Cristine Reyes on reconciliation with Sarah Geronimo: "Maging masaya na lang po kayo para sa amin."

IMAGE 0


"Ayaw ko ng masyadong showbiz. Huwag na nating haluan ng pagka-showbiz ang pagbati namin. Kaya mas minabuti ko na huwag na munang magpa-interview," explains Cristine Reyes on why she chose to keep silent over her reconciliation with Sarah Geronimo.


Iniwasan ni Cristine Reyes na haluan ng showbiz ang pagbabati nila ni Sarah Geronimo kaya hindi siya nagpa-interview noong linggo na nangyari ito.

Matatandaan na sa March 20 episode ng The Buzz, inamin ng Popstar Princess sa TV host na si Boy Abunda ang kanyang pakikipagbati kay Cristine, na ngayo'y kasintahan ng dati niyang boyfriend na si Rayver Cruz. (CLICK HERE to read related article)

Sa eksklusibong panayam ng SNN kay Cristine na ipinalabas noong Martes, Marso 29, sinabi niya na: "Ayaw ko ng masyadong showbiz. Huwag na nating haluan ng pagka-showbiz ang pagbati namin. Kaya mas minabuti ko na huwag na munang magpa-interview."

Nakiusap din ang young sexy actress na huwag na siyang masyadong usisain tungkol sa pangyayaring ito. Sabi pa niya, "Iwan na lang po natin doon 'yon. Maging masaya na lang po kayo para sa amin."

Tulad ni Cristine, naging mailap din si Sarah sa pagbigay pa ng anumang detalye sa pagkakaayos nilang dalawa.

Sa press conference ng kanyang pelikulang Catch Me... I'm in Love kamakailan, paiwas ding sinabi ni Sarah na, "Naikuwento ko na po sa The Buzz. Okay na po yun, tama na." (CLICK HERE to read related article.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN