Alex Gonzaga on inviting sister Toni to TV5: "Ay, ayoko! Naku, ayoko nga!"

IMAGE 0


TV5 actress-host Alex Gonzaga's drama series Babaeng Hampaslupa was off to a good start, with a 9.8 percent rating in its primetime debut last night, February 7.


Dumalaw ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pictorial ng TV5 Princesses na ginawa sa Broadway Centrum sa New Manila, Quezon City, last Thursday, February 3.

Ang limang prinsesa ng TV5 ay binubuo nina Alex Gonzaga, Jasmine Curtis Smith, Arci Muñoz, Danita Paner, Meg Imperial, at Eula Caballero.

Halos hatinggabi na natapos ang photo shoot na nagsimula ng early afternoon that day.

Bagamat halatang pagod na ay nagpaunlak pa rin ng interview sa amin si Alex Gonzaga habang suot pa ang gown na kanyang gamit during the pictorial. Nakailang wardrobe changes din ang young actress.

Ayaw isipin ng young actress na mas angat siya kumpara sa kanyang mga kasama. Ito ay dahil mas nauna siyang i-buildup ng TV5 matapos bilhin ng grupo ni businessman Manny Pangilinan ang istasyon noong nakaraang taon.

"Kahit konti kami dito sa TV5—dahil konti nga kami—sobrang nagba-bonding kami. Pag nagkita-kita kami... parang close friends talaga kayo," bungad ni Alex habang nagpapahinga.

JUGGLING ROLES. Kagabi, February 7, ay nag-debut ang primetime drama series niya sa TV5 na pinamagatang Babaeng Hampaslupa.

Maganda naman ang naging pagtanggap ng mga manonood sa serye kung pagbabasehan ang nalikom nitong rating na 9.8 percent o 27.4 percent audience share, ayon sa AGB Nielsen.

Nang nakausap ng PEP si Alex ay malaki ang kanyang pasasalamat sa TV5 dahil sa malaking pagtitiwala na patuloy na ibinibigay sa kanya ng management.

Napapanood kasi si Alex sa iba't-ibang programa ng Kapatid Network katulad ng Juicy, Lokomoko U, at P.O.5., bago pa man niya nasungkit ang lead role sa Babaeng Hampaslupa.

"I feel so lucky dahil nabigyan ako ng opportunities na magpakita ng iba't-ibang side ko, tapos magaganda 'yong mga proyektong ibinibigay sa akin, hindi basta-basta. Parang once lang puwedeng mabigay sa 'yo ito," aniya.

Mas kilala si Alex bilang isang komedyana at natural sa kanya ang pagiging masayahin. Marami tuloy ang nag-iisip kung paano nagagawang mag-adjust ng dalaga sa iba't ibang roles na ibinabato sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi 'yong personality ko naman, bubbly kasi talaga ako kaya 'pag sa drama, binibigyan pa rin ako ng time mag-internalize. Pero hindi ako nahihirapan kasi... Ewan ko ba't ganun. Ba't nga ba hindi ako nahihirapan?" natatawang tanong ng aktres.

"Hindi, siguro, kasi right after ng drama, nabibitiwan ko naman unlike before. Dati, nung unang-una, binigyan ako ng isang drama sa ABS [-CBN] pa nun. Nahirapan talaga ako, tahimik lang ako the whole time.

"Pero ngayon, binigyan naman nila ako ng preparation. Tapos may acting workshop ako, so dun na lang ako nagku-concenrate. Tapos sa hosting naman, siyempre 'yong Juicy, kasi batuhan lang naman 'yon. Tapos sa P.O.5, parang come what may.

"Hindi pa naman ako nabibigyan ng sobrang serious hosting na kailangan alam mo talaga 'yong mga mechanics ng game or something like that. So, parang lahat nagtutugma sa personality kaya nga sobrang saya kasi 'yong trabaho mo parang hobby mo lang," seryosong pahayag ni Alex.

CHANNELING EMOTIONS. Malaking tulong naman ang acting workshop na pinasukan ni Alex sa ilalim ng magaling na aktres at direktor na si Gina Alajar bilang paghahanda para sa Babaeng Hampaslupa.

Ano nga ba ang itinuro sa kanya ni Gina para maging epektibo siyang aktres sa harap ng kamera?

"Kasi napansin ni Direk Gina—kasi nga dahil happy person ako, bubbly-bubbly— parang nakikita niya na 'yong mga sama ko ng loob pag may mga problema ako, parang kinakalimutan ko 'yon, parang kinu-cover ko na lang.

"Parang, 'Ay, wala, kalimutan natin 'yan. Mababaw lang 'yan.' Lagi kong dyina-justify na okay lang 'yan.

"So, doon sa workshop, 'yon, matagal na proseso na ginawa niya. Lahat ng bagay na makaka-affect sa akin na hindi ko alam na maaapektuhan pala ako, na puwede pala ako paiyakin, ay makakatulong sa akin sa bawat eksena.

"Ayun, ang dami naming hinanap, ang dami naming binreyk na ice para magamit ko lahat ng mga naranasan ko—'yon yung mga stimulus," kuwento ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

OUT OF THE SHADOW OF ATE. Naniniwala si Alex na nakatulong nang husto ang naging desisyon niya na maging regular ng TV5 matapos ang kanyang acting stint with ABS-CBN.

Dahil sa kanyang paglipat sa Kapatid Network ay tuluyan na ngang nakawala si Alex sa anino ng kanyang ate na si Toni Gonzaga, na isa sa itinuturing na malaking artista ng Kapamilya Network.

"Sobrang laking bagay na nakalipat ako ng TV5. Kasi una, napansin 'yong talent ko. Pangalawa, parang hindi na ako masyadong... although may comparison pa rin sa sister ko, pero hindi na ganun kalakas kasi iba na 'yong network namin," katuwiran ni Alex.

"Kahit papaano iba na 'yong viewers na tumatangkilik sa akin, sa viewers na tumatangkilik sa kanya. Pero up to now, may comparison pa rin, at least hindi na nga lang 'yong same network.

"Siyempre, kasi dun din sa kabilang network, ang dami mong kakumpetisyon. Tsaka kung ano man 'yong ginagawa ko, magagawa rin naman ng Ate at mas matagal na siya sa industry. So, parang siyempre, mas mabibigyan siya ng priority. At least dito sa TV5, nakahanap ako ng tahanan," dagdag pa niya.

Hindi ba niya niyayaya si Toni na lumipat na din sa TV5?

"Ay, ayoko! Naku, ayoko nga!" natatawang sagot ni Alex.

Seryosong pagpapatuloy ng 23-year-old actress, "Isip ko rin naman na kung doon naman siya sa kabilang network, inaalagaan din naman siya. 'Yong paglipat niya dun, malaking tulong din naman sa career niya.

"I think, and right now, inaalagaan din naman siya dun so there's no reason for her to move. Pero, you'll never know."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN