Ogie Alcasid is engrossed with OPM-PAGCOR singing search and People Power celebration

IMAGE 0


"Alam n'yo, uso na ngayon ang matino. Ipauso natin sa mga kabataan natin, sa sambayan natin na matino tayong race. We should be proud of our race," says Ogie Alcasid.


Naging makasaysayan ang araw ng Martes, February 8, para sa singer-songwriter na si Ogie Alcasid—naganap ang opisyal na pagsasanib ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM) at Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) sa Casino Filipino Parañaque para sa isang nationwide talent search, ang OPM@PAGCOR.

Si Ogie ang kasalulukuyang presidente ng OPM.

"It's a nationwide search for the new total OPM performer," pagbabalita ni Ogie sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang makapanayam namin siya sa presscon ng nasabing talent search sa Casino Filipino, Parañaque.

"Nakakatuwa, excited kami. Excited kami sa OPM, excited din ang Pagcor. At nagpapasalamat kami sa Pagcor sa kanilang suporta sa Filipino talent.

"Alam n'yo, kung kami lang ang magma-mount nito, hindi ko alam kung paano namin mare-raise yung fund. But nagpapasalamat kami, lalung-lalo na kay Chairman Bong Naguiat and, of course, kay Bong Quintana, yung vice president [for entertainment], sa lahat ng tulong nila.

"We've been talking to Pagcor for many, many months now, ngayon lang namin ilu-launch ito."

Ayon pa kay Ogie, ang Pagcor mismo ang tumawag sa OPM para ialok ang kanilang tulong.

"Mabuti na lang at tinawagan kami ng Pagcor, humingi sila ng tulong kung paano sila makakatulong sa amin at sa OPM. So, iminungkahi nila itong search and they liked the idea.

"Inayos muna namin yung rules and regulations, like yung eligibility, yung puwedeng sumali... Una, 18 and above. Pangalawa, hindi ka pa nanalo sa isang nationwide search. Kung nag-second or third place, okey lang yun. Pero yung nag-champion ka, hindi ka na puwede.

"OPM ang tema kaya kailangan OPM din ang kantahin mo. Hindi naman kailangan... Halimbawa, ang gusto mong kantahin ay 'Anak' o yung kay Gary V or Martin Nievera, hindi mo kailangang kantahin o i-arrange in a way na kinanta nila. Puwede mong gawing rock, puwede mong gawing bossa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It's your take on OPM para makita natin yung diversity ng styles na puwedeng lumabas. Hindi lang ballad, hindi lang R&B. Welcome ang rock, welcome ang may pagka-Broadway.

"Wini-welcome naming lahat ng musical styles, lahat ng puwede. Para ipakita natin na hindi lang isang style ang OPM, maraming puwedeng gawing i-adapt. Puwede ring haluan ng rap kung gusto mo," saad ng OPM President.

Binigyan-diin ni Ogie na ang Pagcor ang pumili ng age bracket na puwedeng sumali sa search kaya hindi na ibinaba pa ito sa 14 years old.

"I think it was Pagcor who thought of that as well as our executive directors," sabi niya.

"Siguro yung eligibility, huwag naman nating pagtrabahuhin yung minors. Kasi, obviously, ang aming objective is to provide work for our singers na magaling ka, pero you are from another place, from another province. Wala kang access to entertainment.

"Halimbawa, you're from the mountains, magaling kang kumanta. Here is your opportunity para maipakita mo na may talent ka. And you can go to your Pagcor unit kung sa Davao man 'yan, Bacolod o sa Cebu.

"Ang finals niyan ay dito sa Pagcor, Manila," banggit pa ni Ogie.

Maaari rin daw sumali ang band vocalists o lounge singers sa search. At maliban dito, ang contest ay pang-solo performer lang.

Tatlong daang libong piso (P300,000) ang mapapanalunang premyo ng mananalo. Bukod dito, may recording contract at slot para kumanta sa mga casino ng Pagcor.

Ani Ogie, "Hindi man kalakihan ang premyo, pero nandoon ang opportunity para makilala ka, magkaroon ka ng recording contract, makilala ka sa telebisyon, makilala yung galing mo.

"I know that we cannot reach as far as any network can, but we want to go to the grassroots. Suyurin natin sa kadulu-duluhan ng Pilipinas para makita natin yung mga potensiyal na singers."

Puwede na raw mag-log on sa kanilang website na www.opm.org.ph para sa iba pang detalye ng contest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


PEOPLE POWER ANNIVERSARY. Maliban sa singing contest ng OPM at Pagcor, magiging abala rin si Ogie sa preparasyon 25th anniversary ng People Power ngayong February.

"Actually, commissioner na pala ako," banggit ni Ogie. "I took my oath recently, madalian lang and then nag-meeting na kami.

"We're very, very busy with the preparations. Hindi lang 'yan on Feb. 25. It starts on Feb. 17, tapos ang ending is on Feb. 27.

"Every day may mga mangyayari, pero yung pinaka-hectic will start on February 22nd. And, of course, the concert itself, which I am in-charge, will be on the Feb. 25, sa People Power Monument. It's very important na alagaan natin itong preparations, lalo na yung show kasi it's the 25th anniversary.

"Mahalaga na siguro yung mga kabataan natin, maituro natin sa kanila yung ideals ng People Power, Edsa People Power. At doon naman sa tulad nating matatanda, balikan natin yung alaala. Ano ba yung diwa ng EDSA? Ibalik natin sa puso natin," saad ni Ogie.

Ang EDSA People Power noong February 1986 ang naging daan para bumaba sa puwesto si dating Pangulong Ferdinand Marcos pagkatapos ng 20 taon sa Malacañan at para mailuklok si Corazon Aquino bilang kauna-unahang pangulong babae.

Ipapahayag ni Ogie sa mga darating na araw kung sinu-sinong mga kasamahan niya sa industrya ang magpi-perform sa show. Nabanggit nga niyang nangangarap silang makilahok ang isa sa mga members ng Black Eyed Peas, ang Fil-Am na si apl.d.ap.

"Sana umoo din siya," sabi ni Ogie. "I understand that he's a spokeperson of the Aquino Foundation... I'm not so sure. We have to confirm that. But sana makuha natin yung suporta niya. Maganda na nandoon rin siya."

Kinumpirma naman ni Ogie ang pakikilahok ng kaibigang si Dingdong Dantes, na leading man ng asawa niyang si Regine Velasquez-Alcasid sa bago nitong seryeng I ♥ You Pare sa GMA-7, sa selebrasyon ng EDSA People Power.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The YES Pinoy Foundation of Dingdong Dantes will be taking care of Feb. 22. Halos lahat ng activities on Feb. 22, sa kanya lahat yun. Though it was assigned to me also, pero nag-usap kami at umokey naman siya."

Ang trabaho raw ni Ogie bilang commissioner para sa EDSA People Power Commission ay bumuo ng mga programa para buhayin ang ideals ng People Power sa kabataan.

Naumpisahan na nga raw niya ang pagbuo ng activities at programa para sa selebrasyon ng 25th anniversary ng People Power.

"After ng EDSA anniversary, tuluy-tuloy ang pagbuo namin ng mga programa, like ako, commissioner ako sa music and entertainment. Obviously, I've to come up with programs through music and entertainment na makuha ng kabataan ang idea ng People Power.

"As we all know, music is a very powerful force or medium, di ba? At natutuwa naman ako dahil ang dami-daming lumalapit sa amin lalung-lalo na ang PANA, which is the advertisers.

"Ia-announce ko po na nakipag-meet ako with them and they're very, very optimistic. Binigyan nila ako ng project. And in fact, we're going to be launching a new song na sinulat nila ang lyrics at ako po ang gumawa ng music and it's called 'Narito Ako Pilipino.' It's their way na pakikiisa nila sa bayan.

"Alam n'yo, uso na ngayon ang matino. Ipauso natin sa mga kabataan natin, sa sambayan natin na matino tayong race. We should be proud of our race," nakangiting sabi ni Ogie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN