Zoren Legaspi seriously considering having twins again with Carmina Villarroel

IMAGE 0


"Noong binata kasi ako, may pakiramdam ako na kapag nagkaanak ako, kambal. Ngayon, ang pakiramdam ko, kapag binuntis ko ulit si Carmina, kambal ulit. Yun ang pakiramdam ko. Tapos, ang pakiramdam ko, hindi nagkakamali. Palaging totoo," says Zoren Legaspi about wanting new twins.


Abala ngayon si Zoren Legaspi dahil dalawa na ang shows niya sa GMA-7.

Sila ng misis niyang si Carmina Villarroel ang hosts ng daily morning program na Love ni Mister, Love ni Misis, samantalang aarte siya uli sa bagong afternoon series na Nita Negrita.

But between hosting and acting, tila mas nag-e-enjoy si Zoren ngayon sa paghu-host.

"Mas enjoy ako sa hosting kapag real people ang kausap ko kesa sa mga taga-showbiz. Siguro may restriction, at the same time, wala akong makuhang bago kasi alam ko na ang buhay nila.

"Unless kapag may kausap akong iba na non-celeb, may mga lumalabas na bago at ang mga emotion nila, genuine talaga kaya madadala ka sa mga eksena. Pati ikaw, mararamdaman mo ang pain na nararamdaman nila," sabi niya.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Zoren sa presscon ng Nita Negrita kahapon, February 10, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Natawa naman kami sa sagot ni Zoren nang tanungin kung mas tumibay ba ang relationship nila ni Carmina dahil magkasama sila palagi sa set.

"Naiinis ako sa blower niya. Naiingayan ako. Gusto ko ngang lumipat ng dressing room!" natatawa niyang sabi.

WANTS NEW TWINS. It seems that Zoren is seriously thinking of having a new set of twins. Isa nga ito sa napag-usapan during the presscon of Nita Negrita.

"May mga araw na gusto ko. Tapos, may mga araw na okay na. Katulad ngayon, kapag naging ganito ang schedule mo, hindi mo rin maaalagaan yung anak, e. So, kapag gumawa ulit kami ng bago, yun ang pakiramdam ko. Kapag naging busy, maiiwan, e.

"At the same time, nag-e-enjoy kami sa dalawa [Cassy and Mavy]. Para kang merong cable channel. Uupo ka na lang at panoorin mo sila dahil ang daldal, kung anu-ano ang mga sinasabi, magkukuwento. Entertaining sila sa bahay, magkukuwento," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero si Carmina raw ay ayaw pang magkaroon sila uli ng anak.

"Siya, ayaw niya. Ako kasi, puwedeng oo, puwedeng hindi," sabi ni Zoren.

Ang kambal naman nilang sina Cassy at Mavy, 10, ay naghahanap na raw ng kapatid pa.

"Pero you know, three more years, mga 13 years old na 'yan, magbibinata na... So, ako, mas gusto kong mag-concentrate na lang sa kanilang dalawa at sa career namin," sabi ni Zoren.

Dagdag pa ng actor-TV host, may pakiramdam siya na magiging kambal ulit ang anak nila kapag nabuntis na naman si Carmina.

"Noong binata kasi ako, may pakiramdam ako na kapag nagkaanak ako, kambal. Ngayon, ang pakiramdam ko, kapag binuntis ko ulit si Carmina, kambal ulit. Yun ang pakiramdam ko. Tapos, ang pakiramdam ko, hindi nagkakamali. Palaging totoo," saad niya.

At tila bigla itong napaisip ng: "Dapat nga siguro sundan na, 'no? Kausapin ko nga [si Carmina]. E, minsan kinausap ko, ang sabi, ayaw niya.

"Pati ang tatay niya, kinausap ko na. Sabi ko, 'Daddy Reggie, gusto n'yo pa bang magkaroon ng apo kay Carmina?' Sabi niya, 'Oo, matagal na, sana.'

"Sabi ko, 'E, kasi po 'yang anak n'yo.' Tapos sabi ko, 'Okay lang ba kung sa labas ako gumawa ng iba?' Sabi ng tatay, 'E, di hindi ko na apo yun!'"

Ano naman ang reaction ni Mina sa mga ganoong hirit niya?

"Tinutukso ko siya. Sabi ko, 'Kung ayaw mo, sa labas ako gagawa. Hindi ako nagbibiro.' Tapos sabi niya, 'Bahala ka!'

"Kaya nga iniisip ko, ano kaya, gumawa talaga ko sa labas?" natatawa niyang sabi.

WEDDING. Noong press launch ng morning show nila ni Carmina na Love ni Mister, Love ni Misis last year, napag-usapan doon ang kasal. Sila mismo ang nagsabi na posibleng sa show pa sila ikasal. So, what happened since then?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Six months ang Love ni Mister, so six months na lang ulit. Kasi, ang usapan yata, kapag nakaabot ng one year ang show. Si Ms. Wilma Galvante, sabi niya, six months. So, ayun, steady lang muna," sabi ni Zoren.

Napag-uusapan na ba nila ni Carmina ang tungkol sa pagpapakasal?

"Napag-uusapan namin, pero yun na nga, pag-uwi sa bahay, nawawala. Kagaya ngayon, pinag-uusapan natin ulit. Pero pag-uwi ko niyan, mawawala na naman sa isip ko."

Pero siya ba, gusto na niya?

"Wala namang problema do'n. Itong 2011, mako-close 'yan. Yun ang pakiramdam ko.

"Kasi ako, nabubuwisit na rin ako na parang open siya, e. Kahit nagpa-file ako ng mga papers, documents, 'Are you married?' Ano ba ako? Kasal ako, e. Pero, walang legalities, pero kasal ako. Kaya dalawa ang tsine-check ko.

"So, naaano na rin ako na itong 2011, tatapusin ko na talaga," sabi ni Zoren.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN