Marvin Agustin loves his job, which makes him do the things he loves

IMAGE 0


At 32, Marvin Agustin is a proud part-owner of four restaurants, a fast-rising concert producer, and a doting dad to his twins, Sebastian and Santiago.


"Wala pa munang lovelife," ang sabi Kitchen Superstar host na si Marvin Agustin. "I'm busy with a lot of things."

Araw-araw ang taping ni Marvin para sa unang reality cooking show sa Philippine television.

"Buti nga, nakapag-negosyo pa ako. Nagagawa ko yung meetings ko sa gabi. Tuloy pa din ang negosyo. Sa set na nga ako nagtratrabaho," ang nakangiti pang kuwento ng aktor.

Lumalaki na rin ang kanyang kambal—Sebastian at Santiago—na parehong nasa grade 1 na. "Nagdadahilan na nga sa mga pagsagot," sabi ng doting father. "They spend the weekends with me. Gustung-gusto nga nila magpunta sa shooting, e."

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung papayagan ba niya ang mga anak na pumasok sa showbiz balang araw.

"Oo naman. Ang sarap sarap mag-artista! Pero ang sarap din mag-aral. Sana mag-aral naman sila para hindi naman sayang yung aming [pagtrabaho]."

AT HOME WITH COOKING. Speaking of trabaho, masaya si Marvin dahil nagagawa niya ang isa pang paborito niyang gawin— pagluluto.

Ang may-ari ng restaurants na Sumo Sam, John and Yoko, Marciano's, at Johnny Chow ay mahilig talagang magluto.

Kuwento ng restaurateur, "I like making up dishes. I like customizing the dishes according to what my family wants. I like making Spanish cocido [stew], Iberian chicken [also a Spanish-influenced recipe]."

Pero ang hindi nawawala sa kanyang bahay ay ang mga simpleng Filipino fare: tinolang manok at sinigang na bangus.

"Yun ang kinakain ko lagi sa bahay. Siyempre, outside, you get to try different kinds of food. You can be very adventurous. So pag nasa bahay ako, gusto ko lang yung alam ko na," aniya.

"Pero pag may pamilya, magluluto ako mula umaga hanggang gabi. Enjoy na enjoy ako doon. Kuwentuhan, kain, 'tapos luto lang nang luto," ang game na game na pagkuwento niya.

WANDERLUST. Another high for Marvin Agustin is traveling for both pleasure and business.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mahaba niyang pahayag, "I love to travel! Kaya nalulungkot ako sa sobrang busy ko, hindi ako nakakabiyahe," saad ng actor at TV host. "I love airplanes and airports. Why? Adventurous ako e.

"When I know that I'm going somewhere or I'm going to experience new things, places that I'm not used to, or even places na napuntahan ko na, and I know I'll be discovering another charm of that place or new things about that place. I like discovering, I like exploring.

"Kaya siguro gusto ko ang eroplano because it brings me to the farthest na maiisip mong destination."

Hindi lang naman pasyal ang pakay ni Marvin para sa kanyang pangingibang-bansa. "Most of our restaurants are influenced by our travels, me and my partners. We love benchmarking outside of the Philippines. We all love to eat. Yun ang pinaka-nag-i-influence sa amin, in terms of ambiance, design, service, pagbalik namin, para kaming nag-aral."

Nang tanungin kung may paborito ba siya sa mga restaurants niya, ayon kay Marvin: "My baby is Sumo Sam."

Ngayong nag-open na ito for franchising, lalo nang mabilis ang paglago ng negosyo. Magbubukas nga ang Sumo Sam ng mga branches sa Nuvali, Greenbelt 3, Abreeza Mall sa Davao at sa ABS-CBN compound—all in the next three months.

May bago pang restaurant na bubuksan sina Marvin. "Our latest brand is Comrade. We're launching it this July. It's Szechuan and Hunnan cuisine, so puro maaanghang 'yan. Hunnan kasi ang nagiging popular ngayon. They call it 'the new Thai cuisine.'"

Mahilig ba siya sa spicy food?

"Not so much. Depende kung masarap yung pagkakaluto. Pag yung nanay ko ay gumawa ng laing, kahit di ako mahilig sa maanghang, bagay siya sa laing, so pinadadagdagan ko siya ng sili. Yung gising-gising na niluluto ko, without chili, hindi siya gising-gising. So [gusto ko yung maanghang] sa mga dishes na [kung saan] bagay siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PRODUCING CONCERTS. Mula sa pagiging artista at restaurateur, ay pinasok na rin ni Marvin ang pagiging concert producer. "Naninibago ako kasi nung first time [kong gawin yun]," pag-amin ni Marvin.

Isa siya sa mga producers ng nakaraang Bruno Mars concert. "Mabuti na lang at mabilis-bilis tayong natuto. Logistics lang naman [ang naging difficulty], so it went smoothly."

Ang upcoming artists na dadalhin nila sa Pilipinas ay ang grupong Maroon 5 (sa May 23) at si Miley Cyrus (June 17).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN