Star Factor winner Eula Caballero reinvents herself as a TV5 Princess

IMAGE 0


Fifteen-year-old Eula Caballero says she is ready and will do her best for her showbiz career. She stressed that this is her priority now since it is not every day that someone is given an opportunity like this. However, she still plans to continue her studies this coming June.


Matapos manalo sa reality-based artista search ng TV5 na Star Factor, agad na sumabak sa mundo ng show business ang 15-year-old na si Eula Caballero.

Kasama sa premyo ni Eula ang five-year exclusive contract niya sa Kapatid network.

Isa si Eula sa tinatawag na "TV5 Princesses." Kasama niya rito sina Alex Gonzaga, Danita Paner, Arci Muñoz, Meg Imperial, at Jasmine Curtis.

Sinadya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pictorial ng TV5 Princesses kamakailan sa Broadway Centrum, kunsaan nakatatlo silang palit ng damit.

Nang matapos siyang kunan ay kinausap ng PEP si Eula.

TV5 PRINCESS. Makikita sa mukha ni Eula ang saya at pagkamangha sa bagong mundong kanyang pinasok.

Masayang-masaya ang teenager na kasama siya sa anim na itinuturing na prinsesa ng TV5.

"I was so happy po kasi nag-i-start pa lang po ako. I never expected naman na I have to be one of them. Pero, I'm very happy with TV5.

"To be honest, I was very overwhelmed na they trusted me. Or to simply be called one of the princesses, it was already a big honor for me," sabi ni Eula.

Ikinuwento rin ng newcomer ang mga pagbabago na kanyang naranasan sa unang tikim niya ng showbiz.

"[First], I have to deal with physical appearance 'cause I have to admit ang taba ko sa TV, malaman-laman talaga, so nag-diet ako.

"Then sa responsibility ko naman, I used to be happy-go-lucky. Yung syle ko kasi dati, sige, call time is 6 a.m. tapos nag-alarm ako ng 5:30, tapos snooze lang nang snooze [sa alarm clock]. Tapos ngayon, hindi ko na ginagawa kasi I have to come on time sa tapings kasi starting pa lang ako and I have to learn more.

"I also changed the way I talk to people kasi... Not because I have to please them but that starts there. If I want to make others happy, I should be happy as well. It should come from my heart and I should be warm," pahayag ni Eula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

READY FOR SHOWBIZ. Kahapon ng umaga, February 9, ay nakakuwentuhan ulit ng PEP si Eula sa solo press conference nito sa Cravings, Tomas Morato.

Sa nasabing press conference, isa sa mga tinanong ng mga miyembro ng press kay Eula ay kung masasabi ba niyang ready na siya na maging isang artista?

Sagot niya, "Nung nag-audition po ako, may mga doubts pa po ako kasi other than pag-aartista..."

Ipinaliwanag ni Eula ang kanyang plano bago pa man dumating sa buhay niya ang Star Factor.

"Gusto ko talagang maging lawyer someday and naka-concentrate ako sa studies ko [before]. At that time, mas more [ang focus ko] sa going to college, and then dumating nga yung Star Factor.

"I don't know why, pero tumuloy po ako sa auditions and nung tinawagan po ako, at that time, sure na sure na po ako talaga and I felt na [I have to say] goodbye[to] San Carlos, goodbye school.

"And sabi ko sa sarili ko na hindi ko na ito ire-regret, and I made up my mind na kung makapagtapos talaga ako ng studies ko, hindi ko siya pagsisisihan and I'll always be thankful," aniya.

Third year high school student going to fourth year si Eula sa San Carlos University sa Cebu nang siya ay sumali sa Star Factor.

Ngayon ngang desidido na si Eula sa kanyang showbiz career, nakakatulong din na binibigyan siya ng TV5 ng workshops sa pagkanta, pagsayaw, at pag-arte.

"They will really give their best. Makikita ng mga tao yung performance ko sa Star Factor and now that TV5 na ang nag-aalaga sa akin," sabi ni Eula.

Ngunit aminado ang Cebuana beauty na kailangan pa niyang ayusin ang kanyang pagta-Tagalog.

"Tapos po sa pagsasalita, English, okay lang. Cebuano, straight din. Pero, I really have to practice Tagalog kasi hindi naman ako puwede mag-act ng character na nag-i-English.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun po talaga yung pinaka-change ko ngayon. Kahit with my mom sa bahay namin, hindi na kami nagse-Cebuano po, nagta-Tagalog na lang kahit na parehong baluktot. So, okay lang po!" natatawang kuwento ni Eula.

Bukod sa pagpa-practice sa pagsasalita ng Tagalog, nakakatulong din para kay Eula ang pagbabasa ng tabloids.

"Kaya nga minsan, parang napakalalim na ng mga Tagalog ko!" tawa niya ulit.

ON JASMINE CURTIS. Isa rin sa mga tanong ng press kay Eula ay kung hindi ba niya nakikita na unfair na mas naunang nabigyan ng proyekto si Jasmine Curtis kaysa sa kanya. Si Jasmine ang leading lady ni JC de Vera sa TV remake ng Ang Utol Kong Hoodlum.

"Hindi ko naman nasabi na unfair, pero parang, 'Suwerte ni Jasmine, bilis niya lang!" nakangiting sagot ni Eula.

Pagpapatuloy nito, "Parang she didn't give up her studies, pero no jealousy talaga. Parang nasasabi ko lang na ang suwerte niya naman.

"Pero nagkausap na kami sa pictorial ng TV5 Princesses, and I think sa mga sine-share niya sa akin, na what she had to give up for this... I thought na fair lang naman. Pareho lang kami ng pinagdadaanan."

Nakikita ni Eula na mas experienced si Jasmine kaysa sa kanya sa show business.

"I believe din po na mas prepared po talaga siya kaysa sa akin kasi marami na siya experiences even before siya nag-TV5. Kahit sa pagmo-modeling po niya 'tsaka guestings sa other networks, marami na din po siyang experiences," saad niya.

Ayon pa kay Eula, bukod sa may tiwala siya sa kanilang network ay alam niyang may sari-sariling "time to shine" ang bawat isa.

"Ang idea ko lang is that pag naka-focus pa sa kanya ngayon, hindi naman po ako nasasaktan, although I wish na sana ako din. I wait for my own time. And I have trust in the network kasi po inaalagaan po talaga nila ako," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON HER STUDIES. Samantala, gusto pa ring ipagpatuloy ni Eula ang kanyang pag-aaral sa darating na June.

"I asked Tito Audie [Gemora] about it and he said I can try to get home studies na lang. Kasi they think na magiging busy talaga ako this year. Pero nasasayangan po kasi ako na 4th year na ako, then ga-graduate na sana ako, then college na ako, isang year na lang po talaga. Kaya kakayanin ko na mapagsabay ko talaga this June," ngiti ni Eula.

Si Audie Gemora ang isa sa judges sa Star Factor.

Plano ni Eula na kumuha ng Accountancy sa college at eventually ay pumasok ng law school dati. Ngunit nabago ito nang dumating ang opportunity na maging artista.

"Pipili na lang ako ng something na puwede kong ipagsabay sa showbiz, kasi parang ang heavy nun. Baka hindi ko puwedeng ipagsabay yung law at showbiz. Baka mag-fail lang ako sa dalawa pa, so I'd set my priorities. Then, kukuha ako ng [course] na makaka-support din sa akin, like Masscomm [Mass Communication]," sabi ng baguhang artista.

Priority ngayon ni Eula ang kanyang showbiz career.

"Kasi since nanalo nga po ako, iniisip ko pa lang gaano kadami yung kasabayan kong nag-audition. So I think hindi every day mangyayari sa akin 'to, hindi every year may Star Factor na mananalo ako.

"I have to treasure this. Parang ito yung gift sa akin ni God, so I have to take this opportunity now," ang confident na pahayag ni Eula.

LUV CRAZY. Mapapanood si Eula sa unang episode ng Luv Crazy para sa buong buwan ng Pebrero. Makakatambal niya rito ang Pilipinas Got Talent finalist na si Markki Stroem.

Natawa naman ang mga miyembro ng press nang tinanong si Eula kung na-in love na ba siya sa mura niyang edad.

"Once," ang nahihiyang sagot ni Eula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At dinagdag nang nakangiti, "Once...in a while!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN