Rayver Cruz on settling down with Cristine Reyes: "Nasa kanya naman yun kung hindi niya na ako pakakawalan, e!"

IMAGE 0


"Mahirap magsalita ng tapos. Pero sa ngayon talaga, happy ako sa kanya. And alam ko naman na magtatagal kami kasi, so far, strong yung relationship namin. Basta mga bata pa kami, tingnan na lang natin kung anong mangyayari," Rayver Cruz on the possibility of ending up with Cristine Reyes.


Sinabi ni Cristine Reyes sa isang interview na kung sakaling lalagay na siya sa tahimik, o ready na siyang mag-asawa, ang gusto niyang makatuluyan ay ang boyfriend niya ngayong si Rayver Cruz.

Kaya naman nang makapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Rayver pagkatapos ng ASAP Rocks kahapon, March 6, ay kinuha namin ang reaksiyon niya sa pahayag ni Cristine.

"Nasa kanya naman yun kung hindi niya na ako pakakawalan, e!" natatawang biro ni Rayver.

Paliwanag niya, "E, kasi siyempre naman, pag nasa isang relasyon ka, ayaw mo siyempre ng papalit-palit, di ba? Gusto mo magtagal kayo. At kung sino ang karelasyon mo, siyempre gusto mo siya na talaga ang makatuluyan mo. Kaya yun ang nasabi niya."

Si Cristine na rin ba ang gusto niyang makatuluyan?

"Mahirap magsalita ng tapos. Pero sa ngayon talaga, happy ako sa kanya. And alam ko naman na magtatagal kami kasi, so far, strong yung relationship namin. Basta mga bata pa kami, tingnan na lang natin kung anong mangyayari."

Hindi na ba siya natutukso sa ibang babae?

"Siyempre naman pag may karelasyon ka, gusto mo maging loyal ka lang sa kanya, di ba? Ako naman, masasabi ko na loyal ako sa kanya [Cristine]," sagot ng 21-year-old actor.

Ngayong magkasintahan na sila, balitang pinagbabawalan na raw ni Rayver si Cristine magpa-sexy sa kanyang mga roles. Hindi na raw puwedeng gumawa ng love scene o kissing scene si Cristine sa mga nakakapareha niya.

"Walang ganoon," tanggi ni Rayver. "Pagdating sa trabaho, never akong maghihigpit sa kanya. Kasi work niya yun, e. Ginagawa niya lang ang trabaho niya bilang isang artista."

Wala siyang nararamdamang selos?

"Oo naman," sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN