Sen. Antonio Trillanes IV flattered by Sen. Miriam Defensor-Santiago's compliment that he is the "most handsome senator"

IMAGE 0


"My life has yet to unfold. Siguro nasa first chapter pa lang tayo. I still have to prove a lot and do...at least, fulfill my duties as a senator first," says Senator Antonio Trillanes IV about making his life story into a movie.


Para na ring artista si Senator Antonio "Sonny" Trillanes IV sa naging welcome sa kanya ng entertainment press sa presscon na ibinigay ni Mother Lily Monteverde para sa kanya, kasabay ng selebrasyon ng Chinese New Year, kagabi, February 2.

Ginanap ang presscon cum Chinese New Year party sa Imperial Palace Suites, Tomas Morato, Quezon City.

Ayon kay Mother Lily, proud na proud siya sa paglaya ng senador, na nakulong ng pitong taon dahil sa kanyang pamumuno sa Oakwood mutiny noong 2003. Dati raw kasi ay binibisita lang ng Regal matriarch ang senador sa kulungan.

Isa si Mother Lily sa tumulong sa kampanya ni Sen. Trillanes noong 2007 elections habang nakakulong ito.

"REGAL BABY." Kaya kung isasapelikula man daw ang buhay ni Sen. Trillanes, hindi malayong sa Regal Films niya ibigay ang rights nito.

Pero ayon sa senador, "My life has yet to unfold. Siguro nasa first chapter pa lang tayo. I still have to prove a lot and do...at least, fulfill my duties as a senator first."

Nagpasalamat si Sen. Trillanes kay Mother Lily na mula umpisa ay sinusuportahan siya.

"Alam n'yo po, lahat po, natatakot na dumikit sa amin. Pero si Mother Lily, she never wavered and she showed a lot of courage and conviction in supporting as well. And for that, kaya naman po noong inimbitahan niya ako ngayong gabi, we really had to come and to repay, suklian yung kanyang suporta at tiwala sa amin.

"Maraming salamat po kay Mother Lily and sa entertainment industry who supported us all this time," saad niya.

Ayon kay Mother Lily, si Sen. Trillanes ang bago niyang Regal Baby. Kaya tinanong ng press ang senador kung may plano ba siyang mag-artista. Kung sakali, ano kayang klaseng movie ang gusto niyang gawin?

"Alam n'yo po, kung meron lang akong talent, why not? Kaso, talagang I'm not wiped for that. But I'm flattered, coming from Mother Lily, to be considered as an actor-material. Pero talaga pong hindi natin linya. Pero salamat po," nakangiting sagot ng 39-year-old senator.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung magiging Regal Baby siya, sino kaya ang gugustuhin niyang maging leading lady?

"Alam n'yo po, ang Regal babies, mga '80s po 'yun, that was my generation actually. And naaalala ko ho no'n, sila Gretchen Barretto, I think. Pero ano ho 'yan... My wife is here!" natatawa niyang biro kaya si Gretchen na lang ang nabanggit niya.

"MOST HANDSOME SENATOR." Siyempre pa, kinuha rin ng entertainment press ang reaksiyon ni Sen. Trillanes tungkol sa deklarasyon ni Senator Miriam Defensor-Santiago na siya ang "most handsome senator."

Sinabi ito ni Sen. Santiago pagkatapos ng sponsorship speech ni Sen. Trillanes para sa kanyang Senate Bill No. 2671, o Act Strengthening the Career Executive System, sa Senado kahapon, February 2.

Pagkatapos ng speech ni Sen. Trillanes ay tumayo si Sen. Santiago at pumunta ng rostrum at sinabing, "I noticed that Senator Trillanes is the youngest and the most handsome senator."

Pero dugtong din ng lady senator, napansin niyang "apprehensive" si Sen. Trillanes na hindi man lamang ito ngumingiti pag nagkakasalubong sila sa hallway ng Senado.

Kaya sabi ni Sen. Santiago, "I wanted to propose that he would look even better if he attempted to smile once in a while."

Ano ang masasabi ni Senator Trillanes sa naging papuri na yun ng kapwa niya senador?

"Well, I was flattered by the compliment of the good senator, Senator Santiago. But of course, she qualified that most handsome senator—standing. And I was the only one standing then.

"But, of course, the compliment was well received and I thank the good senator for that."

THE NEXT PRESIDENT? May nagsasabi rin na dahil sa popularidad ngayon bi Senator Trillanes ay posibleng siya na ang susunod na maging Presidente ng Pilipinas. Kung sakali, ano kaya ang una niyang magiging agenda sa kanyang administrasyon?

"I'm placed on the spot there!" natawang reaksiyon niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ano po, even as a senator, I believe the agenda remains the same. This country needs to have peace and order dahil masyado ho na magulo ang ating bansa. Hindi lang sa Mindanao, but everywhere. There are kidnapping, carnapping, and, of course, insurgencies.

"Hindi ho natin ma-enjoy ang buhay kapag walang peace and order. So, I don't have to be the President of the country to push for that."

Kung hihingan siya ng advice ni President Noynoy Aquino, ano kaya ang maipapayo niya rito?

"My advice would be to sit down and plan or craft a vision for this country and, after that, maybe we can craft or formulate the necessary plan to actualize that vision.

"So, yun po ang sa palagay ko kulang po ngayon. But I would assume na ginagawa na po yun ngayon," sagot ni Senator Trillanes.

Ano naman ang masasabi ni Senator Trillanes sa komento ng ilan na dahil kay PNoy kaya siya nabigyan ng amnesty?

"Of course po, we are indebted deeply kay President Aquino for his magnanimity na nagbigay ho siya ng amnesty sa amin, sa buong grupo namin, despite the fact na hindi naman po siya ang sinuportahan namin noong past election.

"It shows a lot about the man. Say what you must about him but he's a good man," sagot niya.

Pero gaano ba kahirap sa loob ng kulungan at ano ang pakiramdam ngayong nasa labas na siya?

"Actually, yung freedom ho, when we were detained, kinondisyon na ho namin. It was actually a state of mind na kahit nasa kulungan ka, you can still be happy, e.

"So, yun po ang bottomline, the secret kung bakit kami umabot ng pitong taon. By not engaging or indulging in self-pity, so we tried to make the best of what we had back then."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN