Nova Villa: "Masarap din palang maging Kapuso!"

IMAGE 0


"Sa ngayon, bago lang sila. Tingnan natin kapag naging superstars na itong mga ito. Tingnan natin kung kakayanin nila yung fame kapag mabigat na mabigat na. But as of now, I think para silang mga babies na ang ku-cute nila. They are very nice," says Nova Villa about Nita Negrita stars Barbie Forteza and Joshua Dionisio.


"Masarap din palang maging Kapuso!"

Ito ang nasambit ng beteranang aktres na si Nova Villa nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng bagong panghapong teleserye ng GMA-7, Nita Negrita, na ginanap sa 17th floor ng GMA Network Center kahapon, February 10.

Matagal-tagal din kasing naging identified si Nova sa ABS-CBN, at last year hanggang ngayon nga ay napapanood pa rin siya sa TV5. Kaya bago sa kanyang pakiramdam ang mapunta sa bakuran ng GMA-7, lalo na't kauna-unahan niyang regular soap sa Kapuso network ang Nita Negrita.

Mapapanood simula Lunes ng hapon, February 14, ang Nita Negrita pagkatapos ng Alakdana sa GMA-7.

"Masaya ako na nandito ako sa GMA-7. Ngayon ay nababanggit ko na ang Kapuso," sabi ni Nova.

"Ako po ay talagang tuwang-tuwa dahil magmula po sa guard house, ang mga guwardiya nang makita ako, hindi ho nagdalawang-isip kung papapasukin ako o hindi. Nung makita ako, 'Ma'am Nova, welcome!'

"Hanggang sa makapasok ako dito... hanggang sa taping... at ang mga bossing, talagang napakaganda ng kanilang pagtanggap sa akin. Kaya feeling ko, reyna ako."

Ginagampanan ni Nova sa Nita Negrita ang role ni Nana Ima, ang volunteer sa bahay-ampunan na mag-aalaga kay Antoinette o Nita Negrita, na ginagampanan naman ng bidang si Barbie Forteza.

WORKING FOR TWO TV STATIONS. Gusto namang linawin ni Nova na kahit nagte-taping na siya para sa Nita Negrita, hindi pa niya tuluyang iniiwan ang projects niya sa TV5. Sa katunayan, nagpaalam daw siya sa TV5 bago niya tanggapin ang project sa GMA-7.

Tamang-tama naman daw ang pagdating ng Nita Negrita dahil magla-last taping na raw sila ng sitcom niya sa Singko na Everybody Hapi. Bagamat pinangakuan naman daw siya na may kapalit ang show na ito.

Paano niya hahatiin ang oras niya sa dalawang istasyon?

"If ever naman na may bago akong sitcom sa 5, once a week lang naman ang sitcom, e. Hindi katulad dito sa Nita Negrita, every other day talagang puyatan. Katulad ngayon, puyat kasi nag-taping kami kagabi. Kasi ako pa ang nag-aalaga kay Negrita habang maliit pa siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero pag lumaki na si Negrita at pumunta na kay Lotlot [de Leon, gumaganap na ina ni Nita], baka hindi na rin maging madalas ang taping ko dito sa GMA. Kasi magko-concentrate na sa family niya.

"Ako dito yung nanay-nanayan ni Nita kaya sa akin siya iiyak pag may problema siya. Yung mga ganun lang. So, baka siguro once or twice a week na lang ako," saad ng beteranang aktres.

DEFENDING BARBIE AND JOSHUA. Samantala, during the presscon, isa si Nova sa senior actors na nagtanggol sa mga bida ng Nita Negrita na sina Barbie at Joshua Dionisio tungkol sa intrigang nagiging pasaway at may bad attitude na raw ang dalawang tween stars sa taping nila.

Ayon kay Nova, "Unang pagkikita pa lang namin noong storycon, as I've said, first time kong makapasok sa GMA at aaminin ko hindi ko sila kilala. Bilang isang artista, siyempre may nababasa ako about them na mga intriga. Siyempre, dahil makakasama ko nga sila, natatanong ko, 'Totoo ba ito?'

"Nang dumating na ang aming first taping day, wala akong nakitang ikinalaki ng ulo ng mga bata. They were very attentive sa kanilang ginagawa. They were serious sa kanilang trabaho.

"Itong si Nita [Barbie], every time I see her, yung kaitiman niyang yun, laging yung ngiti niya ang nakikita ko. It's because she always has a ready smile for everybody. Kaya sabi ko, hindi naman pala totoo.

"Si Josh naman, nakasama ko siya sa Super Inggo [sa ABS-CBN], isang taon yun. Alam ko yung bata...tahimik itong batang ito. So, I really don't know kung bakit may ganung tsismis sa kanila.

"Sa ngayon, bago lang sila. Tingnan natin kapag naging superstars na itong mga ito. Tingnan natin kung kakayanin nila yung fame kapag mabigat na mabigat na.

"But as of now, I think para silang mga babies na ang ku-cute nila. They are very nice," mahabang paliwanag ni Nova.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung siya nga raw ang papipiliin, gusto niya pa ring makatrabaho ulit sina Barbie at Joshua.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN