

"Walang masyadong pressure sa network at sa work. Personal na lang kasi gusto kong maging disiplinado. Pag dumating yung time na 'yon at mabuntis nga ako, I'll be the one who will have the hard time.

"I don't want to fail the show. I don't want to fail my friends, especially Dingdong [Dantes]. This is our first team-up so we want to really make it big and we want the working relationship to work."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Regine, hangga't maaari ay nag-iingat sila ni Ogie na huwag munang magka-baby habang umeere pa ang bago niyang teleserye sa GMA-7. Pero kung sakali mang biyayaan sila agad ng anak ay tatanggapin nila nang buong-puso.

"Sabagay wala namang makakapag-ano, e. Kung mangyari... But we just have to be extra-careful.

"Sana hindi nga muna, pero hindi mo naman puwedeng... Basta sa ngayon, I'm just trying to take it easy," sabi niya.

SHARON'S NO-SHOW. Samantala, sinagot ni Regine ang tanong ng press tungkol sa hindi pagsipot ng Megastar na si Sharon Cuneta sa kasal nila ni Ogie. Isa si Sharon sa principal sponsors sa kasal.

Nagkausap na ba sila ni Sharon tungkol sa hindi nito pagdalo sa kasal?

"Hindi ko pa siya nakakausap... Kasi nung time na 'yon, hindi ko na 'yon napansin kasi I was just so happy.... Nalaman ko na lang na wala siya do'n after. So, sabi ko, 'Ay, sayang naman!'

"I'm sure she has good reason why she wasn't able to attend," sagot ni Regine.

Hindi nakadalo si Sharon dahil nagkaroon daw ng problema ang isusuot niyang gown. Pero nilinaw ni Regine na walang isyu kung hindi man nakadalo si Sharon.

"It's okay, there's no issue. Basta that day was very special to both of us—Ogie and myself.

"Lahat ng ini-expect namin, pati na yung hindi namin masyadong ini-expect, they're there. May mga taong hindi nakarating, mga nagpasabi naman, kasi may mga dahilan sila na siyempre hindi maiiwasan.

"So, okay na 'yon. Actually, sa akin, walang intriga 'yon. It's fine.

"Let's not try to ruin my memory of it being so happy. It's a happy occasion, let it be," sabi ni Regine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN