Sarah Geronimo stresses she will remain a Kapamilya; she's clueless about alleged offer from TV5

IMAGE 0


Umiwas si Sarah Geronimo sa tanong ng PEP kung bakit mukha siyang masaya at blooming ngayon. "Blooming lang kasi itong damit ko. Pinasuot ni Mommy. Masaya naman po ako talaga sa lahat ng nangyayari sa buhay ko," ang sabi ng Pop Princess.


Kahit pa pumirma na si Sarah Geronimo ng one-year contract sa ABS-CBN noong September 2010 ay hindi pa rin mamatay-matay ang mga usap-usapan na lilipat umano ang Pop Princess sa TV5.

Kaya naman mariin nang itinanggi ni Sarah ang isyung ito sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press sa isang event para sa Maaga ang Pasko ng Jollibee ngayong umaga, February 8, sa Mandarin Oriental Hotel sa Makati City.

"Basta hindi po, hindi po totoo," saad ng Kapamilya singer na mina-manage ng Viva Artists Agency.

Dagdag ni Sarah, hindi niya alam kung totoo ngang may offer ang Kapatid Network sa kanya.

"Hindi ko po alam. Tanong n'yo po kay Boss Vic kung meron," sabi ni Sarah, na ang tinutukoy ay ang big boss ng Viva na si Vic del Rosario.

Pagpapatuloy ng batang singer at aktres, "happy" naman siya sa network niya ngayon.

"Siyempre, katulad nga po ng sinasabi ko, magmula nang pumasok ako sa ABS-CBN, iba na yung pag-aalagang ibinigay nila, pagsuporta. Sila yung kauna-unahang istasyon na nagbigay sa akin ng pagkakataong umarte.

"At ganun din sa ASAP, iba din yung binibigay nilang break talaga. So, malaking bahagi po sila ng career ko," saad ni Sarah.

MOVIE WITH GERALD AND MATTEO. Masaya rin si Sarah dahil kasisimula pa lang ng taon ay nabigyan na siya ng pelikula ng Star Cinema, ang film production arm ng ABS-CBN.

Makakapareha ni Sarah dito ang dalawa sa young leading men sa Kapamilya Network—sina Gerald Anderson at Matteo Guidicelli.

Saad ni Sarah, nakapag-shooting na sila ng ilang araw para sa pelikula, na idinidirek ni Mae Cruz.

"Ay, masaya, masaya po sa set," sabi ng young singer. "Positive, at walang nakasimangot. Hopefully, ganun pa rin kapag malapit na yung playdate...

"Para nga kaming magkakapatid sa set, e. Nagkagaanan kami ng loob kaagad, kahit yung mga kapatid ng karakter ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inilarawan din ni Sarah kung anong klaseng mga leading men sina Matteo at Gerald.

"Kasi hindi pa kami nagkatrabaho nang matagal, pero ang napansin ko naman sa kanilang dalawa, pareho silang professional, gentlemen, inaalalayan ako talaga. Yung respeto sa babaeng co-star, makikita mo sa kanila," saad nito.

Inamin ni Sarah na nararamdaman niya ang pressure sa paggawa ng bagong romantic-comedy film para sa Star Cinema.

"Ang pressure naman, lagi namang nandiyan 'yan. Sabi nga ni Gerald, we should take it as a challenge na rin para mas pagbutihan natin ang mga trabaho natin. Para hindi naman ma-disappoint ang mga tao.

"Bahala na si Lord kung anong magiging outcome ng proyektong ito, kung maa-appreciate ng mga tao. Pero alam namin sa sarili na ibinigay namin yung makakaya namin para pagandahin ang pelikula," sabi ng Pop Princess.

CONCERT WITH THE CONCERT KING. Bukod sa pelikula, busy rin si Sarah sa pag-aalala para sa kanyang concert with Martin Nievera sa February 12, ang What Love Is?, na gaganapin sa Araneta Coliseum.

Flattered daw si Sarah dahil pinili umano siya ni Martin na makasama sa concert na ito.

"Sobrang excited na talaga ako! Kinakabahan. Kasi Mr. Martin Nievera ang kasama ko sa concert. Talagang I'm truly honored na pinagbigyan niya ang isang beginner na katulad ko na makasama niya sa isang concert," sabi niya.

"Beginner" ang tawag ni Sarah sa kanyang sarili dahil kasisimula lang umano niya sa music industry. Samantalang isa na si Martin sa mga senior singers sa Pilipinas at itinuturing Concert King.

Tumanggi si Sarah sabihin kung ano ang bagong mapapanood ng mga tao sa concert nila ni Martin.

"Just watch the concert to find out. Sana po mapanood nila yung show. Maganda yung show," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN