Theater actress Via Antonio steps into the boobtube to play Regine Velasquez-Alcasid's best friend in I ♥You Pare

IMAGE 0


"I am just taking everything one step at a time lang po. Kasi, kahit naman po off-cam, maingay naman po ako. Kung ano ang napi-feel ko that time, ganoon lang," says Via Antonio.


Ipinapakilala sa bagong primetime series ng GMA-7 na I ♥You Pare ang theater actress na si Via Antonio.

Sa presscon ng show noong January 31 sa Boiler Room sa Riverbanks Marikina unang nakasalamuha ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Via. Pero ayon sa mga nakapanood na sa kanya sa entablado, magaling daw magpatawa ang bagong komedyana.

Sa I ♥You Pare, bilang Polly at best friend ni Regine Velasquez-Alcasid (bilang Tonya) ang role na ginagampanan ni Via, na graduate ng Theater Arts sa University of the Philippines.

Paano ba siya napasali sa cast ng I ♥You Pare?

"Sa teatro po kasi, wala rin po akong tigil. Hanggang sa inimbitahan po ako nila Kuya Andoy [Ranay], nila Kuya Otep [Boncalan] na mag-audition for the role of Polly, yung baklang babae. And yun po, I got in," kuwento ni Via.

Si Andoy Ranay ang direktor ng I ♥You Pare kasama si Joyce Bernal.

Unlike other comedians, hindi raw naranasan ni Via ang maging stand-up comedienne sa kahit anong comedy bar.

"Hindi po, e. Parang ini-invite lang po ako or madalas po akong ma-cast sa mga roles na kailangan ng energy. Pero wala pa po yung as stand-up comedienne.

"Pero dito po sa I ♥You Pare, nag-audition po ako. Mahabang proseso rin po yun. Matagal din po ang hinintay na resulta," saad niya.

Dahil nagsimula siya sa teatro, pinangarap din ba niya talagang pasukin ang telebisyon at maging ang pelikula?

"Kasi po, yung pagiging freelance, pagka-graduate ko, siyempre gusto kong i-try lahat. So, nag-aral po ako ng lahat para kahit saan ilagay, puwedeng mabuhay. Nag-dance school ako, voice lesson...

"So, pagdating ko po ng college, lalo na noong nag-graduate, parang gusto ko na rin pong subukan ang TV and film po para kahit saan na.

"Ngayon, nagugustuhan ko naman po ang mundo. Enjoy po, lalo na sa set," sabi ni Via.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


REGINE VELASQUEZ. Ano ang pakiramdam na ang una niyang TV project ay pang-primetime agad at best friend pa ni Regine Velasquez ang role niya?

"Sobrang overwhelming po," sambit niya. "Ever since I got the text message that I got in, yun na, wala... Lahat po ng nangyari ngayon, blessing."

Kumusta sila ni Regine?

"Mabuti po," nakangiti niyang sabi, sabay pakita ng kanyang suot na sapatos.

"Ito pong sapatos na ito ay kabibigay lang po niya kanina," banggit ni Via.

"Hindi pa nga po ako nakaka-move on dun. Ibinigay niya po sa akin kasi magka-size pala kami ng paa. Tinanong lang niya, 'A, Vi, size 6 ka, di ba?' Sabi ko, 'Oo, bakit?' Tapos, binigyan niya ako ng three pairs of shoes!"

Close na sila?

"Getting there. Siyempre po, timpla-timpla. Kapag magkasama, nagba-bonding kami. Lalo na po yung Vigan, ilang araw kami do'n.

"At saka yung unang eksena namin, yung huli naming kita, storycon. Ang eksena agad namin, close agad. As in yung matinding chemistry. So, hanggang ngayon, bini-build at bini-build pa rin ang chemistry."

Ano ang mga na-discover niya kay Regine nang nagkatrabaho na sila, lalo na't kilala lang niya noon ang singer-actress bilang Asia's Songbird?

"Hindi ako masyadong Regine fanatic noon," pag-amin ni Via. "Pero ngayon, parang totality of talents and good heart talaga.

"At saka, wala po akong problema sa lahat ng cast. Lahat po sila kalog, lahat sila hardworking."

THE NEXT EUGENE DOMINGO? Ipinarating ng PEP kay Via ang obserbasyon ng ilan na magaling siyang komedyante. May nagsasabi rin na posibleng siya ang pumalit o sumunod sa yapak ni Eugene Domingo bagamat nagsisimula pa lang siya.

Anong reaksiyon niya rito?

"Naku, wala naman po siguro akong papalitan! Dagdag lang po ako sa masasayang tao sa Kapuso. Kasi, di ba, magkakaiba naman po?" sabi niya.

May pressure ba sa kanya na ngayon pa lang ay ikinukumpara na siya kay Uge?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung idea po. Pero marami po ang nangangantiyaw, pero sinasabihan ko sila, 'Ano ba kayo, baka maudlot!" natatawa niyang sabi.

"But I am just taking everything one step at a time lang po. Kasi, kahit naman po off-cam, maingay naman po ako. Kung ano ang napi-feel ko that time, ganoon lang."

Ayon pa kay Via, magkakilala sila ni Eugene.

"Senior po namin sila sa theater. Best friend pa po siya ni Direk Andoy Ranay. Nagkakatrabaho na rin po kami dati."

Nagkita na ba sila ni Uge ngayong Kapuso na rin siya?

"Nag-FB [Facebook] po siya kanina sa akin. Sabi niya, masaya siya sa akin. Ganoon po. Tapos, nagkikita kami palagi sa Taumbayan," banggit ni Via.

Si Uge ba ang isa sa mga iniidolo niya o gustong tularan ngayong nasa showbiz na rin siya?

"Dati pa po akong inspired sa mga pinagdaanan niya. Kasi, Theater Arts major din po siya at hindi rin po naging madali ang hinintay niya.

"So, sa tiyaga po, kapag minsan, parang nanghihina na ako. Ito ba talaga ang gusto ko? Kasi minsan, parang aatakihin ka ng ganoon bago ka matulog.

"Pero kapag nakikita ko siya, isa siyang epitome sa akin ng tiyaga, sipag at disiplina rolled into one. Sobrang grateful ako na kilala ko siya," pahayag ni Via.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN