Karen delos Reyes airs side about her outburst on the set of Machete

IMAGE 0


"Aminado akong nagmura ako at pasensya na po pero sana aminin niyo ang pagkakamali niyo. Hindi yung malalaman ko pa sa diyaryo at Internet na tuluyan na pala akong tinanggal. Hindi man lang ako kinausap nang maayos pati ang manager ko. At sana walang bali-balikong storya. Ito ang katotohanan," wrote Karen delos Reyes on her Multiply account.


Lumabas noong nakaraang Biyernes, February 11, ang balita na tinanggal si Karen delos Reyes sa cast ng Machete dahil sa bintang na pagtataray niya nang walang sa lugar sa set ng TV series ng GMA-7.

Ang balita ay lumabas sa Abante Tonite at inamin ni Karen na napikon siya sa mga maling detalye tungkol sa mga tunay na pangyayari.

Minabuti ni Karen na isulat sa kanyang Multiply account ang panig niya dahil kulang daw ang oras kung magsasalita siya sa TV. Ayaw rin daw niyang magpainterbyu sa press.

Ang kanyang pahayag noong Martes, February 15, 1:03 p.m. sa kanyang Multiply account ay may titulong "Ang Katotohanan sa Pangyayari sa set ng Machete."

Kalakip ng kanyang pahayag ang screen grab ng artikulong lumabas sa Abante Tonite.

Ito ang mahabang paliwanag ni Karen sa kanyang pagkawala sa Machete (published as is):

"Napikon ako sa maling information na lumabas. Sabi sa Abante Tonite, bukas ang mga pahina nila kung gusto kong ibigay ang side ko. Ayokong magpa-interview sa press at magpa-presscon at lumabas sa TV dahil konti lang ang oras at baka hindi ko masabi ang lahat that's why I'm writing this para walang sisihan sa dagdag-bawas ng storya.

"Ngayon ko lang din inilabas ito dahil ayokong masira ang Valentine's Day weekend ko at ng mga taong makakabasa nito. I'm writing this para linawin ang lahat at hindi para manira ng ibang tao, dahil hindi ako ganong klaseng tao. Pawang katotohanan lang po Madams and Sirs.

"So, here it goes... The production people of Machete called up my manager first week of January and told him that they are getting me sa cast ng Machete. They also told my manager that I'm gonna be a kontrabida and it's just a guest role pero maganda ang role. I was so ecstatic about it kasi balik kontrabida ulit ako. I thank God for all the blessings dahil ang ganda ng pasok ng 2011 sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"FIRST TAPING DAY. Saturday, January 5, 2011. Napakasaya ng first taping day ko. Bonded with the producers, production assistants, mga beklang fab sa set, Aljur [Abrenica], Bela [Padilla] and the cast. Kinausap ako ng executive producer ng Machete at sinabing may secret siyang sasabihin sa akin.

"She said mukang mas dadami ang taping days ko sa Machete dahil pina- revise ang script at ang character na si 'Bugana' ay mabubuhay sa present instead na flashback lang siya.

"Ang dahilan kung bakit bigla-bigla ni revise ang script... Hindi ko sasabihin dahil wala akong karapatan dahil artista lang po ako at hindi part ng production. Natuwa ako sa good news at nagpasalamat sa Diyos dahil blessing ulit.

"SECOND TAPING DAY. Before ang second taping day ko, inaasahan ko na may darating na location map sa bahay. Text ako ng text sa lahat para alam ko naman ang destinasyon ko kinabukasan (taping).

"Itinulog ko na lang expecting na paggising ko, andyan na ang location map. When I woke up... nothing as in wala. Kinontact ko ang talent coordinator at ang EP kung paano na ba ang sistema dahil wala akong idea kung saan ako pupunta. Ilang beses kami naligaw ng driver/assistant ko.

"Hindi po siya biro dahil isang tambling na lang, impyerno na sa layo ang narating namin. Nakarating naman kami sa set. Hindi ko ikinagalit ang pagkakamali ng production sa hindi pagpapadala ng mapa.

"I was cool with it and greeted everybody with a smile. Good vibes lang. I was so happy to see everybody and Direk Gina (Alajar, who was the director for that day).

"Sa breakdown ng taping day na yon, 2 sequences lang ako. As the day went by, they told me na nadagdagan pa ako ng dalawa pang sequences and it was okay. Talagang nangyayari ang dagdag-bawas sa breakdown.

"Nung malapit na matapos ang last sequence na tine-take ko for that day, tinanong ko ang production assistants kung sure na na after that sequence pack up na ako. OO ang sabi nila, pero may voice over pa akong gagawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tinanong ko ang assistant director kung pack up na ako at pina-double check ito sa lahat. Nang malaman ko ang go signal ng lahat pinag-dinner muna nila ako bago gawin ang voice over.

"Nakipag-chikahan pa ako sa staff habang kumakain, tawanan, kwentuhang Rakenrol... Tapos ginawa ko na ang voice over. Tinanong ko ang E.P. kung ano ano ang mga eksena ko para sa next taping day at sinabi niya na wala pa yung breakdown na naka-print kaya sinulat pa niya ito sa papel.

"ANG RASON. Hapon palang sa taping, may kaba ako sa dibdib Alam niyo yung feeling mo na may masamang mangyayari...

"I have a lola who lives with us at home. She is 88 years old. Senile Moments na siya. Nandun na siya sa point na bumabalik na siya sa pagkabata. Umaakyat sa tangke ng tubig para linisin daw ang drum, nakakalimot kung gabi ba ngayon o araw pa. Basta, yon... kailangan na siyang bantayan talaga (wala po kameng maid at nasa probinsya ang mga magulang ko, kami lang ng kapatid ko sa bahay).

"Nung hapon na nasa taping ako, I had this gut feeling na... basta, ayoko na lang balikan at masakit sa dibdib.

"Kahit na may ganon akong nararamdaman, inisantabi ko yun dahil ayokong maapektuhan ang trabaho ko nung araw na yon.

"Kaya natuwa ako nung malaman kong maaga ang pack up ko dahil makakauwi na ako ng maaga at mababantayan ko ang lola ko. Pina-check kong mabuti sa lahat, hindi lang tatlo o apat na beses.

"Tinanong ko pa ang EP kung saan ang next lipat nilang location at biniro pa niya akong baka gusto kong sumama sa next location para masaya. Sabi ko, 'Madam, tabla. Uwing -uwi na po ako.'

"Nagpaalam ako ng maayos at nag-beso sa lahat. Nakasakay at umaandar na ang kotse ko ng biglang hininto ako ng isang production assistant at sinabing may dinagdag pang mga eksena. Nabigla ako at medyo nag-init ang ulo ko. Sabi ko, 'Di ba pina-check ko sa inyo?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Walang nasabi ang production assistant at umangat ang init ng ulo ko at pinuntahan ang staff. Nagalit na ako non kase alam na sa bahay na uuwi ako ng maaga at nasa dibdib ko pa rin ang feeling "yon" about my Lola.

"Ang sama-sama ng loob ko, galit ako dahil parang silang nang-gagago. Naiyak na rin ako. Mixed emotions. Nagmura ako sa ere, sa hangin, sa dilim. Sumigaw talaga ako. Kung pupuwede ko lang ire-enact ang pangyayari gagawin ko.

"Wala akong minura at dinurong Production Assistant. Wala akong pinaiyak. Walang MO ang pagmumura ko.

"Ang point ko dito, sana wag silang ganon. Magre-release ng artista tapos biglang meron pa palang eksena which is hindi naman talaga dapat kunan nung araw na yon. Tao lang ako at totoong tao ako. Iiyak ako kung masama ang loob ko, galit kung galit, Masaya kung masaya. Hindi nakapagsalita ang lahat, kase naman ni-release nila ako at sa tingin ko mali yon.


"THIRD TAPING DAY. Nag-taping ako at meron akong 9 sequences. Nang matapos ang first sequence ko, nilapitan ako ng isang cameraman at tinanong kung ano ang nangyari nung last taping ko. Sinabi ko ang storya. Hindi ako masaya, nagmayabang o kung ano man, sinabi ko lang ang totoo. Naka-lapel (mic na ginagamit sa taping) ako non at alam ko naman yon. Wala naman akong dapat itago kahit kanino pag nagsasalita ako.

"Nung dinner time, pinatawag ako ng EP, galit siya at naiintindihan ko yun. Tapos biglang banat ng 'You are an asshole. You are a bitch.' Sinermonan ako. Tahimik lang ako at pinagsalita siya. Hindi ako umepal.

"Sabi niya, siya ang nagsabi sa mga kinauukulan na ipasok ako sa show. Sabi ko, 'Madam, maraming salamat. Deep in my heart I thank you for giving me this opportunity but if you think I'm unprofessional, hindi po. Itong pag-aartista, it's not just a job for me. It's my passion, it's my art. Sa 10 taon kong nandito sa GMA, kahit 48 hours straight taping payag ako dahil ganon talaga. Pero yung sitwasyon last taping, ibang usapan yon. Ni-release niyo ako.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala akong record na biglang nag-walkout sa taping dahil pasaway lang. Wala akong record na ako ang unang nakipag-away. I go to work on time, memorize ko ang mga linya ko sa script pagdating ko sa set, kahit saan ako pagbihisin ok lang.

"Hindi ko kailangan ng portalet o special tent. Whenever I go to work, I deliver. Hindi ako nangbabastos ng katrabaho ko. Mga barkada ko sa set mga cameramen, lights men, taga-timpla ng kape at taga-serve ng pagkain. Kung tatanungin niyo sila at ang mga artistang nakasama ko, malamang sasabihin nilang ok at masaya akong katrabaho (hindi sa nagbubuhat ako ng sarili kong bangko, pero yun ang totoo).

"Kapag hindi ko eksena, hindi ako tulad ng iba na biglang nawawala sa set, makikita niyo lang akong naka-steady sa isang tabi, nakikinig sa Ipod, tulog o nagla-laptop. Ayoko ng ako ang cause of delay dahil may hiya ako sa mga katrabaho ko.

"Kung nung bata ako, naging pasaway ako, oo aaminin ko yan. Walawal ako noon, bastos at walang sinisino. Pero ang lahat ng tao ay pwedeng magbago. Walang imposible. At alam ko sa puso ko na nagbago na ako. Click days pa yung pasaway moments ko at ang tagal na non.

"Humingi ako ng dispensa sa E.P. sa pagmumura ko. Sabi ko, 'Madam, kung gusto mong lumuhod ako para malaman mong taos-puso ang pagso-sorry ko gagawin ko.' Sabi niya mag-sorry daw ako sa staff at sa lahat at ginawa ko yon.

"Hindi mangyayari ang kaganapang yon kung inayos nila ang sistema. 'For every action there is an equal and opposite reaction' (Newton's third law of motion).

"Kung kayo po ang nasa kalagayan ko na may kaba na may mangyayari sa mahal mo sa buhay at bigla kang parang ginago ng mga katrabaho mo, ano ang mararamdaman mo? Nag-react lang ako sa sitwasyon, pero hindi ko talaga napigilan ang nasa dibdib ko at sumabog na lang ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Taos-puso ang pasasalamat ko sa lahat ng bumubuo ng Machete. Sana makatulong ang mga eksena ko sa pagpapaganda ng show.

"Aminado akong nagmura ako at pasensya na po pero sana aminin niyo ang pagkakamali niyo. Hindi yung malalaman ko pa sa diyaryo at Internet na tuluyan na pala akong tinanggal. Hindi man lang ako kinausap ng maayos pati ang manager ko. At sana walang bali-balikong storya. Ito ang katotohanan.

"Again, humihingi ako ng dispensa kung may nasaktan akong tao. Pero please naman Madams and Sirs, Tell the truth.

"PEACE, LOVE, UNITY, RESPECT, TRUTH.
Salamat,
Karen de los Reyes"

Bukas ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa panig ng executive producer ng Machete o kung sinumang may kinalaman sa produksyon kaugnay ng mga pahayag ni Karen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN