Eat Bulaga! Invades Canada show is a big hit in Vancouver!

IMAGE 0


TVJ (Tito, Vic, and Joey) together with the Dabarkads of Eat Bulaga! brought fun and joy to the Pinoys of Vancouver, Canada last April 23. They also took the time that week to appreciate the sights and, of course, the food! From serious rehearsals to jamming with the locals, the Vancouver photo collection of the Dabarkads is now here just for you!


Mahigit tatlong libong Pinoy ang sumugod sa Queen Elizabeth Theater sa Vancouver, British Columbia, Canada noong gabi ng April 23 para mapanood nang live ang well-loved trio nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon—known collectively as the TVJ—kasama ang buong tropa ng Dabarkads.

Filled beyond capacity ang venue! Mayroon lamang itong 2,781 seats kaya't makiusap na lamang ang mga producers, sa pamumuno ni Haro de Guzman ng Shadow Inc. Entertainment, na bigyan na lamang ng mga improvised seats sa bandang likuran ang mga walk-in ticket buyers.

Record-breaker para sa mga producers ang Eat Bulaga! Invades Canada show dahil ang huling Pinoy performers na dinumog dito at nagtala diumano ng record ay ang Side A Band at Freestyle noon pang November 2003. Nakahatak daw sila crowd na 2,600.

FEVER-PITCH ANTICIPATION. First time kasing nag-perform sa Canada ang Dabarkads at halatang sabik na sabik sa kanila ang mga Pinoy doon.

Karamihan pa naman sa kanila ay masasabing Eat Bulaga! babies dahil lumaki silang Eat Bulaga! ang pinapanood hanggang sa makapangibang-bayan na nga sila.

Alas tres pa lang ng hapon, oras ng pagdating ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa venue, ay mahaba na ang pila ng crowd sa audience entrance.

Marami sa kanila ay may bitbit pang posters ng TVJ o di kaya naman ay mga ginawa nilang signages signifying their loyalty to Eat Bulaga!


Hindi lamang mga taga-Vancouver (na sakop ng British Columbia) ang dumayo sa Queen Elizabeth Theater noong araw na yon. Marami rin ang galing sa iba pang lugar sa Canada, gaya ng Alberta at Montreal (na nasa Quebec).

Ayon sa mga taga-Canada, ang pamasahe mula Montreal hanggang Vancouver ay halos kapareho na rin ng pamasahe para makauwi ng Pilipinas.

May ilan ding galing naman ng Seattle, Washington, na nasa ibaba lamang ng Vancouver at isa sa nagsisilbing border states between U.S. and Canada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Limang oras diumano ang binyahe ng mga Seattle-based Pinoys mula sa kanila hanggang Vancouver.

WARM RECEPTION. Halos walang moment na hindi nagtatawanan ang audience sa mga bitbit na acts, production numbers, at pakuwela ng mga Dabarkads at tila bitin pa sila sa dalawang oras na show.

Maging ang TVJ ay nag-ejoy at na-touch din nang husto dala na rin ng napaka-warm na reception ng mga taga-Canada. Sabi nga ni Vic Sotto, "Balewala ang ginaw sa labas dahil napaka-init naman po ng inyong pagsalubong sa amin."

Bago pa man umalis ng Pilipinas ang mga Dabarkads noong April 19 ay marami na umanong e-mails na natatanggap ang pamunuan ng Eat Bulaga! na TAPE, Inc (Television and Production Exponents, Inc.) na nagsasabing bakit daw sa Vancouver lang sila magso-show.

"Paano naman kami?" sabi raw ng mga taga-Winnepeg, na sakop ng Manitoba at nasa bandang gitna ng Canada, at Toronto na sakop naman ng Ontario.

One-time big-time lang kasi kung mag-show ang Eat Bulaga! sa malalayong lugar at hindi nila sinasagad. Maximum din na three times in a year lang kung sila man ay umaalis. Malaking sakrpisyo rin kasi sa members ng Dabarkads ang mga out-of-the-country shows. Una na rito ay halos isang linggo nilang hindi makakapiling ang kanilang mga mahal sa buhay. Pangalawa ay ang effort na mag-tape ng mga shows na katumbas ng bilang kung ilang araw sila mawawala sa Pilipinas.

Itinuturing na lang kasing bonding time, sabay pamamasyal na rin ng mga Dabarkads, ang mga ganitong biyahe kaya sila nagsisipayag.

BOSSSING'S MAPLE WISH. Nagkataon pang first time ng karamihan sa kanila sa Canada kaya excited din sila, maski si Bossing Vic Sotto na pangarap palang makakita in person ng maple leaf, ang simbolo ng Canada.

Nagkataon namang nakakaranas ang Canada noon ng itinuturing nilang "longest winter in 70 years," bunga na rin ng climate change. Spring na dapat noong mga panahong nasa Vancouver ang Dabarkads pero dahil extended ang winter ay malamig pa rin at hindi pa nag-uusbungan ang mga dahon at bulaklak, maliban sa cherry blossoms at pine trees.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bigo tuloy si Bossing. Kaya naman noong city tour, hiniling ni Bossing sa tour guide/driver na pakitaan siya ng maple leaf, pero ang sabi sa kanya: "That's a maple tree over there, but I'm sorry, the leaves have not shown up yet." Ayaw pa rin tumigil ni Bossing at pabirong nag-chant ng "maple leaf, maple leaf!"

Pero bigo mang makakita ng maple leaf si Bossing Vic ay masaya pa rin siya sa ipinakitang pagpapahalaga ng mga taga-Vancouver sa buong tropa.

At dahil sa success ng "Eat Bulaga! Invades Canada" plano ng mga producers sa pangunguna ni Haro de Guzman na ilipad muli ang grupo next year para mag-show naman sa San Francisco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN