Dominic Zapata surprised by rumor linking him to Eugene Domingo; "very happy" for ex-girlfriend Krista Ranillo

IMAGE 0


"Before Krista [Ranillo], I only had one girlfriend. Matagal din. Tapos no'ng nawala yun, mga two years din akong bakante. I wasn't really looking for it... Dalawa lang yung naging girlfriends ko. One was in college and Krista," says director Dominic Zapata.


Nagulat ang direktor na si Dominic Zapata sa isyung nagkakamabutihan na raw sila ni Eugene Domingo, host ng idinidirehe niyang gag show sa GMA-7, Comedy Bar.

Magkasama rin sina Direk Dominic at Eugene sa trilogy movie ni Richard Gutierrez na My Valentine Girls, pero ang episode nina Richard at Rhian Ramos na "Soulmates" ang idinirehe ni Direk Dom.

Ang episode nina Richard at Eugene na "Gunaw" ay idinirek ni Chris Martinez. Samantalang ang episode naman na kasama sina Lovi Poe at Solenn Heussaff ay may titulong "BBFF" ay idinirek ni Andoy Ranay.

EUGENE DOMINGO. Ang alam ni Direk Dom ay gawa-gawa lang ang tsismis sa kanilang dalawa ng premyadong komedyana. Pero malaking kuwestiyon sa kanya kung saan galing ang ideyang i-link silang dalawa ni Eugene.

"Hindi ko nga alam, e, pinauso lang yata nila 'yan e," nakangiting sabi ni Direk Dom nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng My Valentine Girls kagabi sa Imperial Palace Suites, Tomas Morato Ave., Quezon City.

Ngiti rin ang isinagot ng direktor sa tanong ng PEP kung totoo ba o hindi ang tungkol sa kanila ni Eugene. Pinuna namin ang hindi niya pagsagot na baka hindi niya gustong ma-link kay Eugene.

"Hindi, natatawa lang talaga ako!" paliwanag niya. "Kasi baka may pinaninindigan sila at baka masagasaan ko kung ano yung pinaninindigan nila."

Hindi naman lingid sa marami na ang pinakahuling nakarelasyon ni Direk Dominic sa loob ng maraming taon ay si Krista Ranillo.

Naging kontrobersiyal pa nga ang hiwalayan nila dahil sa balitang ipinagpalit siya ng sexy star sa boxing superstar na si Manny Pacquiao. Pero ngayo'y tahimik nang namumuhay sa U.S. si Krista sa piling ng kanyang mister na si Jefferson Nio Lim.

Mula sa isang tipo ni Krista Ranillo, hindi ba papasa sa kanya ang isang Eugene Domingo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"A, madalas, wala naman akong...there's no certain type. Minsan may tsinita, minsan yung ganito ang 'itsura. Wala akong gano'n.

"Alam kong naseseksihan ako, alam kong nagagandahan ako. Pero yung tipo na kung ano yung typical na standard or qualities, wala ako no'n. Basta, na-attract ako," sabi niya.

Papasa ba ang isang Eugene Domingo sa panlasa niya?

"Oo ba! She has a great personality," agad niyang sagot.

Nagkataon lang ba na hindi lang sila magkasama sa trabaho kundi magkaibigan din sila kaya hindi sila talo?

"Hindi naman. Kumbaga, may hinahanap ka ring spark, e," sabi niya.

STILL LOVELESS. Pagkatapos ng relasyon nila ni Krista Ranillo ay loveless pa rin daw hanggang ngayon si Direk Dominic.

"Wala, e. Pero I guess that's all right. Sa totoo lang, lagi kong sinasabi na ang sarap makabalik sa magulang. Ang sarap yung dini-date ko yung magulang ko.

"Kasi ngayon, at this point in my life, wow, ang dami kong na-experience and na-realize ko na, 'Uy, yung magulang ko, never nilang na-experience ito.'

"Kasi pinag-aral kami. Eto na lang yung balik ko sa kanila at kung ano yung na-experience ko, gusto ko ma-experience nila," na ang gusto niyang tukuyin ay ang maginhawang buhay na tinatamasa niya ngayon.

Gaano na siya katagal walang love life?

"Two years na... That's fine," kibit-balikat niya. "Gano'n talaga.

"Before Krista, I only had one girlfriend. Matagal din. Tapos no'ng nawala yun, mga two years din akong bakante. I wasn't really looking for it...

"Dalawa lang yung naging girlfriends ko. One was in college and Krista."

KRISTA RANILLO. Ano ang masasabi ni Direk Dom na maganda naman ang buhay ngayon ni Krista sa piling ng kanyang asawa at buntis ito ngayon?

"I'm really happy for her," sabi ng direktor. "Kasi hindi mo naman maiaalis sa akin na mag-alala sa kanya, di ba? Nasanay na ako all these years, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero no'ng nakita kong meron na siyang asawa, magkakapamilya na siya, alam kong hindi mo na aalalahanin. Kasi kung walang pinatunguhan ang buhay niya, at the back of my mind, when I'm alone, 'Nasaan na siya? Ano na kayang mangyayari sa kanya? Hindi ko na siya maaalagaan.'

"Ngayon, it helps me knowing na, 'Ay, may mag-aalaga na sa kanya. Okey na siya kung nasaan na siya.' So, I don't have to worry about that."

Ibig bang sabihin, kung hindi okey si Krista ay puwede niya itong balikan at alagaan uli?

"Hindi siguro balikan, pero yung para alam ko lang na okey siya, para alalahanin ko siya, yung gano'n.

"Iba yun, e. Iba yung gano'n, e, na inaalala mo kung ano na ang mangyayari dito. Sana palagi mong ipagdadasal na sana magkaroon na siya ng ano...she would be able to move on. Gano'n.

"Ngayon, okey na ako. Hindi ko na kailangang alalahanin kung ano ang mangyayari sa kanya," saad niya.

Nagkaroon ba uli ng effort na magkausap sila kahit may asawa na si Krista?

"Effort on my part na magkausap kami? No. Kasi bago siya nag-abroad no'n, nagkausap naman kami. Tapos, inayos na namin ang lahat and I just take my two-cents worth and that was it," paliwanag ni Direk Dom.

CAPTAIN BARBELL. Samantala, ang bagong TV project ni Direk Dominic sa GMA-7 ay ang pagbabalik sa telebisyon ng Captain Barbell na si Richard Gutierrez pa rin ang bida.

Hindi raw makaalagwa ng tapings ang production ng Captain Barbell dahil abala si Richard ngayon.

Inaasahan niyang pagkatapos ng showing ng pelikula nilang My Valentine Girls ay magkakaroon na ng mas maraming oras para sa taping ng bago nilang serye.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN