Gerald Santos feels at home on TV5; has a new, youth-oriented variety show

IMAGE 0


Gerald Santos will perform in Luv Haus, a pre-Valentine concert on February 5, 9p.m. at Zirkoh on Tomas Morato, Quezon City. Appearing with him are Angelica Panganiban, Luningning, Jose Manalo, Wally Bayola, and the Knights Band.



Bagamat hanggang February 20 na lang ang musical-variety show na PO5 (Party On 5) sa TV5, kasali pa rin ang Prince of Ballad na si Gerald Santos sa nilulutong bagong youth-oriented show na ipapalit dito tuwing Sunday.

Isa siya sa magiging regular host/performer pero hindi pa puwedeng banggitin ang titulo ng show.



"Malungkot po ako na mawawala na ang PO5 dahil masarap po ang bonding namin dun. Masaya kasi ang samahan dun. Mababait ang mga artista ng Singko," deklara ni Gerald nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa rehearsal ng kanyang pre-Valentine concert ngayong gabi (February 5) at 9 p.m. sa Zirkoh, Tomas Morato sa Quezon City.

Kasama niya sa concert na pinamagatang Luv Haus sina Angelica Panganiban, Luningning, Jose Manalo, Wally Bayola, and the Knights Band.



"Benefit show ito para sa Child Haus. Gusto ko rin kasi makatulong sa mga batang may kanser na nasa kandili ng Child Haus. Nabalitaan ko po kasi na hinahanapan na sila ng bagong matitirhan dahil ibebenta na ang property na tinutuluyan nila sa PCSO," sabi ni Gerald.



Ayon sa champion ng Pinoy Pop Superstar Season 2, wala siyang special date sa Valentine's Day dahil may concert siya sa Technowave, Tomas Morato titled On the Wings of Love. Mga fans muna raw ang ka-date niya sa araw ng mga puso.

"Doble po ang efforts namin ngayon. Focus muna sa career. Yung love life naman po ay darating naman yan," aniya.

Wala ba siyang girlfriend?

"Nagka-girlfriend po ako, two years kami at non-showbiz siya. Nung mga panahong yun, nasa SOP lang po ako. Kumbaga may time po ako sa kanya," kwento niya.

Bakit dalawang taon lang ang inabot ng relasyon nila?



"May mga hindi pagkakaintindihan po. Personal differences. At saka sa work po, medyo hindi niya naiintindihan yung mundong ko. Nila-love team ako sa ganito. Nagseselos," pagtatapat pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Paano kung pabalikin siya ulit ng GMA-7 dahil wala pa naman siyang exclusive contract sa Kapatid Network?



"Wala namang problema na magtrabaho ako sa kanila. Depende po. Pag-usapan po namin ng manager ko," sagot ni Gerald.



Pero paano kung ang kondisyon ay iwanan niya ang TV5?



"Sa ngayon po ay hindi po. Noong mga panahon na kailangan po namin ng bahay, sila po ang kumupkop sa amin. Parang bahay ko na po ang TV5. May utang na loob po ako sa kanila," aniya.



Mas malaki ba ang talent fee niya sa TV5?



"Opo," mabilis niyang sagot.



PINAKAHIHINTAY NA ALBUM. Maganda ang pasok ng 2011 kay Gerald Santos.



Ilo-launch na ang kanyang music video para sa carrier single niyang "Ang 'Yong Pagmamahal" para sa album niyang Gerald Santos: Pinakahihintay, The RePackaged Edition under Prinstar Music Phil at distributed ng Polyeast Record.



May mga mall tours siya para sa kanyang album: Feb. 11 - SM Bicutan; Feb. 12 - SM Lucena; Feb. 19 - SM Las PiƱas; March 4 - Davao; March 11 - Cebu; March 18 - Iloilo; April 2 - Bacolod; April 9 - Cagayan de Oro.



Wish niya para sa 2011 ay mapagtuunan din ang kanyang acting. Gusto niyang magkaroon ng serye bukod sa bagong musical-variety show niya.

"Willing talaga akong umarte. Gusto ko umarte," saad niya.



Gerald protrayed his own life story sa Magpakailanman. Nakasama rin siya sa seryeng, I Luv NY.



"Nami-miss ko yung acting.Masarap din ang experience," aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN