Sarah Geronimo ends rift with Cristine Reyes

IMAGE 0


"Marami rin po ang nagsasabi na masyadong masakit ang nangyari kung ako yung mauuna. Pero ako, sa sarili ko, gustung-gusto ko nang mag-sorry para matapos na, at alam kong nasaktan din siya. Kailangan ko rin mag-apologize," says Sarah Geronimo (right) about her decision to end rift with Cristine Reyes (left).


May isang magandang pangyayari na naganap sa backstage ng ASAP Rocks kahapon, March 20. Ito ay ang pagbabati nina Sarah Geronimo at Cristine Reyes.

Si Sarah mismo ang gumawa ng paraan para magkaayos na sila ni Cristine. Matatandaang nagkaroon ng alitan ang dalawa dahil kay Rayver Cruz, ang lalaking kapwa nila minahal.

Nailahad ang buong kuwento ng pag-iibigan noon nina Sarah at Rayver sa March 2011 issue ng YES! magazine. Dito ay nalaman ng publiko sa unang pagkakataon ang namagitan sa dalawang young stars at kung paano nabaling ang atensiyon ni Rayver kay Cristine. (CLICK HERE to read related story.)

KISS & MAKE UP. Sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa The Buzz kahapon ay ikinuwento ni Sarah ang pagbabati nila ni Cristine.

"Kasi, Tito Boy, matagal na matagal ko na siyang gustong makausap," simula ng singer-actress. "Pagkatapos ng mga nangyari, pagkatapos ng lahat ng gulo, gusto ko na talagang mag-sorry sa kanya.

"Wala... walang pagkakataon po kasi. At saka, marami rin po ang nagsasabi na masyadong masakit ang nangyari kung ako yung mauuna. Pero ako, sa sarili ko, gustung-gusto ko nang mag-sorry para matapos na, at alam kong nasaktan din siya. Kailangan ko rin mag-apologize.

"Nagmamadali, naiwan po ng makeup artist ko po, si Ken, yung eyeliner ko po [sa dressing room]. Tapos si Mommy [Divine Geronimo], meron din po siyang kinuha, lumabas siya.

"So, sabi ko, "Hmmm, nandiyan si Cristine, puntahan ko na.' Kinuha ko ang eyeliner, sabi ko, 'Manang, samahan mo ako, soli ko lang 'to.'

"Eksakto, palabas si Cristine, so nagkatinginan kami. Parang naano pa siya, na parang umiwas pa siya. Sabi ko, 'Cristine...' Tapos, nagulat siya.

"Siyempre, may takot din sa akin na, 'Ano kaya, tatanggapin kaya niya? Masasaktan kaya ako? Ano kaya ang mangyayari?' So, niyakap ko na lang siya. Hindi ko na siya pinakawalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Sorry Cristine, wala talaga akong intention... Kaya ko nilapitan si Rayver noon dahil gusto kong makipagbati, gusto kong maipakita sa mga kasamahan ko na wala na. Merry Christmas, Ray, naaalala mo pa ba ako? Sarah.'

"Ganoon lang po. Pero wala akong intention para makipag-flirt sa kanya, walang ganoon po."

Ipinaliwanag din ni Sarah ang ginawa niyang biro sa rehearsal ng ASAP noon na naging dahilan ng pag-tweet ni Cristine ng masasakit na salita laban sa kanya. (CLICK HERE to read related story.)

Ani Sarah, "At yung biro ko sa stage during rehearsal, isine-set ko lang ang mood ko na, 'Okay na tayo, Ray, ha.' At saka yung mood ko na yun, parang for John [Prats] din yun and Rayver. Kasi, totoo naman na yung magagaling sumayaw, lapitin talaga ng magaganda at seksing babae.

"Di ba nga po, si Rachelle [Ann Go], di ba po, sexy? Si Cristine, sexy, maganda. So, yun lang po, wala po akong ibang ibig sabihin do'n. Yun lang po ang gustung-gusto kong ipaliwanag kay Cristine."

Si Rachelle ang nababalitang girlfriend ngayon ni John.

Ano naman ang naging reaction ni Cristine sa ginawa niya?

"Sabi niya, 'O, sorry...' Nagulat din ako na na-teary-eyed siya. Sabi niya, 'Sorry rin.' Tapos, nakita rin niya si Mommy, nag-sorry rin po siya kay Mommy.

"And then, I also told her na, 'Cristine, naiintindihan kita, in love ka, e. Nangyari rin sa akin 'yan noon.'"

Ngumiti lamang daw si Cristine nang sabihin ito ni Sarah sa kanya.

Nag-sorry naman si Sarah sa kanyang Mommy Divine na nasa loob ng studio ng The Buzz kahapon.

Aniya, "Ay, sorry, Mommy. I love you, I love you."

BACKSTAGE SCENE. Samantala, may nakuhang karagdagang impormasyon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) kaugnay ng pagkakabati nina Sarah at Cristine sa backstage ng ASAP Rocks kahapon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil sa backstage nangyari ang insidente ay marami ang nakasaksi nang yakapin ni Sarah si Cristine. Ayon sa isang eyewitness na nakausap ng PEP, tumiyempo raw talaga si Sarah para kausapin si Cristine.

At kung may isa mang tao na tuwang-tuwa sa nangyari, ito ay walang iba kundi si Rayver.

Pero, ayon din sa aming nakausap, hindi naman nagustuhan ng ina ni Sarah na si Mommy Divine ang ginawa ng kanyang anak.

Narinig ng aming source na pinagsabihan ni Mommy Divine ang anak kung bakit niya ginawa iyon. Sa ginawa raw kasi ni Sarah ay parang pinalalabas nito na mali ang ginawa nila noon.

Pero nanindigan daw si Sarah at sinabi niyang tama ang kanyang ginawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN