TV host-actress Luane Dy admits relationship with I ♥ You Pare co-star Carlo Gonzalez

IMAGE 0


"If ever papamiliin, kung dumating man sa akin ang sitwasyon na yun, hindi ko alam, e. Pero siguro, doon na ako mag-iisip. So far, habang kaya namang pagsabayin, puwede namang dalawa, go lang nang go. Marami namang gumagawa ng ganoon, e," says Luane about hosting and acting. (Inset: Carlo Gonzalez, Luane's boyfriend)


Noong nasa Kapamilya network pa si Luane Dy, ilang acting projects na rin ang nagawa niya. Pero paglipat niya ng Kapuso network, sa hosting siya nalinya.

Kaya naman marami ang nasorpresa nang malamang kasama si Luane sa cast ng bagong romantic-comedy series ng GMA-7, ang I ♥ You Pare, na pinagbibidahan nina Regine Velasquez-Alcasid at Dingdong Dantes.

Pero saan nga ba mas kumportable si Luane—sa hosting o sa acting?

"Siguro sanayan lang," nakangiti niyang sabi. "Kung sanay ka nang humarap sa tao at magsalita, sa hosting, okay ka.

"Sa acting kasi, medyo mahirap kasi yung character na ibibigay sa 'yo, especially if it's not you, kailangan mong aralin, di ba? Kailangang aralin nang maigi.

"Kagaya noong mag-start ako sa I ♥ You Pare, di ba, una, ayaw akong payagan? So, hindi ko talaga alam ang role ko. Then, during the storycon, wala ako ro'n. So, hindi ko alam kung sino ba ako, ano ang gagawin ko. So, medyo hindi na-explain sa akin nang maayos."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Luane sa presscon ng I ♥ You Pare noong Lunes, January 31, sa Boiler Room sa Riverbanks Marikina.

Gusto niya ba talagang umarte?

"Gusto ko, gusto ko siyang talaga. Gusto kong umarte dahil maarte kasi ako!" natatawang biro niya.

"Pero yun nga, kahit sa ABS, nakagawa na ako, like The Wedding and Somewhere in My Heart. Hindi naman bago sa akin ang pag-arte, ngayon lang talaga medyo matagal na nasundan."

Kung pamimiliin siya between acting and hosting, pareho raw niyang gusto ang mga ito.

"Ayoko! Gusto ko dalawa!" natatawa niyang sabi.

"Actually, ako, ang pangarap kong talaga, maging international supermodel. Kulang lang ako sa height. So, wala doon sa dalawa.

"But seriously, if ever papamiliin, kung dumating man sa akin ang sitwasyon na yun, hindi ko alam, e. Pero siguro, doon na ako mag-iisip.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So far, habang kaya namang pagsabayin, puwede namang dalawa, go lang nang go. Marami namang gumagawa ng ganoon, e."

Kung titingnan, tila siya ang ginu-groom ng Kapuso network na sumunod sa yapak o pumalit kay Pia Guanio. Ano ang masasabi niya rito?

"Wow! Talaga? Hindi ko rin alam, e. Pero kung ganoon nga, well, thank you and I'll try to do my best para doon," sagot ni Luane.

SPECIAL SOMEONE. Sa I ♥ You Pare, ang role ni Luane ay ang babaeng pag-aagawan nina Dingdong Dantes at Ian Veneracion, na gumaganap naman bilang magkapatid. Sa kuwento, si Luane ang "true love" ni Dingdong pero kay Ian ito magpapakasal.

Dahil si Dingdong ang lumalabas na love interest ni Luane, hindi kaya siya pagselosan ng girlfriend ng aktor na si Marian Rivera?

"Hindi naman! Sure ako riyan, 100 percent!" natatawa niyang sabi.

Dahil sa kanyang naging sagot, tinanong ng PEP si Luane kung may special someone na ba siya.

"Oo naman! Bago pa lang kami, as in this year, as in this January," sabi ni Luane.

Tila pahulaan pa noong una kung sino ang tinutukoy ni Luane na boyfriend niya. Hindi raw ito non-showbiz so that means taga-showbiz ito.

Kung taga-showbiz din ang boyfriend niya, bakit parang hindi yata sila naiisyu?

"E, kasi, ngayon pa lang, bago lang kasing talaga," sagot ng TV host-actress.

Until finally, inamin din ni Luane na ang boyfriend niya ay si Carlo Gonzalez, na kasama rin sa cast ng I ♥ You Pare.

Sa taping lang ba sila nagka-debelopan ng pinsan ni Dingdong?

"Hindi, actually kasi, we have common friends, so medyo matagal na rin kaming magkakilala. Siguro noong time na nagkakilala kami, medyo you could say as love at first sight, pero hindi tinuloy. Siguro noon, parang kaka-break lang din namin sa mga churvaness," saad ni Luane.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN