Carlo Gonzalez on relationship with TV host Luane Dy: "Wala kaming kailangang itago. Wala kaming pretensions sa isa't isa."

IMAGE 0


"Kung may makita sila sa akin, sa sarili ko na puwede kong mabigay sa character, mapapanindigan ko, kaya ko. Regardless kung package deal or hiwalay, kasi nagawa ko na rin namang pareho. I deliver, that's what I can say," says Carlo Gonzalez.


Nagbiro ang character actor na si Carlo Gonzalez na itinaon talaga nila ng girlfriend na si Luane Dy ang pag-amin tungkol sa kanilang relasyon sa grand launch ng I ♥ Heart You Pare noong Lunes, January 31.

Pareho kasing kasama sina Carlo at Luane sa romantic-comedy series ng GMA-7 na pinagbibidahan nina Regine Velasquez-Alcasid at Dingdong Dantes.

Pero binawi rin ito ni Carlo at sinabing, "Biro lang po. Bago pa lang po kami, mga second or third week of January pa lang."

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Carlo kung napag-usapan ba nila ni Luane na umamin agad at huwag nang mag-deny tungkol sa kanilang relasyon.

"Wala kaming napag-usapan. Kumbaga, katulad nito, nakorner n'yo ako," natatawa niyang sabi.

"But seriously, wala kaming napag-usapan kung ano ang gagawin namin—kung aaminin namin or hindi. We just go with the flow.

"Kasi, doon naman nagsimula ang ano namin... Kumbaga, given that short time, e, nag-e-enjoy kami. Yun lang naman ang mahalaga ro'n.

"So, wala kaming kailangang itago. Wala kaming pretensions sa isa't isa," saad ni Carlo.

CHARACTER ROLES. Last year lang nagsimula sa kanyang showbiz career si Carlo, pero nakatatlong primetime series na siya sa Kapuso network: Stairway to Heaven, Langit sa Piling Mo, at itong ngang I ♥ Heart You Pare.

This time, may pagka-kontrabida naman ang character na ginagampanan niya.

"I play the role of Caloy. Right hand of Sonny Boy [Antonio Aquitania]. Bale ako ang naghahanap sa pumatay sa girlfriend niya. Masaya naman ako sa character ko dahil ibang-iba naman siya sa mga previous na nagawa ko na," sabi niya.

Natutuwa raw siya dahil palaging may naibibigay na show sa kanya ang GMA-7.

"Thankful ako sa GMA, kay Ms. Lilybeth Rasonable, kay Ms. Hazel [Abonita], yung pakikitungo nila sa akin, parang ang tagal-tagal ko na sa kanila at wala akong masabi. Walang right word to express my gratitude to them," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PACKAGE DEAL WITH DINGDONG. Dalawa sa shows niya ay ang pinsan niyang si Dingdong Dantes ang bida—Stairway to Heaven at I ♥ Heart You Pare. Hindi raw isyu sa kanya kung isipin ng ilan na parang napa-package deal siya kay Dingdong.

"I don't mind," sabi ni Carlo. "Kasi para sa akin, sa sarili ko, I can proudly say, or puwede kong sabihin sa sarili ko, I'm worth giving a try.

"Kumbaga, kung may makita sila sa akin, sa sarili ko na puwede kong mabigay sa character, mapapanindigan ko, kaya ko. Regardless kung package deal or hiwalay, kasi nagawa ko na rin namang pareho. I deliver, that's what I can say."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN