Dingdong Avanzado says marriage with Jessa Zaragoza is on steady ground

IMAGE 0


Singer-songwriter Dingdong Avanzado assures the public that all's well between him and wife, Jessa Zaragoza. Dingdong is actually lending his support to Jessa's upcoming Valentine's Day concert at the Bellevue Manila in Alabang.


"I think 2011 will be a banner year for OPM."

Ito ang positibong pahayag ng singer-songwriter na si Dingdong Avanzado nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong February 3 matapos ang press launching ng KLIK o Kulturang Lahi Inuuna Ko sa Max's restaurant sa Scout Tuazon, Quezon City.

Ang KLIK ay isang programa na magkatuwang na itinaguyod ni Taguig 2nd District Representative Freddie R. Tiga at ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM).

Layunin ng KLIK na isulong ang pagpapalaganap ng musikang Pilipino sa hanay ng mga estudyante. Ito'y sa pamamagitan ng reporma sa music curriculum na kasalukuyang umiiral sa mga pampublikong paaralan.

Kasama si Dingdong sa kumatawan sa OPM—ang grupong naglalayong protektahan ang kapakanan ng mga local singers at songwriters.

Present din during the event ang tumatayong presidente ng organisasyon na si Ogie Alcasid, folk singer-songwriter Noel Cabangon, at respetadong composer at arranger na si Ryan Cayabyab.

Bukod sa paglulunsad ng KLIK ay inanunsiyo din ang House Bill na ipinasa ni Congressman Tiga na naglalayong pagaanin ang ipinapataw na buwis sa entertainment industry. (CLICK HERE to read related article.)

"I'm glad there are lawmakers who are already aware. The next step is really making the other players involved like advertising, TV, and the nice thing about this is sometimes they're the ones coming to us," masayang kuwento ni Dingdong.

"Nakakatuwa, ang sabi nga namin with all these people coming together, I think it will be achieved. The end result naman nito is really to uplift Philippine culture through music, which is the pinaka-best way talaga."

ROOTED IN CULTURE. Malaking bagay ang ipinapasang batas ngayon sa Kongreso na kung saan pagtitibayin ang pagtuturo ng musikang Pilipino sa mga pampublikong paaralan para magkaroon ng mas malawak na pagpapahalaga dito ang mga kabataan.

Ginawang ehemplo ni Dingdong ang Korean pop music na mas kilala sa bansag na K-Pop.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pumatok nang husto ang K-Pop sa buong mundo dahil na rin sa suporta na nakuha nito sa gobyerno ng South Korea at sa matinding suporta na ibinigay ng mga Koreano.

Hindi kalaunan ay nakaakit na din maging ng mga foreign listeners ang K-Pop.

"What happened to K-Pop — that is a government-led initiative. [Sana] they [Philippine government] could pump in funds and then impose regulations. To quote Jim Paredes who said, 'How can we expect to be big internationally if we're not big in our own country?'

"So, dito talaga. There has to be a movement or that drive, which I think is happening right now, para ma achieve natin 'yon.

"Government plays an important role because sila 'yong nagse-set ng policies and mga batas na kailangan," paliwanag ni Dingdong na siyang nagpasikat ng mga awiting "Tatlong Beinte Singko," "Hindi Mo Na Ba Minamahal?" at "Basta't Kasama Kita."

Naniniwala siya na dapat magsimula muna dito sa atin ang pagtangkilik sa ating sariling musika bago natin matagumpay na mailako ito sa ibang bansa.

"This is what happened with Korea. They embraced globalization pero ang ginawa nila pinag-ibayo nila ang music nila sa sarili nilang bansa; rooted pa rin sa culture nila.

"Ang ginawa namin ngayon through KLIK and OPM is ibinababa na natin ngayon sa kabataan. Para bata pa lang sila na-a-appreciate na nila ang Pinoy music."

VERY MUCH TOGETHER. Walang concert sa mismong Valentine's Day si Dingdong pero manonood naman siya ng concert ng asawang si Jessa Zaragoza sa February 14 na gaganapin sa Bellevue Manila sa Filinvest Corporate City, Alabang.

At dahil tiyak na manonood at susuportahan ni Dingdong si Jessa sa kanyang concert ay nangangahulugan lang na very much together pa din ang mag-asawa sa kabila ng hindi matapos-tapos na intriga na nagkahiwalay na sila.

"I guess 'pag nasa limelight ka, people always speculate. Ang dami namang couples, hindi lang naman kami ang sinasabing may problema. Si Brad Pitt nga tsaka si Angelina Jolie laging sinasabing maghihiwalay na," natatawang sabi ni Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lahat naman ng relationship meron talagang dinadaanang problema and we've had our moments na our relationship is put to the test. But like any couple committed to their marriage, we are committed into making our relationship work and so far we're okay."

Itong darating na Marso ay tenth year anniversary na nila Dingdong at Jessa bilang mag-asawa.

"Siguro naman we've stood the test of time," pahayag ng singer-songwriter.

"Sana lang, hindi ko naman masasabi na ano, but as long as we're committed to making this relationship work, I think we will manage to last."

Nabanggit din ni Dingdong ang nangyari noong 50th birthday celebration ng controversial host na si Willie Revillame na kung saan may mga nakapansin na hindi sila sabay na dumating ni Jessa sa Makati Shangri-La Hotel na siyang venue ng party.

"'Yong usap-usapan na kesyo daw kung ano bang nangyayari sa amin? Like there's this recent event na kasi hindi kami dumating together meron daw nag-comment na 'Ano bang nangyayari sa kanila?' 'Yong mga ganun ba lalagyan agad ng meaning? Pero siyempre hindi naman ganun talaga."

BABY WISH. Kung si Dingdong ang tatanungin ay gusto sana niyang magkaroon na ulit sila ng baby ni Jessa.

Sa kasalukuyan ay seven years old na ang kanilang panganay na si Jayda.

Hindi pa nga lang puwede at this point dahil may mga pending commitments pa si Jessa at mahihirapan lang daw itong mag-promote kung buntis.

"May project kasi si Jessa, 'yong original album niya is going to come out this year. So, after that, hopefully... I feel also that it's time na [to have another baby].

"But I want na magawa niya 'yong album na 'yon. May mga pinaplano nga kasi for Jessa's career and I understand that," bulalas ni Dingdong.

"Nag-uusap kami ng manager niya. Lahat naman maipaplano. Hopefully, malay mo next year, you'll never know. Honestly ako, gustong-gusto ko na. But I also realize that Jessa's working hard on her album and itong sa career niya ngayon, it means a lot to her so I understand."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WORKING ON A NEW CD. Umaasa naman si Dingdong na makakapaglabas siya ng bagong album this year matapos ang ilang taon na pananahimik sa recording scene.

Taong 2003 pa nang huling lumabas ang album ni Dingdong under Star Records na may pamagat na Here to Stay.

Hopefully daw ay matuloy na ang meeting niya with Viva Records next week para mapag-usapan nila ang mga detalye na kailangan para sa album.

"We haven't started yet. That album has been pushed back, pushed back... Sana this year, we're trying to come out with an album containing original works. Even 'yong mga past original works, ire-rehash, along with 'yong mga bagong songs that I wrote," sabi ni Dingdong.

"Also, to champion our cause, we want original materials out there. We have to write new songs and that's what I'm trying to do."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN