Lexi Fernandez avoids getting involved in issue involving Tween Hearts co-stars Joshua, Barbie, and Kristoffer

IMAGE 0


"Hindi ko naman po masasabing hindi naapektuhan. Opo naman. Siyempre naman, sino po ba ang hindi masasaktan, maaapektuhan sa mga naririnig mo na ganoon na, 'Ay, pinatanggal sa trabaho!' Kahit naman po hindi totoo, makarinig ka lang ng ganoon, masasaktan," says Lexi Fernandez about the issue that Joshua Dionisio and Barbie Forteza reportedly had something to do with Kristoffer Martin's ouster from the cast of Nita Negrita.


Si Lexi Fernandez ang magiging pangunahing kontrabida sa buhay nina Barbie Forteza at Joshua Dionisio sa bagong afternoon series ng GMA-7 na Nita Negrita.

Sa presscon ng Nita Negrita kahapon, February 10, sa 17th floor ng GMA Network Center, sinabi ni Lexi na "bad" ang character na ginagampanan niya bilang Misty.

"Ang alam ko po, bad po talaga. Baka yung peg po, parang Bianca King po siguro. Although, week one pa lang po ang nagagawa namin. Isang episode pa lang po yung nakakasama ako.

"Sa ngayon, mabait po ako sa pamilya ko. Pero alam ko, masama ako kay Nita [Barbie]. Kasi, feeling ko, inaagawan niya ako ng lahat-lahat, magulang ko," saad niya.

Sa Tween Hearts—ang youth-oriented series na kinabibilangan din nina Lexi, Barbie, at Joshua—ay may pagkakontrabida rin ang role ni Lexi. Pero ayon sa teen star, ayaw niyang ma-typecast sa kontrabida roles.

"Hindi naman po, kasi sabi ng GMA, ita-try nila ang lahat sa akin," sabi ng teen actress.

"Kasi, sa ngayon lang, bumagay ako sa role na maging kontrabida kay Barbie at kay Joshua. Kay Misty kasi, mestiza siya, yun ang background niya, galing sa ampunan. Pero aampunin siya nina Tita Lotlot [de Leon] at Tito Zoren [Legaspi].

"Sa akin naman po kasi, basta may trabaho po ako, grab lang ako nang grab. Kasi, ayoko naman...sayang naman ang opportunity."

TIPS FROM HER MOM. Kilala rin sa pag-portray ng character roles ang mommy ni Lexi na si Maritoni Fernandez. May mga tips o payo ba siyang hinihingi rito?

"Opo naman," sagot ni Lexi.

"Parang kapag may lines na talagang gusto ko na magmarka sa audience, tinatanong ko kung paano kaya ide-deliver 'to na hindi OA, na tama lang. Tapos tinuturuan naman po niya ako."

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Lexi kung hindi ba siya natatakot na magalit sa kanya ang fans ng loveteam nina Joshua at Barbie, lalo na't may ilan talagang nadadala ng acting na ipinapakita nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Lexi, "So far nga po, nagugulat ako kasi sa Tween Hearts, napakasama ko na, tanggap pa rin ako ng mga fans. Pero kapag meron man na ganoon, doon ko lang malalaman na effective talaga ang pag-perform ko."

Mas okay siya sa kontrabida roles?

"Opo naman... Actually, kahit ano naman po. Pero challenging po kasi siya. Nakaka-excite na pumunta ng taping na mag-iisip ka, 'Ano kaya ang gagawin ni Misty?'

"At saka siguro, hindi po kasi ako ganito sa totoong buhay. Sa totoong buhay kasi, medyo parang mahinhin lang. Hindi ako mahilig lumabas-labas. Kung lalabas man ako, kasama ko lang mommy ko. Grocery, bonding."

Very proud naman daw ang mommy niya sa kanya ngayon na dalawa na ang shows niya sa Kapuso network.

ISSUE WITH HER CO-TWEEN STARS. Hindi rin pinalampas ng PEP ang pagkakataon na itanong kay Lexi kung ano ba ang katotohanan sa isyu ngayon sa co-stars niya sa Tween Stars na sina Barbie, Joshua, at Kristoffer Martin.

"Alam n'yo naman na po kung ano ang isyu," nakangiti niyang sabi. "Pero hindi naman po totoo. Dedma lang. At saka wala naman po akong itinatago. Kung tanungin n'yo man po ako, sasabihin ko naman po ang totoo."

Naapektuhan ba ang friendship nila dahil sa isyu na diumano'y pagpapatanggal daw nina Barbie at Joshua kay Kristoffer sa Nita Negrita?

Ayon kay Lexi, "Kasi po, yung isyu na yun nga po, pinatanggal nga raw po si Kristoffer. Sa simula po, hindi ko po talaga alam kung sino ang part ng cast. Kasi, ang sinabi lang po sa akin, 'Lexi, may bago kang show. Kontrabida ka ni Barbie, maganda ang story.' Yun lang po talaga ang alam ko.

"Hindi ko nga po alam na kasama si Josh. Hindi ko rin po alam na kasama si Kristoffer. Ang alam ko lang po na confirmed, kami po ni Barbie kasi ang story nga, medyo magre-revolve sa aming dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos, noong malaman ko nga po yung isyu tungkol sa ganoon, hindi ko na lang po pinansin. Hindi ko na lang dinibdib. Sa amin po kasi sa set, sa Tween Hearts, dahil dito, ayaw naming magkakalayuan."

In a way, naramdaman daw ni Lexi na naapektuhan ang friendship nila dahil sa isyu.

"Hindi ko naman po masasabing hindi naapektuhan. Opo naman. Siyempre naman, sino po ba ang hindi masasaktan, maaapektuhan sa mga naririnig mo na ganoon na, 'Ay, pinatanggal sa trabaho!' Kahit naman po hindi totoo, makarinig ka lang ng ganoon, masasaktan."

On her part, naniniwala ba siya sa isyu? Ano ang stand niya rito?

"Hindi ko lang din po alam. Kasi, mas gusto namin na hindi na lang pinag-uusapan para masaya lang. Mas gusto namin na good vibes lang kaming lahat para magkakasundo kami," iwas ni Lexi.

Para kay Lexi, okay naman daw sa kanya sina Joshua at Barbie na naiintriga ngayon.

"Basta ang alam ko, mabait sila sa akin. At close naman po kaming lahat kaya hindi ko lang din po alam.

"Basta po ako, wala po akong alam sa isyu nila kasi hindi nga po ako nakikisama. Kung may isyu sila, sa kanila na lang po yun."

Happy rin si Lexi dahil ang Tween Hearts ay extended na raw hanggang sa October.

"Sobrang saya nga po namin, more than one year na po ang show. Mataas nga raw po ang rating kaya extended po," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN