Kris Aquino's birthday wish: "legal freedom" for her and James Yap "to be able to love again"

IMAGE 0


Binati rin ni Kris ang kanyang followers para sa Valentine's Day. "Thanks to all of u who continue to follow my tweets. Happy Valentine's, love love love," sabi niya sa Twitter.


Ngayong Valentine's day, February 14, ang mismong 40th birthday ng TV host-actress na si Kris Aquino. At ayon sa kanyang posts sa kanyang Twitter account (@itsmekrisaquino), magiging busy siya ngayong araw sa dalawang endorsement pictorials at rehearsal para sa bago niyang game show sa ABS-CBN, The Price is Right.



Sa isang tweet, sinabi ni Kris na pinipilit niyang hindi maging insecure ngayong birthday niya, na Valentine's Day rin.



"Before I slept I text all my siblings to say thank u–for all the love, understanding & support. I have all the love from my family & sons to remove any insecurity from being single at 40.



"I am blessed w/ true friends & wonderful work mates & the job I love. God has given me so much & I now just love what's here & now- no need to wish for what's not because it will come," sabi ni Kris.



Idinetalye rin ni Kris ang mga regalong natanggap niya sa araw na ito.



"Touched" daw siya sa iniregalong bracelet ng ex-husband niyang si James Yap. Natanggap niya ito kahapon, February 13, matapos makipag-dinner kay James at ilang mga kaibigan.



"I was touched by James' gesture–he + bimby bought me a lovely bracelet w/ a heartwarming card. Josh & Bimby loved riding in James' car. I rode in my own to give them time together," tweet ni Kris.



Nakatanggap din daw siya ng isang card mula sa news anchor na si Ted Failon, na nali-link sa kanya ngayon.



"Thank u Philippines. As Ted reminded me eloquently sa birthday card nya, life begins at 40, live, laugh, love... May I add, I am excited to continue learning & positively touching more lives."



Ito naman ang wish ng birthday girl sa kanyang kaarawan:



"By the way, I'm allowed a wish right? I wish James & I the legal freedom to be able to love again & share w/ new lifelong partners the love we failed to sustain between us," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Pagpapatuloy ni Kris, nagbigay rin daw siya ng regalo kay James, na magdiriwang naman ng kanyang 29th birthday bukas, February 15.



"Bimby gave him a red BB Torch & I gave him 2 Bruno Mars VIP tickets for him & his date for April 8. Happy birthday to him on Feb 15," pagbati ni Kris sa dating asawa.


Ongoing pa rin ang annulment case nina Kris at James, at parehong single ang kanilang status sa ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN